Naabutan ko si criza na nag hahain na ng pagkain sa mesa, tahimik ko namang nilapag ang maleta ko at nagbihis na muna ng pambahay bago bumalik sa kusina.
"Oh tamang tama, kain na" aya nito sa akin ang dami daming pagkain ngayong nakahain aakalain mong may pyesta.
"Ikaw nagluto lahat ng ito? Ang dami naman criza e dalawa lang naman tayo" tanong ko dito ngumiti naman ito na parang aso.
"Syempre hindi, hindi naman ako marunong magluto eh" amin nito sa akin, nagtaka naman ako agad sa sinabi nito so sino ang nagluto ng mga ito?
"So saan galing ito?" May itinuro naman siya sa gilid ng lababo, agad ko naman itong kinuha isa itong malaking paper bag dito ata nilagay yung mga pagkain.
"Hope you enjoy the food" -husband
Agad ko naman itong nilukot at tinapon sa basuhan ang papel, si nicolas na naman?!
"Hindi mo naman sinabi sakin na may asa-"
"Wala! Wala akong asawa okay? Nababaliw lang yon" paliwanag ko dito agad ko namang niligpit ang mga pagkain at binalik uli sa paper bag.
Nagluto ako ng mabilisan para makakain na kami ng dinner ni criza, mga 8:15 pm ng matapos kami at magpahinga na sa sari sarili naming kwarto.
Beep beep.... rinig kong tunog ng cellphone ko kinuha ko naman ito bago mahiga sa kama.
(How are you?) agad naman akong nagtipa ng reply dito.
(Stop texting me, jerk) inis kong sabi dito.
(I can't wife. Come home please) namula naman ako sa sinabi nito. Home homino mo yung muka mo!
(Also, wag mo nang uulitin na padalhan ako ng kung ano ano kung naiisip mong madadala mo ko sa pa ganyan ganyan mo pwes hindi) sabay patay ko ng cellphone ko. Maaga pa ang flight ko bukas.
"This this and this" turo ng babae sa food na pinapaorder niya. Agad naman akong tumango at kinuha ito.
"Here ma'am. Enjoy" magalang na saad ko dito bumalik na lang ako sa station ko at tumayo ng nakangiti, nakikita ko na naman ang mga lalaking palihim na kumukuha ng litrato ko tsk patago tago pa e halatang halata naman.
"Pretty syd! Pinipicturan ka na naman oh nakoooo magtretrending ka na naman" bulong sa akin ni ella. Umiling na lang ako dito.
Kakababa ko lang ng sasakyan, paakyat na ako ngayon sa condo unit namin ni criza pagkadating ko ng pintuan namin nakita ko ang isa kong malaking maleta at iba pang bags na nasa sofa ng sala, agad ko naman itong tiningnan at napagtantong nasa loob na lahat ng damit ko dito.
"Criza! Anong nangyayari?" Tarantang sabi ko dito nakayuko naman ito ngayon sa akin.
"Eh kasi syd ano e hmm sabi ng head iempake ko yung mga gamit mo kasi hindi ka na daw pwede dito tumira" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito may inabot pa itong address sa akin na alam na alam ko kung kaninong bahay. That fvcker!
Kinuha ko na lang ang gamit ko at yumakap kay criza bago magpaalam at umalis, ano akala niya? Mapapapunta niya pa ako sa bahay niya? No way! Patayin niyo na lang ako! Maghohotel na lang ako kung ganon!
Ika sampo na itong hotel na pinuntahan ko pero iisa pa rin ang sinasabi nila kapag nalalaman ang pangalan ko.
"Sorry ma'am, fully booked po kami" kahit wala namang dahilan para ika fully booked nila kasi yung iba mga hindi na kilalang hotel! Arrrghhh letcheng nicolas yan! Ayoko namang maki gambala pa sa mga kaibigan ko alam kong stress na stress na sila solana at stella sa work nila, balik ibang bansa na din si zariyah. You want to play huh? Then i'll give it to you.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong asa harapan ng napakalaking mansyon, bumukas agad ang gate at pinapasok agad ako sa loob.
"Magandang gabi señiorita sydney" bati sakin ng nga katulong, aba kilala agad ako huh? Ngumiti naman ako ng tipid at naupo sa sala.
Manghang manghang pa akong tinitingnan ang buong bahay ng mga bumabang lalaki sa hagdan, dali dali naman akong umupo ng tuwid at nag seryoso ng muka.
"Hey wife" bati nito sa akin inirapan ko lang naman ito at bumaling sa ibang dereksyon. Umupo na ito sa harapan ko.
"Where's my room?" Bored na tanong ko dito.
"Go straight then turn left, you'll see our bedroom" nagpintig naman ang tenga ko sa narinig ko.
"I said where's MY room. I don't want to share with you" plain na saad ko napangiti naman ito na parang wala lang ang sinabi ko.
"Sorry babe, inaayos pa ang ibang rooms dito. Alam kong pagod ka na kaya go to our room and take a rest" wala naman akong nagawa kundi ang tumayo na at dumeretso ng kwarto KO oo kwarto ko lang never kong sasabihin kwarto NAMIN to! Tsk.
Nag shower agad ako at nagbihis ng pantulog pinilit ko na agad matulog para hindi kami mag abot ni nicolas, mahirap na. Narinig kong bumukas ang pintuan kaya mas lalo kong pinilit matulog. Naramdaman kong tumabi na ito sa likod ko at yumakap sa akin. Shet?
"Masaya akong nasa tabi na kita astrid, im sorry for everything my wife" bulong nito sa akin habang mas humihigpit pa ang yakap nito sa akin.
"Too late nicolas, too late" sa isip isip ko.
————————————————————————————————————————————————
Hala! Too late na daw :((
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
RomanceAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...
