Chapter 06.

79 5 0
                                    




Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ko naghilamos at toothbrush na muna ako saka bumaba para makapag breakfast kasama sila mama.


"Anak may lakad ka ba ngayon?" Wala na si papa nakapasok na kasi ito sa trabaho lagi talagang maaga umaalis ito ng bahay.


"Opo nay, may group project po kasi kami ngayong sabado baka mga gabi na din po ako makauwi" magalang na paalam ko naman dito binilinan lang niya ulit ako na mas agahan ang uwi ko para hindi sila magalala sakin ni papa.


Tumango naman ako dito sabay paalam na din na gagayak na para maagang makaalis ng bahay dumeretso lang agad ako sa bahay ng kaklase ko.


"Tao po" isang matandang babae naman ang sumalubong sa akin ngumiti agad ako sska nagtanong.


"Uhm nanjan po ba sila ann?"


"Nako iha hindi ata na sabi sayo nag ka emergency kasi sa kabuhayan nila kaya tumulong ang mga dalaga roon, baka daw bukas nalang niyo ituloy tutal linggo naman"


"Ay ganon po ba? Osigi po pa sabi pupunta po ako dito" naglakad nako para makaalis ng may magtext sa phone ko.


(Where are you? 5mins nanjan nako sa bahay niyo)


Nataranta ako bigla at dali daling tinext siya pabalik nakooo hindi pwedeng makita siya nila nanay baka kung ano isipin non!


(Wala na ako sa bahay kaya wag kana pumunta jan, magkita nalang tayo sa dalampasigan malapit sa sari sari store nila aling cora)


Naglakad naman agad ako doon sa tinext kong pagkikitaan namin oo nga pala inaya din niya ko ngayong sabado noong naalala ko kasing may group project kami yun nalang yung inisip ko, sabi nga aral muna bago landi hahaha.



"Hi nagbreakfast kana?" Bungad naman agad nito sa akin tumango naman ako agad saka inaya na siyang umalis baka malate pa siya sa semis niya mahirap na.



Pagkadating namin don nakita ko agad yung mga iba niyang classmate at kabarkada yung iba inasar pa kami at yung iba nama'y ngumingisi ngisi lang hindi nagtagal isa isa na ring tinatawag ang surnames nila at syempre dahil A din itong si crush siya yung naunang tawagin.



"Alexanders, Nicolas Kane" agad naman siyang lumapit sa sumakay sa helicopter woahh ang hot hot niya talaga! Bagay na bagay sa kanya ang pagiging piloto.



Pinanood ko lang siyang paliparin yon paikot ikot lang naman siya sa himpapawid sana ako hindi din niya paikutin charot. After ng turn niya nagpaalam naman na agad siya sa prof niya punta na sakin nako para namang ako yung girlfriend na nagaabay sa jowa niyang may ginagawa hihi soon.



"You hungry? Tara lunch"



"Tapos na ba exam mo? Pwede namang lutuan na lang kita" habang nilalaro ko yung mga daliri ko nakakahiya bes.



"You want to cook for me?" Naramdaman ko naman yung ngisi nito sa akin kaya nilakasan ko ang loob ko saka tiningnan na din siya ng seryoso.



"Ano? Ayaw mo? Okay lang" lalakad na sana ako ng hawakan niya yung braso ko.



"Okay then, hotel room ko nalang tayo pumunta" nagpahatak lang ako dito at pinigilang kiligin habang nakatingin sa kamay niyang hawak hawak ako.



Ilang minuto lang at nakarating na kami agad sa malaking hotel dito sa isla namin ang yaman talaga niya mga bes dito kasi sa islang ito talagang feeling mo din asa manila ka may mga malls din kasi dito pero mga mayayaman lang yung mga nakakapasok kasi nga tulad ng pagshoshopping namin nila solana nung isang  araw branded brands yung mga nandito at pag gusto namang mag mall yung mga may kaya lang sa buhay may mga maliliit na sari sari store naman jan. Hindi ako ganon ka sobrang yaman pero dahil ang mga barkada ko ay mayayaman ayon napapapasok na din ako sa malls na para sa kanila.



Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now