Chapter 37.

89 4 0
                                    



Pagkatapos ng gabing yon mas pinilit kong lumayo sa kanya, tuwing may flight ako lagi kong pinipilit na aabot ng tatlo o isang linggo ito para may dahilan ako para hindi masyadong umuwi sa bahay. Uuwi man ako lagi kong inaagahan ang tulog at gigising ng maaga para umalis na agad at pumuntang airport, nararamdaman kong napapansin iyon ni nicolas pero wala na din naman akong pake.


"Hay nakakapagod din talaga no?" Nag uunat na sabi sa akin ni criza.

"Oo nakakapagod pero ayos lang" nagliligpit ako ng mga ginamit dito sa airplane.

"Haynako! Kala mo hindi ko na papansing sinusubsob mo ng sobra ang katawan mo sa trabaho ha? Hindi tama yan pretty syd!" Sermon naman nito sa akin.

"Hindi naman sa ganon criza, talagang malaki ang pangangailangan k-"

"Pwede ba syd! Ang yaman yaman ng asawa mo tapos pera ang idadahilan mo sakin?" Hindi ko na lang ito pinansin para hindi na humaba ito.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng airport, ayoko pang umuwi sa kanya sa isip isip ko kaya pinaandar ko ang kotse ko sa club at tinawagan sila stella para ayain.


(Hey sis, what's up) bungad ni solana.

(Im on my way sa club, sama ka?)

(Ay sis why biglaan? Dami ko pa ooperahan e hmm maybe later mga gabi)

(Okay! Tell stella rin byee siss) pinatay ko naman agad ang tawag at pinagpatuloy ang pamamaneho.

Dumaan muna ako saglit sa condo namin ni criza para maka pagpalit then deretso na sa dapat kong pupuntahan, malapit lang naman. Pagkapasok na pagkapasok ko usok agad ang bumungad sa akin at mga taong nagsasayawan dumeretso lang ako sa counter at nag order ng alak, madali akong malasing alam ko yon pero kailangan ko ito ngayon.


"Hi miss, do you mind if i join you?" Mga pang anim na lalaki na ang umeepal sa gabi ko.

"Fvcking go away" sabi ko dito narinig ko naman itong tumawa kaya napabaling ako ng tingin dito.

"Anong nakakatawa huh?" Inis kong sabi dito.

"Nothing, kaya pala napapaalis mo yung mga lalaki before me. Fierce hmm i like it" kumindat pa talaga ito hindi ko naman itatangging sa lahat ng nag approach sa kanya ito ang pinaka gwapo, magsasalita na sana siya ng mapatingin siya sa entrance ng bar magkasamang pumasok si nicola at nathalie lahat naman ng tao ay napapatingin sa kanila na parang isang couple na bagay na bagay talaga sa isa't isa. Napangiti na lang ako ng mapait.


"You like him?" Tanong sa akin ng katabi ko.

"He's my husband" sabay lagok ko ng alak ko naramdaman ko naman ang gulat sa lalaking katabi ko.

"If that's the case, bakit ibang babae ang kasama niya at ikaw nag papakalasing mag isa?" Tanong nito sa akin.

"No comment" bumaling pa ako saglit kila nicolas na ngayo'y nagbubulungan na sa gilid. Mabuti nang sa kanya mapupunta si nicolas atleast kilala ko.

Tumayo na ako para sana umuwi na tetext ko na lang sila solana na wag na tumuloy baka makita pa ako dito ni nicolas, naglalakad na ako palabas ng biglang may humablot ng braso ko.

"Bitawan moko!" Sigaw ko dito, sinalubong naman ako nang nag aapoy na mata ni nicolas.


"What are you doing here" madiing bulong nito sa akin habang hawak hawak pa rin ako.


"Ano bang ginagawa sa club?" Pilosopo kong sagot dito babawiin ko na sana ang braso ko mg kaladkarin niya ako palabas papuntang parking lot.


Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now