Chapter 39.

99 3 0
                                    



"Waahhh siss im so happy for you!" Nangingiyak na sabi naman sa akin ni stella

"Me too sis! Sabi na eh! Nicolas loves you so much talaga!"

"Iba din ang awra mo bakla ka ha! Napauwi tuloy ako ng wala sa oras ng sinabi mong nagkabalikan na ulit kayo ni crush mo slash hubby mo na hihi!"

"Pano ba yan girls? 2 married and 2 single ang status ng barkada natin!" Anunsyo naman ni stella.

"Aba sino pa ang kasal sa atin ha?! Bat hindi ko alam mga bruha kayo?" Gulat na sabi ni zariyah sabay sabay naman kaming tumuro kay solana na ngayo'y nakayuko na. Sinabunutan naman siya ni zariyah kaya napatawa kami ni stella.

"Bruha ka! Kasal ka na pala bat ngayon ko lang nalaman! Ang daya moooooo!!! Huhuhu ulitin mo yung kasal niyo! Kelangan ako flower girl!" Mas napatawa naman kami sa sinabi nito gusto lang palang maging flower girl ni gaga.

Patayo na sana ako para mag cr ng mahilo ako at nandilim ang paningin, bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay narinig kong nag sorry muna ang barkada sakin.

Nagising akong nakasuot na ako ng white gown at naka make up at ayos na din ang buhok ko nagiisip pa ako kung anong nangyari ng pumasok si stella na nakagown na din at malapad ang ngiti sa akin.

"Tara na giiiirl! Naghihintay na sila!!!" Kahit nagtataka nagpahila naman ako dito at sumakay na din sa kotse.

Ilang saglit lang at nakarating kami dito sa simbahang pinangarap ko dating maikasal. Wait? Sino ba ang ikakasal ngayon? Bat hindi ko alam? Dali dali namang bumaba si stella at hinatak na muli ako. Binigyan lang niya ako ng bulaklak at pinaghintay sa labas at abangan ko na lang daw na bumukas ang pintuan.

Laking gulat ko ng magbukas ang pintuan, andon ang lahat ng mga college friends namin, mga kamag anak at pamilya ko. Sa kabilang side naman andon ang mga Alexanders at iba pa nitong kamag anak tila nag uunahang bumagsak ang luha ko sa nadiskubre. This is my wedding. Unti unti akong naglakad papunta kay nicolas na ngayo'y umiiyak na din tulad ko.


"Astrid Sydney Anderson, alam kong hindi naging maganda ang nakaraan natin kung maibabalik ko lang gagawin ko para bawiin lahat ng pagkakamaling nagawa ko sayo noon. Patawarin mo ko kung naging sarado ang isip ko at hindi inisip ang nararamdamn mo mahal ko pero ngayon sisiguraduhin kong itatama ko lahat ng yon at liligawan ka sa araw araw na magkasama tayo. Babawi ako sayo hanggang sa huling hininga ko mahal ko. Mahal na mahal n mahaaal kita! Lagi mong tatandaan yon ha? Unang kita ko pa lang sayo non alam kong ikaw na ang babaeng makakasama ko sa habanv bubay. You are the most beautiful woman in my life baby! And wala na akong hihilingin pa! God blesses me by giving me you astrid" mahabang sabi nito sa akin, pinunasan ko naman ang luha ko bago magsalita.


"Sa araw araw na nananalangin ako sa Panginoon, masasabi kong isa ka sa pinaka hihintay mong biyaya sa buhay ko nicolas. Bata pa lang tayo hinahangad ko na na sana mapansin mo ko, crush na crush nga kita ih" nagtawanan naman ang mga tao sa sinabi ko "hanggang sa mapalapit ka sa akin nung college at tinulungan mo ko sa pag aaral ko. Ako na ata ang pinakamasayang babae noong mga panahong yon. Hanggang sa minahal na nga talaga kita ng sobra sobra. Patawarin mo rin ako sa mga nagawa ko mahal, babawi din ako sayo hanggang sa huling hininga ko. Ikaw lang ang pipiliin ko parati! Ikaw ang buhay ko nicolas"


"You may now kiss the bride" pagkasabing pagkasabi ng pastor agad naman ako nitong hinalikan ng puno ng pagmamahal sa labi habang ang mga tao ay nagsisipalakpakan.

"Mahal na mahal kita astrid sydney alexanders" bulong nito sa akin.

"Iloveyoutoo my hubby"



























————————————————————————————————————————————————

Mabuhay ang bagong kasal! Hahahaa epilogue na guys hihi

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now