Chapter 26.

106 4 0
                                        




Umuwi akong lutang sa condo namin ni criza, hindi pa rin ako maka paniwalang ganoon siya umakto sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong dahilan niya bakit pa siya nandito. Binigay ko naman na yung kalayaang inaasam niya diba?


"Oh syd! Bakit ka tulala jan?" Tanong sakin ni criza na nagtataka.


"Uhm wala pagod lang ako" tipid akong ngumiti at pumasok na lang sa kwarto hindi na din ako kumain ng dinner kahit inaaya ako ni criza, wala kasi akong gana.


Maaga akong nagising dahil sa alarm ko, pag labas ko ng kwarto nakita kong may nakahain nang breakfast sa table binasa ko din ang note na iniwan ni criza.


"Hindi ka nag dinner pretty syd :(( ano mang problem mo nandito ako para makinig! Kumain kang madami okay? Xoxo" -crizacute


Napa ngiti na lang ako sa kabaitan ni criza hayy laking pasasalamat ko talaga at siya ang kasama ko dito sa condo! After ko mag breakfast naligo naman agad ako at mabilisang nag ayos ng itsura. 7:00 am ng matapos ako kaya dali dali na kong sumakay sa kotse ko at nagmaneho pa puntang skyairlines.


Kriiing kriiiiing

(Yes ma'am nandito na po ako) nagmamdaling lakad ko papunta sa airplane.


(Hurry up! The captain is here already!) ng patayin nito ang tawag mas binilisan ko pa ang lakad ko at dumeretso na sa station ko.


"Hello ate sydney! Kamusta" pinsan ko ito si rhea isa din siyang flight stewardess tulad ko siya yung anak ni tita.


"Hi rherhe! Ayos lang pag butihan mo okay?" Ngiting tumango naman sakin ito, magdamag ang akong nagserve sa mga tao dito.


"Syd! May nag rerequest sayo dun sa vip natin" kahit nagtataka ako pumunta na lang din ako dito, natanaw ko ang isang light brown hair na babaeng nagbabasa ng magazine, oh si zariyah yong asa magazine ah.


"Yes ma'am? How can i hel-" nagulat naman ako sa paglingon ng babaeng naka shades.


"Shhh wag kang sisigaw bakla ka, jojombagin kita pag kinuyog ako ng fans ko dito!" Natatawang sabi nito sa akin hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko to ng mahigpit! VIP naman ito kaya konti lang ang tao hihi.


"Hayop kang bakla ka! Masyado kang nag papamiss! Kamusta na??" Naluluhang tanong ko dito kinurot lang naman nito ang pisngi ko sabay punas din ng konting luha niya.


"Sorry na nga e! I'm here na nga oh! Soplakin ko talaga yang fezlak mo ihhh" nagtawanan naman kami sa beki language niya, hindi pa rin talaga nagbabago ang baklang to!


"We have girls night out okay?? Kaya tapusin mo agad lahat ng flights mo today at mamayang gabi oras naten yon!" Natatawang ngumisi naman ako dito, iniwan ko na din siya dahil medyo nagtagal pala ako doon dahil nag chikahan pa kami ng konti.


8:15 nang makarating ako sa club na tinext sakin ni zariyah kanina, nagsuot lang ako ng fitted short dress na black, pa cross ang likod nito at mababang v neck naman ang harapan nito. Agad ko namang natanaw sila zariyah dahil sumampa pa talaga ito sa sofa! Konting tao lang din naman ang mga nasa VIP room kaya walang makakapicture sa kabaliwan ni bakla.


"You're late sis! Kanina pa kami dito!"


"Hello siss hindi ko hawak ang oras ng flight ko! Isisi mo don sa nagpapaandar ng airplane!"


"Nga naman! Oh sit kana here sis here wine oh wine lang yan ahh" tinanggap ko naman ito bahala na, kompleto kami ngayong gabi kaya magpapakasaya ako tonight at kakalimutan ang mga iniisip.


Hindi lang wine ang nainom ko pati na rin ang mga hard liquors na inoorder nila zariyah,kahit ang pait at sakit sa lalamunan pinipilit ko pa rin yon inumin. May mga lalaki na ring lumapit sa mga bruha syempre mga tuwang tuwa ang mga ito hindi ko namn ipagkakailang mga gwapo at hot naman talaga ito.


"So kamustahin naman naten ang buhay nitong si sydney!" Lasing nang anunsyo ni zariyah.


"Yas!! What's with your buhay sis??"

"Naka move on kana ba??"

Sunod sunod nitong tanong sa akin, inisang lagok ko naman ang alak na hawak ko.


"For the first and second question , im good masaya naman sa work at napapagawa ko na ang bahay para kila papa. And yes naka move on na ako" nagsigawan naman sila sa naging sagot ko.


"Woah!!!! Im so proud of you sissy!! Tularan si sydney! Bakal na siya hindi na kahoy! #freefromkarupukan!" Nagtawanan naman kami sa sinabi ni stella.


"Actually nung isang araw nagkita kami" buo kong kwinento ang nangyaring pagkikita namin mula noong sa bar at sa isa sa mga flight ko pati sila gulat na gulat sa inaakto ni nicolas.


"Nako sis ha! Baka nay hidden agenda yan!"

"You make sabi sabi pa! Baka nga mag rerevenge lang si nicolas to our sis!"

"Yeah! Pero parang may mas karapatang gumanon ang ating sissy eh! Kapal ng muka naman niya!"

"Easy girls, ang pagiging move on ko lang ang magagamit ko laban sa kanya, hinding hindi na niya ko matitinag ngayon." Seryosong sabi ko dito.

"Das the spirit girl! Bring it on!" Nag cheers naman kami sa sinabi ni solana. Last check mo sa oras 2:30 na ng madaling araw ayos lang 11 pm pa naman ang flight ko bukas, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dito sa couch.





























————————————————————————————————————————————————

#strong #hindinamulingrurupok #bakalnatohindinakahoy yes!!!!! Tularan si sydney! Woooohhh!

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now