Chapter 28.

95 5 0
                                    




Nag aasikaso na ako para sa flight ko mamaya, naligo ako ng mabilisan at umupo na sa harap ng salamin para maka pag ayos na.

Dialling stella...

(Hello sis?) sagot agad sa akin ni stella.

(Mag fifile sana ako ng annulment)

(WHAAAT?!) Napalayo naman ang tenga ko sa sigaw nito.

(Annulment stella, i need it now)

(Wait wait as in kay nicolas?? Saka bakit naman biglaan sydney!) sunod sunod nitong tanong sa akin.

(Yes, for nicolas basta gusto ko na siyang pakawalan ng tuluyan okay? Wala na din namang saysay yung marriage namin) paliwanag ko dito.

(Okay sige, ako na bahala) tinext ko naman sa kanya ang address para maipadala niya doon buti na lang talaga may friend akong lawyer! Mabilis lang ang magiging proseso nito for sure.


Tinapos ko na ang pag aayos ko at naglagay na din ng nga damit sa maliit kong maleta, 1 week akong mawawala at sinadya ko ito para hindi na din makita si nicolas kung sakali. Sumakay na ako sa sasakyan ko at pumuntang airport.




NICOLAS


"Sir, may attorney pong nagpapabigay" napatigil naman ako sa ginagawa kong trabaho ng mapatitig sa brown envelope na kakalagay lang ng secretary ko sa harap ng mesa ko.

"What's that?" Seryosong tanong ko dito.

"May babae lang pong nag iwan sa front desk sa baba at para sainyo daw po yan sir" sinenyasan ko lang itong lumabas na ng opisina ko, hindi ko pa nabubuksan pero nakukutuban na ako kung ano man ang asa loob nito.


Dahan dahan ko itong inabot at tinitigan muna bago mapag desisyonang buksan ito.


"Fvck!" Nalukot ko bigla ang papel ng mabasa ko ito ng buo, an annulment paper huh? Dapat masaya na ako diba? Kasi dati pa lang ayoko naman na talaga ito, ang makasal pero bakit parang pinipiga ang puso ko sa ideyang galing ito mismo kay astrid?

"Tinotoo mo talaga ang sinabi mo astrid" wala sa sarili kong sabi, tinawag ko agad ang head ng mga flight attendant. I need to talk to her now.

"Yes sir? What can i-"

"Astrid sydney anderson, where is she?" Putol na tanong ko dito nakita ko naman ang gulat sa muka nito.


"Uhm sir may flight po siya ngayon" mahinang sabi nito.


"What time is her last flight?"


"Hindi po siya uuwi ngayon o bukas, nag paloaded po siya ng flights kaya 1week po siyang wala" mas nag init ang ulo ko sa sinabi nito, really? So now she wants get away from me. Pero ito naman ang gusto mo dati pa din diba?

Gulong gulo ang isipan ko ngayon, hindi ko na alam kung ano pa ba ang ayaw o gusto ko. Umuwi lang naman ako dahil si dad ay may malubha nang sakit at pinilit nitong bumalik dito para sa ina niyang nag aalala na ng sobra.


"Son, you're here" mahinang sabi nito habang nakahiga sa kama nito, marami na ding nakakabit sa katawan nito.


"Yes dad, i'm here so please mag pagaling ka, nag aalala sayo si mom" hawak ko ang kamay nito habang nagsasalita.


"I will son i will pero may gusto din akong sabihin sayo." Sumeryoso naman agad ako.


"Your marriage, make it work" nawalan naman ako ng emosyon sa sinabi nito.


"You know I can't dad, she seduced me! I don't lov-"

"I know you love her, i can see it in your eyes son kahit may galit ka nakikita ko na nasaktan ka din sa nangyari sainyo." Napa tahimik naman ako.


"She begged and kneel infront of us son, sinabi niyang hayaan ka namin tumuloy sa America. That night kitang kita kong nasasaktan siya at hirap na hirap, doon ko napagtantong mahal na mahal ka niya anak." Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko sa nalaman ko. Why astrid? Why?


"Alam kong hindi naging madali ang pagpilit ng tatay niyang ipakasal kayong dalawa, pero hindi mo din ba naisip na ayaw din niya? Tapos kana magaral ng mga panahong yon pero siya? Nagaaral pa siya non son. Hindi natin alam ang nangyayari sa loob ng bahay nila."


"Why dad? Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin lahat ng to?"


"Kung sinabi ko ba agad sayo ito noon, you'll change your mind not to go to america? If sinabi ko ba sayo, you will love and accept astrid?" Doon na ako nagsimulang ma kunsenya.


Alalang alala ko ang mga ka tarantaduhan kong ginawa noon kay astrid. Ang pambababae ko ang pagpapahiya at pagsasabi ng masasakit na salita sa dalaga. Fvck! Ako ang naging selfish at makasarili, hindi ko man lang hinayaan ang sarili kong makinig sa kanya. Sa araw na sobra sobra ko siyang nasaktan doon din niya hiniling ang kalayaan ko sa mga magulang ko.


"Mahal na mahal ka niya son, sa lahat ng sakit na naidulot mo sa kanya hiniling niya pa rin ang kasiyahan mo. She suffered a lot son so please make it up to her, habang hindi pa huli ang lahat" napatingin naman agad ako kay dad sa huli nitong sinabi. May pagasa pa ba ako?


Sa tuwing naaalala ko ang naging usapan namin ni dad hindi ko maiwasang magsisi sa lahat ng mga nagawa ko kay astrid. Kaya sisiguraduhin kong itatama ko lahat ng pag kakamali kong nagawa sa kanya.


"I'm gonna chase you baby" bulong ko sa sarili ko, tumayo naman agad ako at iniwan ang opisina.






























————————————————————————————————————————————————

Nako nicolas parang nanganganib yung pag asa mo nay sydney hahahahaa!

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now