Chapter 34.

111 4 0
                                        




"Everyone listen, this woman beside me is my wife! She's Astrid Sydney Alexanders, kung sino mang magtatangkang saktan ang asawa ko sisiguraduhin kong masisira ang buhay niyo at hindi makakahanap ng trabaho san man kayo pumunta" lahat naman ng tao dito ay nagulat at mga napatakip ng bibig.

"Come on wifey" sabay hatak nito sa akin, nang makarating kami sa office niya dali dali naman akong kumalas dito.

"Ano yon ha nicolas? Anong pakulo non?" Sigaw ko naman dito.

"Sinabi ko lang naman ang katotohanan baby, masama ba yon?"

"Oo masama! Mag asawa lang tayo sa papel okay!? Kaya hindi mo na dapat sinabi sa lahat yon"

"Para ano?! Maligawan ka parin ng mga hayop na yon? Kala mo ba hindi ko alam astrid?"

"Pwede ba? Wag mo kong itulad sayo! Malayong malayo ako sa ugali mo!" Aalis na sana ako ng hatakin nito ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib nito.

"That's why im sorry wife!"

"5yrs is too lat-" hinalikan naman ako bigla nito na ikinatigil ko bigla. Naglalaban ang isip at puso ko kung anong papairalin ko sa mga halik na iginagawad nito sa akin.

"Hmm nicolas ano b-" napakapit naman ako sa braso nito ng mas lalo nitong idiniin ang labi nito sa akin.

"A-astrid i i miss this" binuhat ako nito at inupo sa mesa niya, hinahalikan na nito ang panga ko pababa ng leeg ko ng bigla ko itong itulak ng maramdamn kong tatanggalin na niya ng pang taas ko.

"Stop nicolas, wag mo na ulit uulitin ang pag halik sa akin." Sabay baba ko sa mesa nito at tuluyang lumabas sa opisina nito.


"Waaahhhh pretty syd! Si fafa nicolas pala ang hubby mo hindi mo man lang shineshare!" Kilig na sabi ni criza habang asa condo kami ngayon.

"Bat ko naman isheshare sayo loka ka?"

"I mean ikwinento! Grabe ka ghorl ano ako kakabit?" Napatakip naman ako ng bibig sa sinabi ko oo nga naman si criza yan, kaibigan mo.

"Hindi kami good okay? Nagplaplano akong hiwalayan siya" nalaglag naman ang hawak nitong chichirya kaya natapon ito sa sahig.

"WHAT?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Hindi na ba talaga mag wowork?" Nakwento ko na din kasi ang buong story patungkol sa amin ni nicolas.

"Hindi ko alam criza, hindi ko na alam. Natatakot akong mag pakatanga na naman sa kanya" amin ko dito.

"Hindi pag papakatanga ang magmahal ulit syd, malay mo may dahilan si God bakit niya kayo hinayaang maging ganito."

"Salamat criza" nagyakapan naman kami dito sa sala.


11:30 ng gabi nang makauwi na ako dito sa bahay namin ni nicolas, patay pa lahat ng ilaw senyales na wala pa si nicolas at tulog na din ang mga kasambahay. Mabuti na din yon para hindi ko siya makita. Nagshower lang agad ako at humiga sa kama para tuluyan nang makatulog.



















————————————————————————————————————————————————

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now