Padabog akong lumabas ng kotse niya at dere deretso lang pumasok ng bahay, galit na galit ako! Hindi ko maintindihan bakit umaakto siya na parang apektadong apektado siya sa amin ni kalen at parang ayos na ayos talaga ang relasyong meron kami! Nag shower agad ako at humiga na sa kama para piliting matulog. Ayoko siyang makausap."Astrid" tawag nito sa akin, nakatalikod lang ako sa kanya sa kama.
"Baby, talk to me" naramdaman kong tumabi na ito sa likod ko at masuyo akong niyakap patalikod.
"Hindi ka umuwi sa akin ng dalawang araw tapos makikita kita kasama ang ibang lalaki astrid, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?" Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"I'm jealous! Ni minsan hindi ko na kitang kumislap ang mga mata mo at ngumiti ka sa akin pero sa kanya ganoon ka? I feel betr-"
"Now you know the feeling. Ganyang ganyan din yung naramdamn ko nung makita ko kayong dalawa." Bulong ko rito pero sakto lang para marinig niya, naramdamn mo naman itong natigilan at nanigas sa likod ko.
"Bumabaliktad lang ang mga pangyayari nicolas, kung anong tinanim mo yun din ang aanihin mo, ang pagkakaiba lang nating dalawa ako hindi talaga ako nangaliwa" tumayo ako bigla at lumabas ng kwarto, hindi ko kayang makasama siya sa iisang kama. Nandidiri ako sa kanila.
Late na akong nagising kanina kakaiyak dahil naalala ko na naman ang nakaraan, bakit ba kasi kailangan niya pang bumalik at guluhin ang buhay ko? Maayos na e ayos na ayos na ako pero eto na naman ako humihina.
"Ms.Anderson! Ano bang nangyayari sayo? Bakit lagi ka na lang nagiging late ha?" Sigaw sa akin ng head namin, nakayuko lang ako habang pinagsasabihan nito.
"Hindi porket may kumakalat na balitang asawa mo ang isa sa mga kataas taasan e mag bubuhay reyna kana dito! Baka nakakakimutan mong kayang kaya din kita tanggalin" napatingala naman ako sa sinabi nito, wait tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya?
"Masyado ka nang papansin ms.anderson at hindi ko hahayaang maging abuso ka" sabay walk out nito kitang kita ko na naman ang pag chichismisan ng ibang kasamahan ko sa nangyari.
Hindi ko na ito pinansin at tuluyan nang umalis, naglalakad lang ako habang dala dala ang maleta ko nang may humarang sa dinadaanan ko.
"Ako nga pala yung nagsumbong sayo kanina kay ma'am" ngising sabi sa akin ni vivian ang inggit na F.A sa magandang tulad ko.
"Oh? Ang galing naman non, ilang taon kana? 12yrs old? Kaya naman pala ma sumbungin" mas namula naman ito sa naging asar ko sa kanya.
"Malandi ka! Asa loob ang kulo mo! Tatahi tahimik ka per-"
"Oh shut up bitch, wala ka na bang ibang itatawag sakin? Puro malandi malandi eh ikaw yon diba?" Sasabunutan na sana ako nito ng bigla itong napatigil at napaatras habang nakatingin sa likod ko kaya sinundan ko naman ito.
"I don't want to see your face tomorrow" seryosong sabi ni nicolas kay vivian. Tila lahat ng tao dito ay nakatingin sa amin at sa kamay ni nicolas na nakapulupot sa bewang ko.
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
RomanceAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...