"Hoy bakla ka! Balita ko ang galing galing mo kanina sa exams niyo ah!" Naglalakad na kami ngayon sa hallway pa punta sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko."Sumama kasi siya sa group study namin kagabi eh ikaw babaita ka?! San ka na naman nagsususuot wah" napataas naman ang kamay ni zariyah sa suway sa kanya ni stella.
"Easy lang! Wala pa kong borlogs tapos pepektusan mo na agad yung right brain ko?" Hawak pa nito talaga ang tuktok ng ulo niya na parang timang.
"Stupid girl! Right brain mo talaga?! Talaga!?"
"Joke lang naman yon Solana potek papangaralan mo na naman ako sa science eh joke nga yon, alam mo yon girl?" kamot ulong reklamo nito na ikinatawa nalang naming apat.
"Ano order niyo? My card." Napasigaw naman si zariyah sa anunsyo ni solana umorder na kami ng mga kakainin namin ngayong lunch.
"Yaman talaga ni mareng solana!"
"Gaga ka! Inabuso mo naman tingnan mo nga ang dami dami mong kinakain! PG lang gurl?" Nagsitawanan kaming lahat sa naging reaksyon ni zariyah.
"Hoy ikaw sydney! Ikaw ang anghel sa grupo naten dahil sa bait mo pero bakit ang lakas ng tawa mo ha!"
"Eh pano totoo naman kasi gurl!" Naki pag apir ako kay stella na mas ikinapula sa sobrang inis nito sa amin.
Sa aming apat na magbabarkada ako at si solana ang tahimik kabaliktaran naman namin sila zariyah at si stella na ubod lakas ng nga boses lagi nga daw napapagalitan ng prof dahil pag nagaaway tong dalawang ito kapag nag sama sa mga minor subjects e wala talagang papatalo. Hindi naman kami mag kakaclassmate dati oo noong highschool kami pero dahil nasa kolehiyo na kami at iba iba ang kinukuha naming course tuwing vacant and free time nalang kami nagkikita kita sa restaurant na malapit sa kanya kanya naming building.
"Ano girls? Magcelebrate tayo mamaya! Punta kayo sa bahay ko" napagdesisyonan naming magcelebrate sa bahay nila stella mga bandang alasingko ng makauwi ang nanay agad naman ako nagmano at nagpaalam.
"Nay! Magcecelebrate kami sa bahay ni stella tapos na kasi yung mahirap naming exams sa apat na major subjects namin ngayong araw"
"Oh ganon ba? Pa ano ka uuwi? Papasundo pa kita sa kapatid mo?"
"Nako nay hindi napo hindi na din naman po ako magtatagal uuwi din po ako"
"Osige magiingat ka ha? Delikado malapit sa dalampasigan kapag inabutan ka ng gabi" tumango lang ako at naglakad na paalis ng bahay nagtricycle lang ako papunta sa bahay nila stella medyo malapit lang naman ito sa bahay namin.
Pagkababa ko sa tricycle natanaw ko agad ang iba't ibang kulay na umiilaw doon sa harap bahay nila stella kala ko ba kami kami lang? Dumeretso nalang ako kahit nagtataka hindi nga ako nagkakamali maraming kabataan na galing din naman sa school namin ang ngayong nagpaparty party sa garden nila stella ang iba nasa gilid lang nagiinumam at ang iba naman ay naglalaro ng kung ano ano.
"Sydney! Here! Here!" Sigaw ni stella sa akin nakaupo lang silang tatlo don sa mesa na parang pinalagay talaga don na sadya dahil wala nang ibang kagaya nitong malaking sofa na natatanaw ang magandang kapaligiran ng kabuuang garden na ito.
"Sydney baby sorryyy! Alam kong hindi ka sanay sa ganito pero kasi alam mo naman tong frend nateng demonyo ayon! Sabe magiinvite lang ng konti kasi medyo korni pag tayo lang e di ko naman alam na buong schoolmate pala naten ang iinbitahan!" Masamang tingin ang ipinukol ni stella kay zariyah na ngayong nag peace sign lang.
"Sorry na nga okay? Alam mo namang i love this!!!!! Mas mag eenjoy nga kasi kayo dito PROMISE!" tumayo pa ang gaga sabay tinaas ang dalawang kamay hayyy napailing nalang kami sa ginawa nito.
"Solana! You wanna dance?" Mapangakit na aya nito kay solana sa pagkakatanda ko 4th yr college na itong isang to ah.
"You wanna die?" Agad namang napaatras ang lalaki sa sama ng tingin sa kanya ni solana sanay sabay naman kaming nagsitawanan sa ginawa ni solana.
"Ahahahahahahhaa!!! Ang sama mo sol!!!" Natatawang sabi ko dito inirapan lang ako nito sabay inom na wine na hawak hawak niya ngayon.
"Sydney!!! Sydney!!! Si Nicolas!!!" Kinikilig na hatak sakin ni zariyah pagkalingon ko sa entrance ng bahay nila stella nandoon nga ang binata nakaplain black tshirt lang ito rip jeans saka shoes na balenciaga agad naman akong namula nang makita ito.
Matagal ko na tong gusto mga bata pa lamang kaming apat. Isa siya sa anak ng mayayaman dito sa may islang tinitirhan naming lahat kaya hindi nako nagtataka kung bakit hindi niya alam nanageexist ang isang katulad ko. Hindi naman ako ganong kagandahan tulad ng mga nakikita naming girlfriend o kahit flings niya hindi naman din ako ganong ka yaman para magkrus ang landas naming dalawa.
"Hi nicolas! Do you want me to join you tonight?"
"Babe! I miss your touch!"
"Im free tonight, wanna come?"
Aba potek di ako updated na mga pabigay na pala ang mga schoolmates namin?! Tsk! Last yr na niyang si nicolas sa university namin at magiging ganap na siyang piloto kaya ng malaman kong piloto siya at ako magtatake ako ng flight attendant sobrang saya ko ng araw na iyon! Feeling ko para talaga kami sa isa't isa! Sana magkita talaga kami in the future hihi.
"Not in the mood girls, sorry" sabay dere-deretsong lakad ito sa kung saan man sa bahay ni stella.
"Ay gurl!! Iba din ang fafa mo bentang benta sa mga baklita!" Napasimangot naman ako sa sinabi ni stella.
"Eh ang hot hot naman kasi talaga nitong future jowabells ni mareng sydney ihh hindi din natin masisisi ghorl" nagtanguan pa ang dalawa sa naging komento sa nangyari kanina.
"Don't discourage sydney, maraming lalaki jan no need to make papansin sa guy na yon ano name non? Nikki?" Napatawa naman kami ng malakas sa sinabi ni solana pag talaga si solana nakisabay na matatawa ka talaga conyo kasi tong si babaeng eto dahil lumaki to sa ibang bansa siya actually yung last na naging barkada naming lahat at sa talinong niyang yan may isa lang siyang kahinaan.
"Ang hina hina talaga ng utak mo sa mga names sister! Lalaki nga tapos nikki?! The fudge??"
"So? Sounds like that ee what's your paki ba?" Naiinis na ding sabi nito kay stella.
"Eh kasi naman mareng solana NICOLAS hindi NIKKI okay??"
"Okay. nicole then" napatakip na lang kami ng noo sa nasabi nitong pangalan.
"Potek tara swimming na tayo sydney"
"Makikipagusap lang din ako sa mga school mates natin" tawa tawa kami nanv bumaba habang naririnig namin ang sigaw ni solana.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~First chap guys! ❣️
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
RomanceAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...