Chapter 27.

103 4 0
                                        




Naalipungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko, unti unti naman akong bumangon sa kama shit parang binibiyak yung ulo ko kinapa ko naman agad ang cellphone ko para tingnan ang schedule ko for today. Time check 10:26 ahhhh maaga pa naman humiga ulit ako. Wait 10:26?


"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" Malakas na sigaw ko agad namang pumsok si criza sa kwarto ko na may toothbrush at bula bula pa sa bibig.

"Ano nangyari?? Ano nangyari?!" Tarantang sabi nito sa akin.


"Huhu late na ako! Hindi na ako aabot! May 11 flight ko sa taiwan ngayon!" Nanlaki naman ang mata nito sabay hila sa akin.


"Hindi ko alam sorry! Naglasing lasing ka pa kasi kagabi eh! Yan na papala mo tsk!" Pangaral nito sa akin habang tinatapat ako sa shower wala naman akong nagawa kundi ang magmadali na.


Para akong flash sa sobrang bilis ko kumilos halos 5mins lang akong naligo, nag uniform agad ako at hindi na naka pagpatuyo ng buhok. Si criza na ang nag drive papuntang airport sumabay na siya sakin para makapag ayos pa ako sa kotse, doon na ako nag make up buti na lang at lagi ko itong nagagawa kaya less then 5mins lang natapos ko na din 10:54 nang makadating ako sa eroplano, pinagalitan naman ako ni maam na kamuka ni minchin at sinabihang makikipagusap ako mamaya sa main office.


Wala naman akong nagawa kaya kabang kaba ako sa buong oras na nasa himpapawid kami, mygashh hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako! Sana naman hindi si ano yung pinaka kataas taasan!


"Ms.Anderson nag aabang na sa office si sir, go" halos lumuhod na ko kay maam para lang wag na akong kausapin doon, nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad papuntang main office shiitt bat kasi masyado ako nag pakalasing eh!


Eto na! Hawak hawak ko ang door knob waaahhh!!! Please lupa kainin moko! Kainin mo ko! "Come in" rinig kong sabi ng lalaki sa loob, sure akong hindi pang matanda ang boses nito, tila natunaw lahat ng kaba at takot ko ng ma pagtanto kung sino ang nasa loob. Taas noo akong pumasok at sineryoso lng ang muka.



"Goodevening sir." Pormal na sabi ko dito agad naman itong nagtaas ng tingin, tila nakakapaso ang tingin nito sa akin.


"Have a sit, Mrs. alexanders" nairita naman ako sa tawag nito sa akin, tahimik akong naupo at tipid na ngumiti.


"It's anderson sir, wala po akong asawa" napau uwang naman ang bibig nito pero hindi nagtagal umigting ang panga nito senyales na galit ito.


"Last time I checked you're married to me"


"In the papers sir, should i file an annulment then?" Plain lang ang muka ko habang sinasabi ito kabaliktaran naman ang reaksyon sa akin ni nicolas halo halong emosyon ang nababasa ko, pag sisisi? I doubt that.


"Still! You're my wi—"


"Kung yan lang ang pag uusapan naten maaari na ba akong umalis sir? Pagod po ako sa flights" magalang kong sabi dito.


"Bakit ka nag paka lasing kagabi?" Doon na ako napatingin sa kanya, at kelan pa siya nag kapake sa buhay ko? At pano niya nalamang uminom ako kagabi? nagiinit na talaga yung ulo ko.


"That's a personal question sir, pero pasensya na po hindi na din po mauulit" tatayo na sana ako ng magsalita siya ulit.


"Personal question? Your my wi-" tinaas ko ang kamay ko senyales para tumigil na siya.


"First thing in the morning tomorrow, an annulment paper will be given to you." Dere deretso na akong lumabas ng office niya.


"Not again, nicolas" bulong ko sa sarili ko sabay sakay ko sa sasakyan ko pauwi.


























————————————————————————
————————————————————————

Itutuloy......

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now