5yrs later.....Pagod na pagod akong bumagsak sa kama ko dito sa condo unit na provided ng airlines. Naka tatlong flight kasi ako ngayon kaya nakakapagod talaga. Pag kagising ko nag paalam muna ako kay criza na bibili lang ako ng pang dinner, kasama ko nga pala siya dito sa unit flight stewardess din siya.
Habang naglalakad ako mag isa dito sa maingay na kalsada ng maynila hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, maraming pag babago ang nangyari sa paglipas ng panahon, masasabi kong marami akong natutunan at natuklasan sa sarili ko. Mas naging malakas ako at natutong magkaroon ng boses para masabi ang gusto kong masabi.
"Wahh mga bakla graduate na tayo!!!! Wooohhh!!"
"Alam mo your so daya zariyah! You don't open your libro and notes nga eh! Tas naka graduate ka?" Nagtawanan naman kami sa asar ni solana kay zariyah.
"Oppsss tama na yan doc! Magagalit yang Fashion designer natin! Sige ka wala tayong libreng damit jan!"
"Ah ganon?? Yon lang pala habol niyo saken ha! Ipapademanda kita!"
"Nako beks! Si attorney yan! Ratatatat bunganga niyan!" Paalala ko naman dito, napasimangot na lang ito sa nasabi.
"Okay! Hindi na din tayo ma bobored guys sa airplane! May magandang bakla tayong bwibwisitin at aalipinin!" Sinabunutan ko naman si stella sa sinabi nito.
Sobrang saya ko ng araw na yon! Na late man ako ng isang taon ulit bago maka graduate nagtugma tugma pa rin ang araw ng graduation namin. Si solana isang doctor na, si stella naman attorney, si zariyah fashion designer at ako tulad ng matagal ko nang pina pangarap isa na kong ganap na flight stewardess! Simula non medyo naghiwa-hiwalay na muna kami ng landas para asikasuhin ang career ng bawat isa.
Inaasikaso na ni solana ang mga hospital ng pamilya niya at balak din niyang mag tayo ng sarili nitong ospital. Si stella naman ay naka pagtayo agad naman sariling law firm at si zariyah nama'y nasa new york ngayon. Sa SkyAirlines naman ako nag katrabaho since andon ang tita ko.
"Criza! Tara kain na tayo" umupo naman ito sa harapan ko at nag simula na din kumain.
"Alam mo ang daya daya mo!"
"Hala ka? Bakit naman?"
"Alam kong pagod na pagod ka kanina pero ilang oras ka lang natulog ang fresh fresh mo na agad! Napakaganda talaga ng face mo syd!"
"Well, ako lang to" nagtawanan naman kami sa biro ko.
"Pero seryoso teh? La ka pa boyfriend? E halos lahat ng lalaki sa airport nililigawan ka!"
"Alam mo namang hindi iyon ang priority ko diba? Marami pa kong gustong gawin para sa pamilya ko"
"Ang dami mo nang naipundar sis! Kaloka ka! Partida isang taon ka pa lang sa SkyAirlines pero may kotse kana! Nakabili kana ng lupa para sayo at para sa bahay na plinaplano mo para sa pamilya mo!"
"Marami pa ding gagastosin don criza at alam mo yan!"
"Sabagay, depende pa rin naman sa bilang ng flights natin. Ano pala sched mo?"
"Dubai saka japan ako bukas" tumango tango naman ito. Agad naman kaming nagligpit pagkatapos kumain at nagpahinga na agad maaga pa kasi kami bukas.
Nagising ako ng 7:00 am, agad naman akong naligo at nag bathrobe muna bago humarap sa salamin. Nag apply nako ng make up at tinali na din ang buhok sinigurado ko talagang wala itong takas na buhok ni isa. 7:30 nang mag bihis ako ng uniform namin naayos ko naman na yung gamit ko kagabi pa lang kaya hinila ko na lang ang maliit kong maleta at sumakay na sa service namin papuntang airport.
"Yes sir, how can i help you?" Lumapit agad ako dito sa lalaking nagtaas ng kamay.
"Nothing, are you free tonight?" Bigla namang nag init ang ulo ko sa sinabi nito, pesteng mga lalaki talaga ito oh! Hindi na nahiya!
"Sorry sir but i can't answer a personal questions po. Thankyou" tinalikuran ko naman agad ito at naglakad na pabalik sa pwesto ko.
"Oh syd, bat badtrip ka na naman?" Bulong sa akin ni criza, sinulyapan ko naman ang foreigner na nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon. Manyak!
"Binastos ka na naman ba? Ano ipukpok ko na ba yung takong ko sa muka niya" natawa naman ako sa inakto nito, umamba pa kasi talaga siya na parang gagawin niya talaga. Naaalala ko tuloy sa kanya yung kakulitan ni zariyah.
————————————————————————————————————————————————
Itutuloy.....
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
RomanceAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...