Chapter 35.

97 3 0
                                    



Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko, tatayo na sana ako ng may maramdaman akong mabigat na brasong naka pulupot sa akin.

"Nicolas, bitaw" gising ko naman dito pero mas hinigpitan lang nito ang yakap sa akin.


"Sisipain kita pag hindi ka pa bumitaw" babala ko dito.


"You can't wi-" naputol ang sasabihin nito ng sipain ko ito ng malakas. Namilipit naman siya sa sakit habang nasa sahig na.


"Ah fvck! Bat mo ko sinipa?!" Reklamo nito sa akin hindi ko na siya pinansin at naghilamos't toothbrush na sa cr, paglabas ko wala na sa kwarto namin si nicolas. Wait namin?! Hayy kwarto mo sydney kwarto mo. Bumaba na ako papuntang kitchen para sana mag luto ng breakfast. Naabutan ko naman itong nagluluto na naka topless lang at boxer shorts.


"Goodmorning wife!" Humalik pa talaga ito sa pisngi ko na parang perfect na perfect talaga ang relationship namin. Tinulak ko naman ang noo nito para mapalayo.


"Tss" inabot ko ang apron sa gilid ng pintuan at hinatak siya para masuotan.


"Ang yaman yaman mo pero kinukulang ka pa rin sa tela" reklamo ko dito napangisi naman siya sa sinabi ko.


"Don't you enjoy the view wife?" Ngising asar nito sa akin.


"Pwede ba, wag mo kong tawaging wife! Itawag mo na lahat sakin wag lang yan" tumango naman ito sabay latag ng niluto nitong fried rice, bacon, hotdogs and waffle.


"What's your schedule for today?" Tanong nito sa akin napataas naman ang kilay ko sa tanong nito.


"None of your business mister" mataray na sabi ko dito.


"Okay misis, ako nalang gagawa ng paraan para makita ko schedule mo mamaya" napailing na lang ako dito, oo nga pala siya ang may ari ng airlines na pinagtratrabahuan ko.


Nag asikaso naman agad ako at nagdala ng sapat na damit. 2days kasi ako mawawala pero syempre hindi alam yon ni nicolas. Derederetso lang akong bumaba ng hagdan at hindi na din nagpaalam sa kanya. Nasa garahe na ako ng bumaba ang bintana ng isang itim na porsche na nakaparada dito.


"Hey wife, come on malelate kana" hinanap ko ang kotse ko. Bakit wala?


"Where's my car?" Medyo napipikon ko nang sabi dito. Lahat ng damit at gamit ko nalipat peo yung kotse ko hindi?!


"That one? Pinagawa ko muna"

"Ano?! Bat mo pinagawa?! Eh wala namang sira doon?" Takang sabi ko dito.

"Basta! Tara na! Time is running" inis ko namang binuksan ang kotse nito kala niya porket porsche to hindi ko dadabugan ha! Tsk.


7:00am nang makarating kami sa airport binilisan ko ang lakad para hindi kami mag kasabay pero dahil siraulo siya tumakbo talaga siya sa tabi ko at kalmado nang sumasabay sa lakad ko. Pinagtitinginan na tuloy kami dahil parang kinomfirm naming dalawa na may relasyon talaga kami. Nakahawak pa kasi ang loko sa bewang ko.



"Pag hindi mo tinanggal yang kamay mo sa bewang ko sisipain ulit kita" bulong ko naman dito.


"How? Masisilipan ka sweetie at ayoko non so don't you dare" ngising sabi nito sa akin.


"Oh really? Don't worry honey" sabay tingin ko sa gitna ng mga binti niya. "Madali lang naman maabot to eh" nanlaki naman ang mata niya sabay takip nito gamit ang dalawa niyang kamay.


"Oh no baby! This is our future!" Drama nito sa akin napangisi na lang ako at iniwan na lang siya doon.


"Oh pretty syd!! Na miss kita!!" Yakap sa akin ni criza ginantihan ko naman din ito ng yakap.


"Namiss din kita criza! Kamusta?"


"Ayon magisa lang sa condo huhu miss na miss na nga kita eh! Yung mga luto mo hindi ko na makakain" napatawa naman ako sa sinabi nito.


"Wag ka mag alala! Dadalaw dalaw ako sayo" ngiting sabi ko dito.


Naging mabilis lang ang flight namin at ngayo'y pauwi na ako sa condo ulit namin ni criza. May flight naman ulit ako bukas ng maaga kaya konting tulog lang ang kailangan ko. Halos sabay lang kami magising ni criza kaya nagdinner naman na agad kami.


"Waaahh!! Grabe ang sarap sarap talaga ng mga luto mo! 1week din simula nang umalis ka dito huhu"

"Salamat, pasensya na talaga"


"Nako okay lang no! Kung si sir alexanders ba naman yung mag uwi sayo sasama talaga ako!" Kilig na kilig na sabi nito, nagulat naman ako dito.


"W-wait? Ha?" Maang maangan kong sabi.


"Nako pretty syd! Kunware ka pa! Nakita ko kayong sabay bumaba ng kotse niya no! Saka yung paglakad niyo ng sabay kanina! Kayo na naman kaya ang hot topic sa airport! Well hindi ko din masisisi si sir! Ang ganda ganda mo! Bagay kayo!!!" Asar nito sa akin. Napailing na lang ako dito.


"Mali ka ng iniisip okay? Magulo kung ano mang meron sa amin saka wala lang yon" pag amin ko dito.


"Nako, malalagpasan niyo din yan!" Pag papalakas ng loob nito sa akin.

























————————————————————————————————————————————————

Itutuloy....

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now