Chapter 08.

70 5 0
                                    



Maaga akong nagising ngayon dahil may quiz kami sa second subject ko this morning dali dali akong naligo at nagsuot lang ng simpleng dress at doll shoe sabay takbo pababa at humablot lang ng tinapay na nakahain sa lamesa namin.


Nga 8:30 nang makapasok ako sa room at magsimulang mag aral konti pa lang din naman yung mga tao dito kaya mas naka pag focus ako at pumasok agad sa utak ko yung mga meanings and terms.


Lumapit naman bigla sa akin si ann "sorry sydney nung sabado ha saka linggo hindi talaga namin inaasahan yon wag ka magalala nagawa naman namin yung part namin eh makaka pagpasa tayo mamaya kay sir" ngiting paliwanag sakin nito.


"Nako okay lang no naiintindihan ko, kamusta na pala? Ano ba nangyari?"


"Yun nga e nitong mga nakaraang araw kasi laging high tide sa dagat kaya yung pangingisda ni tatay naaapektuhan kaya tumulong na kami ni nanay"


"Nako sana mas umayos na ang kalagayan ng dagat" bumalik naman na agad ito sa pwesto niya at ako nagsimula na ulit magreview huling topic nalang ang binabasa ng biglang may umupo sa tabi ko.


"Hi" bungad sakin ng poging si nicolas ang fresh fresh niya talaga tuwing umaga! Well magdamag naman pero iba talaga pag umaga e!


"Uhm hi goodmorning, anong ginagawa mo dito?" Una mas senior siya saken pangalawa hindi ito ang room niya at syempre wala din siyang subject dito.


"Nothing, gusto lang kita makita" halos matumba ako sa kinauupuan ko sa sinabi nito wait?! Ako!? Gusto makita??



"Are you okay now? Or no pa rin" nagets ko naman agad yung gusto niyang sabihin.


"Oo okay na ko wala na yun ganon talaga e mahirap talaga yung topic na yon"


"U want to understand that?"


"Malamang! Major subject ko yon ee mahirap na pag bumagsak pa"


"Then let's go to my unit" agad naman ako napatingin sa kapaligiran namin shocks lahat sila nanonood na samin ngayon ni nicolas na parang timang na nagbubulungan.


"Ah eh pagiisipan ko" awkward na sabi ko dito sabay taas ng librong inaaral ko senyales na magaaral na ulit ako kaya lumayas ka na.


"Okay, i'll wait" hindi naman ako nag ka mali at tumayo na agad ito at nagsimula nang umalis agad agad namang may mga lumapit sa aking mga kaklase at hindi ko mga kilalang dalaga.


"Ate boyfriend mo?"

"Ano pinaguusapan niyo? Mygashh kelan ka niya niligawan??"

"Wala na sila ni nathalie?! Ikaw pinili girl?"


Inilingan ko na lang ang mga ito at nag aral nalang ulit kabang kaba ako kasi magstart na kaming mag quiz omggg please sana sana makapasa ako! 1hr lang ang oras na ibinigay sa amin kaya pag kabigay na pag kabigay agad ko itong sinagutan.


"3 2 1" kinuha naman na agad ni ma'am sanchez ang papel naming mga asa harapan chineck niya agad ito at binabalik agad yon sa amin kaya kabang kaba na naman ako sa score ko! Isa isa na kaming tinatawag.


"Anderson, Astrid Sydney" agad naman akong tumayo at kinuha ang papel ko pag kaupong pagkaupo ko mabilis kong tiningnan ang papel ko.


"64/70" halos magsisisigaw ako sa tuwa pero hindi ko pa rin maitanggi ang pagkahinayang ko kailngan ko maperfect ang finals kundi mawawalan ako ng scholarship yung isang major sub ko kasi diba nga sasabit na ako eh dito din kasi puro perfect quizzes at seatworks ko dito e.



Nandito ako ngayon sa tapat ng hotel nila nicolas, no choice ka na sisz!! Payag payag din sa grasya! Sinabi ko lang sa front desk na kay nicolas ang punta ko hindi naman nako nito kwinestyon baka nakita nadin akong kasama ako ni nicolas pumunta dito last time.











———————————————————————-
———————————————————————-

Itutuloy.....

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now