Chapter 12.

60 5 0
                                    



Halos mag dadalawang buwan na simula nang mapalapit ako kay nicolas grabe hindi pa rin talaga ako maka paniwalang nabunggo ko lang siya noon tapos dahil dakila siyang maharot hinarot na din niya ko hanggang sa naging close na kami ngayon! Lagi na din niya ako tinuturuan sa mga subjects na nahihirapan ako.


"Ito? Alam mo na?" Tumango naman ako sa kanya finals na kasi namin kaya nag reready na ko para hindi mahirapan dito sa awa naman ng Diyos last sem may scholarship pa rin ako.


"Ang hirap talaga niyan! Buti na lang tinuro mo sakin kaya nakasagot ako kanina" reklamo ko naman dito na ikinatawa niya.


"Well, easy babe! Nandito lang ako lagi" kumindat naman ito sakin potek hindi pa rin talaga mawala wala yung kilig ko pag hinaharot ako ng tukso.


"Babebehin ko yang fez mo eh!" Sabay irap ko syempre dalagang filipina to no kunware strong.


"Kiss mo na lang wag mo na babebehin" waahhhh please nicolas tumigil ka baka hindi ako makapagtimpi at masunggaban kita jan!


"Ang landi mo talaga! Dapat sayo kinukurot eh" imbes na kurutin ko kiniliti ko naman ito dahilan para mapangisay ito sa kiliti.


"HHAHAHAHAHA ano haharot ka pa ha" nanlaki ang mata ko ng nangiliti na din siya at ako naman ang napahiga sa carpet ng sala nila.


"WAAHH NICOLAS TUMIGIL KA AHAHAHAHAH" Tuloy tuloy pa rin itong nangingiliti sakin ng biglang may ingay kaming narinig sa front door niya.


"Pare hindi ka naman sumasagot kaya pumunta na lang kami para dito tayo mag bondin—" tila tumigil ang mundo ko nang may walong pares ng mata ang nakatingin na sa amin habang ito kami nakapatong pa rin sakin si nicolas shetttt.


"What the hell nico?!" Sigaw ni nathalie wait si nathalie?! Agad naman kaming napatayo ni nicolas at awkward na ngumiti lumapit naman agad si nathalie sabay halik sa labi nito.


"Hi baby, i miss youu sorry natagalan yung bakasyon ko sa italy. Don't worry hindi mo na kailangang makisama sa mga babaeng mababa coz im here na!" Tiningnan pa ko nito mula ulo hanggang paa aba bwiset to ah! Baka siya yung mababa! Pandak pandak niya e konyatan ko kaya batok nere.


"Sorry pre hindi namin alam na nag eenjoy ka na pala dito hindi mo na pala kami kailangan"


"Uhm hindi nagaaral lang kami stay na kayo dito aalis na lang ako"


"No, you'll stay here maupo na kayo dito alistair" umupo na lang kami lahat sa sofa habang nilalapag na nila yung mga dala nilang food.


Bali nakaupo sa tabi ko si nicolas habang katabi namn nito sa isang side niya si nathalie na naka hawak pa sa braso nito tsk mukang unggoy talaga e ngalay ka lagi ghorl? Kaharap naman namin ang tatlo pang lalaking kaibigan nito nakakadalawa na kaming movie ng maubusan kami ng drinks.



"Nako pare naubusan na tayo ng wine saka beer baka naman may stock ka jan?" Sinenyasan naman sila ni nicolas na sumama papuntang kitchen para kumuha ng mas maraming drinks bale kaming dalawa nalang ni nathalie ang naiwan dito.



"Who are you? Isa ka din ba sa pampalipas oras niya ha?" Mataray na sabi nito agad namang nagsalubong ang kilay ko.



"I know na medyo nawala ako ng matagal at hindi nga nagkakamali ang bali balita sa school, may babaeng hampaslupa nga ang nilalandi niya ngayon"



"Excuse me? Galit na galit lang girl? threatened much? Huh?" Asar ko namang baling dito mas namula yung muka niya huh! Buti nga sa kanya.



"Binabalaan na kita, lumayo ka sa kanya dahil akin siya! Bored lang siya kaya nilalandi ka niya gets mo?! Sa tingin mo gugustuhin ka talaga niya? Baka hindi mo alam! ikakasal kami kaya wag kang malandi!" Parang doon ako nawala sa sarili wait ikakasal? Sila?? Kumirot naman agad yung puso ko sa nalaman bakit walang sinasabi sakin si nicolas? Doon nako nagsimulang kwestyonin ang mga kilos na ipinapakita sa akin nito.



Kinuha ko naman agad yung bag ko at napagdesisyonan nang umalis bago pa ko makalabas ng front door nahawakan na agad ni nicolas ang braso ko.



"Where are you going?" Medyo litong sabi nito.



"Hayaan mo na nga yang babaeng yan! Nandito nako nico! Hindi mo na kailangan ng walang kwentang babae!" Inagaw ko agad yung braso ko at tuloy tuloy lang na umalis kahit naririnig kong sinisigaw nito ang pangalan ko mas nagmadali nalang ako para makauwi na.



Ang sakit pala no? Parang kanina lang kaming dalawa lang yung magkasama pero ngayon bumalik na pala talaga yung babaeng dapat niyang binibigyan talaga ng pansin.





















————————————————————————
————————————————————————

Ayan na dumating na si nathalie! Huhu okay lang yan sydney...

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now