Chapter 03.

121 4 0
                                    



"Pass your papers in 5 4 3" dali dali ko namang ipinasa ang papel ko sa harapan nakakainis nga ihh dahil A ang simula ng surname ko yung mga papel ng asa harapan agad yung kinukuha! Hayyss

"Sydney yung group project natin sa sabado kila ann daw gagawin" tinanguan ko naman yung naging ka grupo ko sa isang subject sabay ligpit ng mga gamit ko papunta na ulit ako sa restaurant na kakainan namin ng mga kaibigan ko this lunch.


Habang naglalakad ako natanaw ko agad si nicolas na makakasalubong ko sa hallway shetttt ngayon pa talaga?! Kung kelan gutom ako at di man lang ako nagayos ng konti sa cr after nung major subject ko?! Bat ba puro kamalasan ngayong araw! Yumuko na lang ako para maitago yung muka kong alam kong imbyerna na.


"Hey astrid" tila nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng tumigil siya sa harapan ko nako naman po please sana sana na mali lang ako ng rinig huminga lang ako ng malalim a sinubukang lumihis ng daan.


"Nah ah, not again babe may utang ka pa sakin" maharot na sabi saken nito wait hinaharot niya ko?! Omooo helppp please gash sydney dalagang filipina ka ayusin mo ang utak mo kundi malilintikan ka sa tatay mo okay okay pilit kong sineryoso ang muka ko sabay harap kay nicolas.


"Ano na naman ba alexanders" walang emosyon kong tingin dito na ikinangisi niya pa lalo luh crush please wag ganyan.


"Mainit ulo mo? Huh?" Parang wala lang sa kanya ang masamang tingin na ipinukol ko dito eh kung ikiss ko na lang kaya siya? Charot.


"Kung wala kang sasabihing importante sakin umalis alis ka nalang sa dinadaanan ko" umalis na ko sa harapanan niya ng biglang may binulong siya sakin.


"Answer my text messages" pagkalingon ko nakita ko na lang itong naglalakad na palayo kasama ang mga barkada nito tila gulat din ang mga babaeng malapit samin na nakakita ang pagdikit nito sa akin kinagat ko na lang ang labi ko sabay dali daling umalis sa school.


"WAAAAAHHHHHH sissyyyz si nicolas kinausap na naman niya ko ngayon! Tinawag niya kong babe! Tapos bumulong siyang sagutin ko daw text niya sakin!!" Nagwawalang kwento ko sa mga kaibigan kong nakatanga lang sakin ngayon.


"Omg bakla ka ngayon lang kita nakitang gumanyan?! May mas ilalakas pa pala yang boses mong hayop ka?"

"Agree ako kay zariyah! Why are you acting like that sydney? Are you nahulog na sa kanya?"

"Potek yan solana! Pwede namang inlove ka na ba?! Talagang are you nahulog! Kakaloka ka talaga siz" sinamaan lang siya ng tingin ni solana na ikinatawa ni stella.


"So ano na balak mo bakla? Jowain mo na! Lafang na!" Malakas namang tumawa ito kaya napatingin ang mga tao dito sa restaurant na kinakainan namin si zariyah talaga lakas ng bunganga.


"Gagang to ang ingay talaga yang bibig mo! Pero siz hinay hinay lang ha? Wag masyado mainlove timbangin mong mabuti yang nararamdamn mo malay mo di pa naman talaga love yan oh ode mas better"


"Exactly! Ingatan ang heart sis ha ayokong mahuhurt ka, ako mismo dudurog nung puso non literal!" Tinaas pa nito yung tinidor na hawak niya medyo totoo yon kasi balak niyan mag doctor hahahahaha.


"Oo naman mga sis ako bahala sa sarili ko! Hihihihihi" kilig na kilig ko pa ring sabi sa kanila na ikinailing na lang nila.


"Alam naman nating maraming babae yang si nicolas! Babe talaga tawag niya sa lahat. Well hindi naman siya yung lumalandi kasi siya yung nilalandi pero mahirap na sis dami mo kaagaw!"


"Malaking check! Sinabi mo yan stella! Mga baklang yon sarap jombangin at pagkakalbuhin from roots to tips" hinawakan pa talaga ni zari yung sarili yang buhok.


"Me, i will destroy the mga babae niya sis sisiguraduhin kong maghihirap sila!"

"HAHAHHA yaman talaga ni mareng solana pautang naman!" Asar naman sa kanya ni zariyah nagtawanan nalang din kami at tinapos nang kumain sabay sabay na din kaming umuwi.

Habang naglalakad ako sa dalampasigan hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina, kahit maraming kamalasan nagawa pa rin nitong burahin ng isang interaction namin ni nicolas hayyyy sarap talaga mag ka crush! Hihi tuluyan na kong pumasok sa bahay at nagpahinga.






















———————————————————————-
———————————————————————-

#dalagangfilipina #hindikunwarimarupok
#sydneythepretender

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now