Mag isa akong naglalakad dito sa grocery para mamili ng mga stock sa bahay, lagi na lang kasi nag papa order si nicolas pag andon ako e syempre nasisira yung diet ko saka di din healthy pag lagi lagi.
"Uhm sydney?" Napabaling naman ako sa tumawag ng pangalan ko.
"Kalen?" Agad naman ito ngumiti ng mabanggit ko ang pangalan nito.
"Yes! Kamusta na?" Nakilala ko siya during college days masasabi kong napakabait na lalaki nito at ehem gwapo din siya.
"Ayos naman! Kamusta na engineer?" Asar ko dito napatawa naman agad ito sa sinabi ko.
"Medyo busy, Ms.flight attendant" balik na sabi naman nito sa akin, sabay na kami ngayong tinutulak ang cart namin para mamili.
"Ikaw gagawa ng bahay ko ah?"
"No problem, basta ieentertain mo ko sa plane?"
"Hahahaha! Oo naman! Alipinin mo pa ako magdamag eh!"
"That's not gonna happen, hindi na kita uutusan kung ganon"
"Ha? Bakit naman?"naglagay naman siya ng mga prutas sa cart ko kahit hindi ko naman sinabing bibili ako ng ganon.
"Masyado kang maganda para alipinin, bagay sayo asawahin" namula naman ako sa sinabi nito.
"Nako kalen! Tumigil ka nga jan!" Pinalo ko naman ito.
"Hoy hoy hoy kanina ko pa nakikitang lagay ka ng lagay ng kung ano ano sa cart ko ha! Baka hindi ko na yan mabayaran!" Tarantang sabi ko ng naglagay na naman siya ng kung ano ano.
"Ako magbabayad don't worry, basta let's have lunch together" napatango naman ako sa sinabi nito, wala naman sigurong mali don.
Kumakain na kami ngayon dito sa pizza parlor na nakita ko kanina, bigla kasi akong nagcrave dito nang nakita ko yung mga flavors.
"Hayyysss ang sarap sarap talaga ng pizza nila dito!"
"Yeah, halatang halata nga e pang ilang box mo na to oh" tinuro naman nito ang boxes na nasa gilid na na walang laman.
"Well, libre naman e! Kaya dapat sinusulit! Nasisira na nga diet ko oh" sabay turo sa tyan ko.
"Diet ka? Sa sexy mong yan"
"Aba, sanay na sanay tayo sa mabubulaklak na salita ah yung girlfriend mo siguro lagi mong nauuto" natatawang sabi ko dito.
"Hmm i don't have a girlfriend" nagulat naman ako sa sinabi nito.
"Ha? Sa gwapo mong yan? Wala?"
"Yes baby, gusto mo ikaw na lang?" Napaubo naman ako bigla kaya masama ko tong tiningnan.
"Bwiset ka talaga! Hilig mong mangulat!" Sabay kagat ng pizza ko.
"Hahahaha! Muka ka talagang bata kumain" bigla nitong tinaas ng kamay sabay punas sa gilid ng labi ko, agad namang nanlaki ang mata ko sa ginawa nito.
"K-kalen?" Bigla naman din niya itong nilagay sa labi.
"Sayang kasi ihh" papaluin ko sana ito ng makita ko ang paparating na lalaki sa table namin. Tila nanginig naman ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang galit sa mga mata nito.
"Ah ano kalen sige na ahm alis na ako bye" tatayo na sana ako ng maharahan na ni nicolas ang daanan.
"Pare pwedeng umalis ka sa dadaanan ni sydney?" Baling naman ni kalen kay nicolas.
"No way, sabay talaga kaming aalis ng asawa ko" diin na sabi nito na ikinagulat naman ni kalen.
Dali dali akong hinatak ni nicolas palabas ng pizza parlor dito sa mall at derederetso akong pinapasok sa kotse niya.
"Nicolas! Ano ban-"
"Who the hell is that huh?" Galit na sabi nito sa akin.
"Wala ka nang pakielam don!"
"Oh really? Asawa mo ko astrid baka nakakalimutan mo"
"Hindi ko makakalimutan yon nicolas, pero sisiguraduhin ko ding ma papawalang bisa ko ang kasal natin!"
"Try hard baby, sisiguraduhin ko ding hindi ka mag tatagumpay" kinilabutan naman ako sa paraan ng pag kakasabi nito.
————————————————————————————————————————————————
Nako po sydney!
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
RomanceAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...
