Chapter 09.

73 3 0
                                    





Dingdong dingdong dingdong dantes?


Gulat na muka naman ang sumalubong sa akin pagkabukas ng pintuan ni nicolas ngumiti naman ako na parang aso sabay peace sign ng konti hehe.


"Eh kasi ano uhm kanina ano yung ano nakuha ko kasing uhm score eh uhm hindi aabot sa ano yung sa grade na need ko makuha eh uhm nanganganib yung scholarship ko eheh" pautal utal na sabi ko dito ngumisi naman ito sa akin at sinenyasan na pumasok umupo naman muna kami sa sofa at tahimik lang akong yumuko.


"What subject" inilabas ko naman agad yung libro at ipinaliwanag kung anong topic ang hindi ko maintindihan.


Tumabi na sakin si nicolas sa carpet ng sala niya habang nakalapag lahat ng libro ko sa maliit na table doon sa gitna naging maayos at malinaw naman ang pagtuturo nito sa akin minsan napapatulala ako at minsan nama'y lumilipad ang utak ko sa future namin charot.


"So dapat ito lagi siyang chinecheck from time to time coz mahalagang part ito ng eroplano itong blah blah blah" tumatango tango naman ako sa paliwanag nito sa functions sa loob ng eroplano feeling ko ang laki laki ng ulo ko sa lahat ng informations na itinuro sa akin ni nicolas.


Nang kumalam ang tyan ko doon lang siya napatigil at napatingin sa akin. "Sorry sorry let's take a break first kumain na muna tayo ng dinner" tumango naman ako sabay ligpit ng mga libro ko.


"Astrid? Come on" agad naman akong pumunta sa dinning area nila nicolas.


"Wow marunong ka magluto?" Manghang sabi ko dito habang tinitingnan ang tatlong putaheng nakahain ngayon.


"A little, not like you pang fiesta ang mga luto" natawa naman ako sa sinabi nito nagkwentuhan lang kami about sa isa't isa.


"You know it's funny that time! Hindi ko pa kasi alam yon sa mga panahong yon" kwinekwento niya yung mga nakakahiyang pangyayari sa kanya noong bata siya.


Nagliligpit nako ng plato nang biglang kumulog ng malakas tama nga ang hinala ko uulan makulimlim kasi kanina pang umaga.


"Hey, may bagyo daw hindi natin napanood sa balita kanina" magdamag kasi kaming nagaral kaya hindi na din kami nakapanood kanina alanganin naman akong tumingin sa kanya.


"Uhm eh pano ako uuwi?"


"Hmmm i heard hindi na safe lumabas lalo na gabi na, may guest room naman ako dito if you want" alanganin ding sabi nito sa akin tumawag na muna ako kay mama para ipaalam ang sitwasyon at syempre ang paalam ko akila stella ako at dahil magaling akong tao tinawag ko nadin si stella para ipaalam ang totoong nandito ako kila nicolas.


"Ahm thankyou pala sa pagtuturo sakin ngayon mauna nakong matulog" paalam mo dito tumango lang naman ito kaya pumasok nako sa kwarto dito.


Nagshower lang ako saglit at nagaral ulit ng sandali nang sumakit na ang batok ko humiga na lang din ako sa kama ko at sinubukang matulog.





















———————————————————————-
———————————————————————-

Dun sa part na may sinasabi si nicolas about sa tinuturo niya kay sydney pagpasensyahan na ha, imbento lang yonnn imaginin niyo nalang inaaral talaga yon hahahahha! 😉

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now