Chapter 31.

97 4 0
                                    




(Bakla!! Kamusta ka ha?) Tanong sa akin ni zariyah.

(Okay lang bruha ka! E ikaw kamusta? Model na model na talaga ang peg mo ah!) asar ko dito.

(Syempre beks! Ako pa ba? Saka nakakatulong din to kaya nakikilala yung clothing line ko)

(Happy for you! Yung mga damit na pinaorder ko pakibilisan please!) arte ko dito, narinig ko namang natawa siya sa pagiging maarte ko.

(Sapakin ko fezlak mo e! Ang dami dami niyong nga umoorder! Lalo na si stella! Hinayupak na babae yon! Kaloka kala mo naman wala siyang damit e)

(Eh kasi nga magaganda lahat ng mga designs mo! Saka nakukuha mo talaga yung taste namin sa damit)

(Well, natulog at nangopya lang to sa school) natawa naman ako rito.

(Osya may flight pa ako! Umuwi kana!)

(Okay bakla! Ingatan mo sarili mo jan ha? Sumbong mo sakin mga eepal jan! Jojombagin ko mga leeg non! Loveyou) natawa naman ako sa sinabi nito.

(Loveyoutoo! Ingat! Wag papa akit sa mga photographer jan para mag ka magazine!) aangal pa ito kaya pinatay ko na agad ang tawag.

Dali dali naman ako naglakad para maiwasang ma late, mahirap na baka pag initan na naman ako ni ma'am. Sakto lang ng makarating ako dito kaya ginawa na namin ang nga preparations dito sa loob ng eroplano bago umakyat ang mga tao.

"Goodafternoon ma'am/sir, welcome to SkyAirlines" bati namin sa mga tao.

"Sis may asawa ka na daw?" Bulong sa akin ng isang kasamahan ko. Nagulat naman ako sa tanong nito kaya napatulala ako ng ilang minuto.

"Ahm ha? Anong pinagsasasabi mo jan?" Maang maangan kong tanong dito.

"Hahahaha! Sus syd! Wag mo na ideny! E kalat na kalat dito na kaya ka pinaalis sa condo kasi gusto ka pauwiin ng asawa mo" napaubo naman ako bigla sa sinabi nito.

"Ano ka ba, wala yon ah kasi ano may nakaaway lang ako! Oo may nakaaway lang ako na medyo mataas yung posisyon" sabay ngiti ko dito ng awkward.

"Ikaw? May makakaaway? Hmm" umalis na ako para hindi na siya ulit magtanong, halata namang hindi siya naniniwala.

Naglalakad na ako paalis ng airport nang marinig kong nagbubulungan ang ibang flight attendants.


"Nako gurl oo! May asawa na si syd!!"

"Weh? Talaga ba? Kaya ba hindi niya sinasagot yung mga manliligaw niya kasi may asawa na pala?"

"Oo! Balita ko nga sobrang yaman daw e kaya pinaalis si syd sa condo kasi ayaw daw umuwi nito."

"Ay? Ang arte arte naman niya siya na nga tong sinusuyo e"


Madiin akong napapikit sa mga naririnig kong chismisan tungkol sa buhay ko, hindi ko na napigilan kaya lumapit ako ng konti sa kanila. Naramdaman ko namang nagulat sila sa presensya ko.


"Nakaka disappoint talaga mga tao sa panahon ngayon no? Ang dami daming nasasabi kahit hindi naman alam yung buong istorya? Parang mga aso nga naman, tatahol ng tatahol sa mga taong hindi niya kilala. Kala ko pa naman kilala na natin ang isa't isa." Matapos kong paringgan ang mga ito umalis na din ako.


























————————————————————————————————————————————————

Itutuloy.....

Loving you in the SkyWhere stories live. Discover now