Nandito kami ngayon sa mall kasama ang barkada para mag shopping na naman bibili daw kasi kami ng susuotin sa birthday ng lolo ni solana mamayang gabi na kasi yon lahat ng tao sa isla ay naimbitahang pumunta sa mansyon ng mga johnson.
"Girl!! Hello?? Papuntahin mo naman yung spirit mo here!"
"Oonga siss lutang na lutang tayo jan kanina pa ahhh"
"Truelaluu last week pa kasi yung huling kita nila ni bebeloves niya! Baka namimiss na niya" nag siaprin pa ang nga gaga matagal tagal na din simula yung last na kita at usap namin ni nicolas hindi ko nga alam kung bakit hindi siya sumasagot sa mga text ko eh pero baka busy nga din siya.
Naglakad na kami para makapunta sa mga long gown na pwede namin bilin at dahil si zariyah ang ma fashion sa aming apat siya na ang pumili sa mga gowns namin agad naman kami nagbayad at umuwi na para maka pagpahinga pa at maging pak ang awra namin feeling ko kasi makikita ko si nicolas mamayang gabi kaya sisiguraduhin kong mag aayos ako mamayang gabi.
5:30 nang magising ako sa katok ni mama nandito na daw yung pinadalang mag aayos sa akin mamayang party naligo naman agad ako at umupo sa tapat ng make up set habang naka bathrobe lang kinulot lang nila ang mahabang brown hair ko at nilagay sa isang side lahat pinatapang naman nito ang mata ko at pinaresan ng red lipstick.
"Nako madam! Ang ganda ganda mo oh! Dyosang dyosa!" Palakpak ng dalawang baklang nagaayos sa akin ngayon ngumiti naman ako dito.
Nagbihis na ako ng red long gown na may mahabang slit hanggang gitna ng hita ko bukas din ang likod ko at mababa din ang bandang dibdib si zariyah kasi eh! Dapat daw talaga maganda ako tonight kasi naiisip din nilang nandoon si nicolas! 7:15 na ng matapos lahat ng preparations ko 8:00 pa naman yung party kaya kinuha ko na lang agad yung pouch bag ko at pumunta na sa mansyon ni solana kasama ang pamilya ko.
"Woah! Ang hot hot mo tonight bakla!" Bati sakin ng naka dark blue na gown ni zariyah napakaganda din nito ngayong gabi bagay na bagay sa katawan niya ang gown na suot nito.
"Thanks to you" nag apir lang kami dito at nakipag kamayan at beso sa mga magulang ng kaibigan namin.
"Ang ganda ganda mo at ang laki mo na iha" sabi sa akin ng nanay ni nicolas oo yung mother in law ko! Charr nakasalubong kasi namin ang mga Alexanders kaya wala kaming nagawa kundi bumati.
"Thankyou po ma'am, ang ganda ganda niyo rin po" syempre dapat pa good shot hihi ngumiti naman ito sa akin at nagulat ako nang ilapit nito sa nicolas sa harapan ko.
"Sydney this is my son Nicolas Kane, naaalala niyo pa yung mga bata kayo?" Tanong nito na kala mo talaga close kami nung bata kami eh nako tita ngayong malaki na lang po kami naging close.
"It's nice to see you again" malamig na sabi nito sabay lahad ng kamay na parang ngayon lang talaga kami nagkita napakunot naman ang noo ko at walang nagawa kundi ang ngumiti ng tipid at tanggapin ang kamay nito.
Umalis naman agad ito kaya dali dali ko naman itong sinundan ang daming tanong ang tumatakbo ngayon sa isipan ko bakit biglang naging ganon yung pakikitungo niya sakin? May nagawa ba akong mali? Natanaw ko siyang asa garden nila solana lumapit naman ako dito.
"Nicolas" hinawakan ko naman ang braso nito para maiharap sa akin.
"Ano yon? Bakit parang umakto kang hindi ako kilala kanina?" Kunot noo kong sabi dito seryoso pa rin itong nakatingin sa akin.
"I am doing this for you astrid"
"Ha? Bakit? Ano bang meron?"
"Please, don't act as if you don't know that im leaving! Napag-usapan na natin to astrid aalis agad ako kinabukasan ng graduation ko" Nagulat naman ako sa biglang pag taas ng boses nito sa akin.
"So? Babalik ka naman diba? Bibisitahin mo naman ako diba?"
"I don't know astrid i don't know! May naging usapan kami ni dad maya please wag mo naman ako pahirapan" umiiling iling pa na parang nahihirapan ito ngayon.
"Bakit hindi mo alam? Kaya ba tinataboy mo na ako kasi may plano kang ibaon na lang dito lahat ng mga naging samahan natin? Kakalimutan mo na ba ako ha?" Naluluha ko nang sabi dito.
"No astrid, masaya ako sa bawat araw na mag kasama tayo okay? Pero ayokong ikulong mo ang sarili mo sa akin! Marami ka pang makikilala ja-"
"Ayoko sa iba! Gusto ko sayo! Manhid ka ba ha? Hindi mo alam na gusto kita mula noon hanggang ngayon? Ang unfair mo naman eh! Kung kelan kala ko nagugustuhan mo na din ako saka ka aalis!"
"I like you too astrid! Pero natatakot ako na baka pag huli na ang lahat o pag huli nako para ipaglaban pa tong nararamdamn ko sayo saka ka makahanap ng iba!"
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Bakit napakadali mong sabihin sakin yan ha? Wala ka bang tiwala sakin? Please nicolas wag ka na lang umalis kung ganoon oh mababaliw ako!"
"Astrid you know i can't, gusto ko mang manatili sa tabi mo pero ang pamilya ko kailangan nila ako! Ang mga magulang ni nathalie gusto nilang ipakasal sa akin! Mahal kita astrid pero iniisip ko din ang pamilya ko" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pag amin niyang mahal niya ko o masasaktan kasi kahit mahal namin yung isa't isa pero hindi pa rin pwede?
"Si nathalie na naman ha? Si nathalie na naman! Hahayaan naman kitang umalis nicolas eh hindi kita pipigilan sa pangarap mo! Oh kaya pwede hintayin mo na lang ako? Isang taon na lang gragraduate na ako!" Umiling naman ito at tumalikod sa akin humabol naman agad ako dito at hinalikan ang mga labi nito.
Pumalupot agad ang kamay niya sa bewang ko para mas mapalapit ang katawan namin sa isa't isa humawak naman ako sa batok nito para mas mapalalim pa ang halikan namin binuhat naman niya ko at pinaupo doon sa fountain sa gilid nasa gitna ko na siya habang naghahalikan pa rin kami.
Ahh nicola—" bigla ko na lang nakita sa sahig si nicolas na may dugo na din sa labi.
"Walanghiya kang lalaki ka! Sino ka para halikan at hawak hawakan ang anak ko?!" Kitang kita ko ang galit sa mata ni papa aamba pa sana ito ng isang sapak ng humarang ako dito.
"Pa! Tumigil ka na! Wag mong sasaktan si nicolas!" Sigaw ko dito hinatak naman ako nito at inilagay sa likod niya na parang prinoprotektahan.
"Pakakasalan mo ang anak ko! Hindi ka makakawala sa ginawa mo kay sydney!" Tila gulat na gulat ako sa sinabi ni papa at hiyang hiya din ng makitang papalapit na dito ang mga magulang ni nicolas.
Wala akong nagawa nang kaladkarin na ako pa alis ni papa sa mansyon nila solana bago pa ako tuluyang makalabas ng garden nakita kong kinakausap na ito ni tita habang masama ang tingin nito sa akin.
———————————————————————-
———————————————————————-
Itutuloy.....
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
Storie d'amoreAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...
