Sa isang taon kong pagtratrabaho dito sa airlines na to talagang lagi na lang akong natitipuan ng mga class A or VIP na mga tao. Oo nakaka flattered pero minsan sumosobra na din yung kabastusan nila, imagine muka kang starfish tapos tatanungin mo ang isang dyesabel na kagaya ko kung gusto ko siyang ayain ng date? Aba oo! Binaliktad pang ako may gusto sa kanya! Tsk."Hayaan mo na pretty syd! Ganda ganda mo kasi ihhh ilabas mo na lang sa kabilang tenga yung mga sinasabi ng gunggong na yon" ngumiti naman ako dito at nag focus na lang sa trabaho.
6:00 am ng umaga ng makauwi na ako sa unit na mag isa, may flight pa kasi maya maya si criza kaya hindi na siya nakasabay sa akin. Natulog naman agad ako at nagising ng mga bandang 4 pm kumain agad ako dahil gutom na gutom ako pagkagising ko.
Kriiiing kriiingg.
("He—)
(SYDNEY SISS I MISS YOU SO MUCH!!) malakas na sigaw ni solana.
(I miss you too solana! How are you?)
(Eto super duper stress! But kaya ko namang ihandle, you know i want to palawakin pa my own hospital kasi) sa mga lumipas na panahon hindi pa din talaga natanggal ang ka conyohan nitong si bruha.
(Ha? Ang laki laki na ng hospital mo tapos magpapalawak ka pa ulit!) ewan ko ba sa babaeng to bakit gusto na namang magpalawak ng hospital!
(Eh syempre siss you know naman yung kalaban naming hospital so so soooo epal!) natawa naman ako dito nagkwentuhan lang kami saglit at pinatay na din ng magkaron siya ng emergency.
Nakakamiss din talaga ang mga bruha, di bali may date naman kaming tatlo sa sabado, wala kasi sa pilipinas si zariyah kaya tatlo lang kaming makakapag kita kita.
Nag iinstagram lang ako ng mahagip ko ang ig story ni nathalie. Asa italy ito at tila tuwang tuwang nakatanaw sa magandang tanawin kasama ang nakatalikod na lalaki. Hindi ko man makilala kung sino ito pero siguro si nicolas ito. Pinatay ko naman agad ang cellphone ko ng marinig kong may pumasok sa front door.
"Arghhh ang sakit ng mga paa ko!" Reklamo naman ni criza sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang nito.
"Magbihis kana agad at kumain para maka pagpahinga kana agad" agad naman nitong ginawa ang utos ko at sabay na kaming nag didinner.
"Ang daming pogi kanina alam mo yon??"
"Nako criza ayan ka na naman ah, kakabreak mo pa lang sa boyfriend mo last week!" Paalala ko naman dito.
"Ikaw talaga para ka nang matanda! Ang lalim lalim mo lagi magsalita, siguro sa lahat ng desisyon mo sa buhay hindi ka pumapalpak!" Pinatunog pa nito ang kutsara't tinidor senyales na may napagtanto siyang sure na sure siya. Tipid naman akong ngumiti dito.
"Hindi ah, marami din akong mga pagkakamali dati naging mas malawak lang ako magisip ngayong 24 na ako"
"Sabi mo ih! Pero kung ano pa man yon! Wag mo na isipin yon noh, part talaga yon ng buhay! Tingnan mo ngayon? Ang strong independent woman mo na! Hihi"
"Ikaw talaga! Ako na dito magpahinga ka na lang at alam kong pagod ka" nag goodnight na agad ito sa akin habang ako ay naiwang magisa.
"Mali ka criza, panlabas na anyo ko lang ang matapang at buo pero sa panloob durog na durog na ako noon pa man" mapait kong bulong sa sarili ko.
————————————————————————
————————————————————————Awii the great pretender pa rin talaga ang sydney natin :((
YOU ARE READING
Loving you in the Sky
Любовные романыAvalon series # 1 A story of a pilot named Nicolas Kane Alexanders, who runs his own airline. In his last night shift flight, a gorgeous flight stewardess named Astrid Sydney Anderson approached him for some reason. He is amused but the girl still s...