Chapter 7: The Punishment

506 26 12
                                    

Third Person’s POV:

Bumukas ang pintuan papunta sa isang silid sa mansion nina Grei. It was Mrs. Rose who entered the room.

“Raze…” Tawag nya sa anak nyang nakaupo sa may gilid ng kama kung saan ay mahimbing na nagpapahinga si Lord Elgin. “Magiging maayos din sya, anak.” Sabi nito sabay pinatong ang kaniyang kamay sa balikat ni Grei.

“Bakit lagi nalang kapagka may magandang nangyari, may kasunod ding hindi maganda?”

“That’s how life works. There are times of happiness and there are times of sadness.” Sabi pa ng kaniyang ina.

“Yeah… I’ll head back to dad’s office.” Sabi ni Grei sabay binigyan ng halik sa noo ang kaniyang ina bago tumungo papunta sa pinto.

“Raze.” Lumingon pabalik si Grei. “’Wag mong masyadong tabakan ng gawain ang sarili mo. Take one step at a time.”

“I will mom.” Sabay tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Dahil nga sa badly injured and kaniyang step-dad, kahapon lang din ay naatasan syang siya muna ang mamahala sa mga naiwang gawain ng kaniyang ama. Tutal, hindi pa naman pwedeng magpatuloy ang semester dahil sa krisis pa ngayong nagaganap sa Academy.

Pagliko nya sa isang pasilyo papunta sa office ay nakita nyang nakasandal malapit sa may pinto nito si Vhon, isa sa matagal nang naninilbihan sa kaniyang pamilya, at isa rin sa matalik nyang kaibigan. Halos magkasing edad lang silang dalawa, masmatanda lang si Vhon ng 3 taon sa kaniya. His dark green hair almost covering his chocolate eyes na naka pokus sa kaniyang kaharap.

“Vhon, it’s good to have you back.” Sabi nya pagkalapit.

“I heard about your father. At nabalitaan ko ding ikaw muna ang mamamahala sa mga naiwan nyang trabaho habang nagpapagaling.” Sagot nito.

“News travel fast huh… Ikaw, may maibabalita ka ba sakin?”

“Nagawa ko na yung pinapagawa mo.” Sabi nito.

“Mabuti pa’y sa loob nalang natin ‘yan pag-usapan.”

Binuksan ni Grei ang pinto at pumasok sila sa loob ng office.

SAMANTALA…

“Dad, I can seek him on my own.” Sabi ni Mae sa harapan ng kaniyang ama habang nag-uusap sila sa may balkonahe sa ikalawang palapag ng mansion.

“Hindi. Magpapadala nalang ako ng tauhan ko para puntahan sya, at dahil dito si Axelle.” Sabi ng dad nya.

“Pero dad. Kahit na ngayon lang… please… hindi naman po ako magpapasaway at pramis po, walang mangyayaring masama sakin. Hahanapin ko lang naman yung isang tao eh.”

“Haaayyy… Sige, pero mapapanatag ako kung meron kang makakasama.”

“I’m not a kid anymore dad.”

“Alam ko. Pero iba-iba na rin kapagka may kasama ka. Just in case troubles get in your way. Not that I don’t trust you, pero I’m just being cautious. Ikaw nalang ang meron ako.”

“Awww… Ang sweet mo dad, pero gusto kong ako ang mamimili ng isasama ko, pwede po ba ‘yon?”

“Sige. Sino bang naiisip mo?”

“Rina and Ki. Pwede po ba silang dalawa?”

“Sure. Ikaw nalang din ang magsabi sa kanila. Kelan nyo balak umalis?”

“As soon as possible.” Sagot ni Mae. “Mukha kasing alalang-alala na si Tita Xyrana kay Axelle. At ito na rin siguro ang pagkakataon kong makapagpaliwanag sa kaniya ng malinaw ang lahat ng nangyari.” Humigpit ang kapit nito sa baso ng juice na hawak nya. “I don’t know what her reaction would be like, pero sana mapatawad nya ako.”

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon