Chapter 44: Shadow-Painted

282 21 0
                                    

Third Person’s POV:

“This must be the entrance papasok sa Maze Trench.” Bungad ni Ella na syang nangunguna saming paglalakbay.

Napahinto sila ng bahagya nang lumitaw mula kanilang mga paningin ang isang pababa at mabatong daan papunta sa isang lagusang nasa gitna ng dalawang magkasandal at malalaking bato.

Walang ibang butas ang naroroon mula sa milya-milyang abot ng tanaw ni Axelle. Ito lang ang tanging siwang na bukas dito sa gilid ng isang napakataas na cliff na kaharap nila.

“Binilinan tayo ni Lady Alcantra na ‘wag maghiwa-hiwalay…” panimula ni Jessica na naka-recover na din. “Should we hold hands then?” tanong pa nito.

“Ok.” Agarang sagot ni Xian, sabay hawak sa kamay ni Ella.

Kahit na nabigla, hindi inalis ni Ella yung kamay nya mula sa pagkakahawak kay Xian. Naghawak naman ng kamay sina Jessica at si Tory, sabay dumugsong sila kay Ella. Naka tingin lang naman sa kanila ‘yong mga natira.

“Para kayong mga bata.” Walang pakeng sabi ni Ivan.”Just stay close to one another and we’ll be fine.” Dugsong pa nito.

‘Killer of Joy… hmp.’ Bulong ni Jessica sa kaniyang isipan, pero kahit na nagsimula na silang muling maglakad, ay hindi bumitaw ang mga ito sa isa’t isa. Napangiti nalang sa kanila si Axelle na kasunod nila sa paglalakad at nag-eenjoy silang panoorin. Ang nagpahuli sa pila at si Grei.

Habang tahimik na nakasunod sa kaniyang unahan ay hindi maiwasang laro-laruin ni Axelle ang kaniyang suot na kwintas. Kanina pa kasi nyang iniisip kung sino nga ba ang nagbigay nito sa kaniya.

‘Bakit wala akong matandaang nagbigay sakin ng kwintas na ‘to?’ bulong niya sa kaniyang isipan.

Makalipas pa ang ilang minute ay tinigilan na niya ang paglalaro sa kaniyang kwintas at tinuon ang kaniyang atensyon sa pader.

Napansin nyang may iilang mga larawang nakasulat sa magkabilang dingding at sa malalapad na mga bato. Mukha ngang hieroglyphics ang mga ito.

Sa kaniyang pagmamasid ay may biglang bumulong sa kaniyang tenga mula sa hulihan, kasabay nito ang paglapat ng isang mainit na palad sa kaniyang kanang kamay.

“Stay close.” Bulong nito sa kaniya, na kaagad ding tumuwid ng tayo sa paglalakad.

“I am, close enough. Hindi mo na kelangang hawakan ang kamay ko.” Sabi pa ni Axelle sa katabi nya, pero mukhang hindi ito nakikinig sa kaniya at abala na din sa pagmamasid sa paligid, lalo na sa mga naka drawing sa pader.

Sinubukan nyang hilahin paalis ang kaniyang kamay, pero humigpit lang ang kapit ni Grei dito. That’s when she decided to let him be, sanay na naman syang sa pagiging mapilit nito. Inside his mind, nagalak din si Grei nong hinayaan sya nitong hawakan ang kaniyang kamay, sumulyap pa sya ng saglit sa kaniyang kasabay na naka pokus ang atensyon sa kabilang pader.

Maya-maya pa’y napansin nilang huminto sina Jessica, kaya napahinto na rin sila.

“Anong meron Jess?” tanong ni Ella.

“I just saw that drawing move.” Medyo kabado pa nitong sagot sa kaniya sabay turo sa isang articular na area ng pader.

Pinagtuunan nila ngayon ng pansin ang tinutukoy ni Jessica. Medyo matagal din nilang tinitigan yung naka drawing sa pader na iyon, pero walang nangyayari.

Just then, mula sa sulok ng kaniyang mga mata, may nakitang mistulang aninong tumakbo si Axelle san aka drawing sa pader na malapit sa kanya.

“I think I saw one too.” Sabi pa nito, at di nya napigilang humigpit ang pagkapit sa kamay ni Grei. She backed two steps away from the wall, habang hindi pa rin maalis ang tingin dito. Ihinanda ni Grei ‘yong isang kamay nya sa kaniyang espadang naka ekis sa likuran nya.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon