Third Person’s POV:
Naglalakad papunta sa kanilang training room sa mansion si Ivan para muling magsanay. Tutal wala naman syang masyadong gagawin sa araw na iyon.
Habang tinatahak ang daan papunta don sa may hallway ay napadaan sya sa opisina ng kaniyang ama, na ngayon ay ginagamit ni Grei.
Unlike him, having almost all the time in vacancy, Grei was busy filling in the role of their father as a continental Lord in the meantime while he is still unwell.
Habang palapit sya ng palapit sa kinaroroonan ng silid na iyon ay naalala nya yung mga nangyari mula sa mga nagdaang araw. It’s only been a few days pero hindi maikakailang marami na talagang nangyari.
He stopped right in front of the office door, at pinag-isipan kung kakausapin ba nya ang kaniyang kapatid about that matter. Seconds later, nagdesisyon syang kumatok. Pero di pa man lumalapat ang kaniyang kamay sa may pintuan ay may napakinggan syang ibang boses na nanggagaling mula sa loob. Mukhang may ibang bisita si Grei.
Hindi nya gustong abalahin ito kaya aalis n asana sya nang may mapakinggan sya…
“Everything is running smoothly, we know the location.” Sabi ng isang boses mula sa loob. Tahimik ang bawat pasilyo sa mga oras na iyon kasi abala ang mga katulong nila sa paglilinis sa labas kaya medyo malinaw nyang nadirinig ang pinag-uusapan ng dalawa sa loob. He decided to stay and eavesdrop for a little moment.
“Mabuti. ‘wag nyo silang hahayaang makawala sa paningin nyo. Meron pa bang ibang nakaka-alam?” tanong na mula sa boses ni Grei from the other side.
“The information is limited only for three people including myself.”
“Sige, balitaan mo nalang ulit ako.”
“Pinapatawag nga pala ng hari ang lahat ng Continental Lords para talakayin ang isa pang bago nanamang issue, ‘yon ay bukas, at since na ikaw ang kasalukuyang humahalinhin sa pwesto ng iyong ama sayo nakapangalan ang imbitasyon. Sa tingin ko’y tungkol ‘yon sa Tunog nung Trumpeta mula sa kalangitan kahapon. Everybody surely heard it at sigurado ding alam natin ang ibig ipahiwatig non. Habang nagmamasid ako kanina sa bayan ay ‘yon ang bukang-bibig ng mga mamamayan.”
“The upcoming war is surely unstoppable. Napapansin ko nga ring mistulang humihina ang depensa ng kaharian sa mga demon attacks. May iba ka pa bang gustong ipaalam?”
“Mr. Ygon also request your presence and Ivan’s in his office at the palace after your meeting with the king. Gusto daw nya kayong makapulong about something.”
“Ah.. sige. I’ll inform him.”
“Aalis na ako.” Paalam nung isang boses mula don sa kausap nya.
Upon hearing it, medyo dumistansya si Ivan sa may pintuan and he maintained his normal look. At nang bumukas na yung pinto ay nakita nyang lumabas mula dito si Vhon.
“Magandang umaga Ivan. Long time no chat.” Bati nito sa kaniya.
“May ginagawa ba si Grei?” tanong nya.
“Merong paperworks. Pero kung gusto mo syang kausapin ay bakit hindi mo nalang sa kaniya itanong?... Sige. Aalis na ‘ko.” Sabi nito sabay naglakad palayo.
Ivan watched him take a swift turn to the left hallway and out from his sight bago muling buksan yung pinto papasok ng office.
Inangat ni Grei ang kaniyang tingin and saw Ivan standing near the now closed door behind him.
“May sasabihin ka ba?” tanong nito sa kaniya.
“I just saw Vhon coming out of this office, may bagong balita ba?” tanong nito habang papalapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Misterio / SuspensoMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...