AN:
Pasyensya na po ngayon lang ulit… due to my Exam hangovers. Anyway…
Third Person’s POV:
“So, how’d the trip go? Napabilis ata kayo ah… Akala ko’y matatagalan kasi malayo ang pinuntahan nyo.” tanong ni Mr. Giddon habang hinahayinan sila ng kanilang mga katulong ng pagkain sa kanilang lamesa.
“Um… dad, may gusto sana kaming sabihin sa inyo.” Panimula ni Mae bago nya sinenyasan na iwan muna sila ng mga naka-antabay na katulong.
Isa-isang nagsilabasan ito hanggang tanging sila nalang ang natira sa loob ng silid. But in case someone eavesdrop, nagdesisyon si Mae na hinaan ang kaniyang boses.
“You see dad… Di naman po kami pumunta sa mortal realm.” Pagtatapat ni Mae. Napahinto dito ang kaniyang dad at tumingin sa kaniya. “We found Axelle here in Zyteria.”
“A-ano? Pano?” sabay lingon nya kay Axelle. “Pano ka iha napunta dito sa mundo namin? May natanggap o nagbigay ba sayo ng imbitasyon?”
“Um… wala po. Sapilitan po akong dinala dito.” Pag-amin ni Axelle.
“Sino at pano ka nya nadala dito?”
Nagsimulang magkwento sa kaniyang naging karanasan si Axelle. Mula sa mga nangyari sa kaniya sa mortal realm hanggang sa kasalukuyan. Including how she’s being hunted down now by the king.
Walang naging ibang emosyon si Mr. Giddon maliban sa pagiging seryoso nya sa pakikinig ng kwento ni Axelle. Ganon din sina Mae na noon lang talaga maririnig ang kabuuan ng kwento.
Nang makatapos sa kaniyang pagkukwento si Axelle tsaka naman unang nagsalita si Mr. Giddon.
“Hindi ko inaasahang ganon kapait ang mga naging karanasan mo iha…” huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. “Matagal nang isinulat ang ating mga kapalaran, pero hindi naman lahat ay puros pighati at pasakit. Pagkatapos ng isang bagyo may bahagharing darating para sayo iha.” Sabi niya.
“Salamat po.”
“’Wag kang mag-alala masyado sa mga kawal na maghahanap sayo. You’re safe here, and no one will know you’re here. Bukas-palad ka naming tinatanggap dito sa tirahang ito.” Dagdag pa nito.
“Maraming salamat po talaga.” Halos hindi matago ang tuwa ni Axelle sa tono ng kaniyang pananalita dahil sa kaniyang narinig. Despite her situation, tinanggap pa rin nila ito sa kanilang pamamahay.
TIME SKIP…
Nang matapos ang kanilang munting miryenda ay tsaka naman biglang napatawag si Mr. Giddon pabalik sa kanilang pastulan ng mga hayop sa malawak nitong lupain. There has been some sort of an emergency there that he needs to tend to, kaya malady rin syang umalis at iniwan kay Mae ang pangangalaga sa kanilang bisita na si Axelle.
Ipinakita ni Mae ang magiging kwarto ni Axelle sa kanilang mansion. Katabi lang ito ng kwarto ni Mae.
Axelle’s POV:
“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Mae sa kaniya.
“It’s nice and fresh… Matagal-tagal na rin akong hindi nakakatulog sa malaking kwarto o maging sa isang desenteng kama.” Sagot ni Axelle sabay naupo sa malaking kamang tumawag ng kaniyang atensyon.
“Glad to hear it… May mga damit na din sa Aparador mo. It’s some of my clothes since mukhang magkasing size lang tayong dalawa. Don’t worry, ipapagshoping kita ng damit bukas, expect na madaragdagan pa ‘yan, gusto rin kitang i-tour sa buong kabayanang ito if you’d like, may paborito akong restaurant dito na nag-“
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Mistério / SuspenseMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...