Chapter 4: Aid

479 27 1
                                    

Third Person’s POV:

“Ano nang mangyayari sa Academy ngayon?” tanong ng isang professor sa kaniyang mga kapwa propesor sa kasalukuyang nagaganap na pagpupulong sa isang pribadong gusaling pagmamay-ari ni Lord Rey.

“The knights failed their mission.” Bigkas pa ng isa.

“Don’t put all the blame to the knights. Maging tayo ay nasurpresa din sa mga nangyari.” Saway naman ng isa.

“Mabuti pang ‘wag nalang tayong magturuan.” Sabi ni Mr. Daniel na kanina pang nakikinig sa kanilang usapan. “Ang rason kung bakit meron tayong pulong ngayon ay para magbahagihan ng ideya kung pano natin mababawi ang academy.” Sabi pa nya.

“The king, couldn’t make it here. Dahil may inaasikaso sya sa ngayon, pero he promised that he will help take back the academy.” Sabi ni Mr. Ygon na syang pinadala ng hari on behalf of his absence.

“So anong plano? We can’t just barge in there?”

“Sinong mag-aakalang matagal na palang nakapasok si Satan sa Academy.”

“Something isn’t quite right…” puna ni Prof. Fueras.

“I agree. Pano na ang isang katulad nya ay makalusot sa seguridad ng academy? The barriers weren’t down yet back then, pano sya madaling nakapasok nang hindi man lang tayo nakakatunog?” nagtatakang puna ni Prof. Valeros.

“Have you forgotten who he is? Malaking posibilidad na ginamit nya ang kapangyarihan nya para makapuslit papasok.” Sabi din ni Lord Rey.

“-Pero di dapat natin balewalain na baka may kasabwat sya sa loob ng Academy.  Like Alie or Axelle. He manage to get them both inside the academy without raising suspicions. Lahat tayo ay hindi naging handa sa naging outcome.” Sabi pa ulit ni Prof. Valeros.

“So, ang ibig mong sabihin ay may iba pang traydor sa academy?” tanong ni Madam Lylyth.

“Posible yon.” Maiksing dugsong ni Prof. Fueras bago umayos sa kaniyang pagkakaupo.

“Sumasang-ayon din ako. Dahil nga sa humihina ang Elexus ng mga oras na iyon, hindi rin natin garantisadong wala talaga itong napapalusot sa barrier nito.” Sabi pa ni Lord Rey.

“Pero ang tanong. Bakit biglang humina ang Elexus in the first place?” Tanong ni Mr. Daniel.

Nanahimik ang lahat.

“Just imagine, kung hindi humina ang Elexus noong una pa lang, edi hindi sana makakapasok si Satan at yung mga pinadala nya sa loob ng academy.” Dugsong pa ulit nito.

“So, there’s a traitor bago pa man humina ang Elexus.” Sabi ni Prof. Valeros.

“That’s exactly my point.”

“But we can’t just point fingers on somebody. Pano natin mahahanap kung sino nga yon?” tanong ni Sir Ghin.

“That’s a tough one. Kelangan natin ng matibay na ibidensya.”

“Pero yung scenario… Lahat pulido at planado ni Satan.” Puna ulit ni Mr. Daniel.

“Hindi natin alam kung nasan ang ating tunay na mga kalaban at ano ang tumatakbo sa utak ni Satan. Mahihirapan tayo. Plus, hindi panghabambuhay susustentuhan ng mga barrier users and controllers yung trabahong pagko-contain sa academy.” Puna ni Prof. Fueras.

“The demons are getting powerful each passing minute, at maging si Satan. Masmagiging mapanganib din kung lagi silang malapit sa barrier. Kung saka-sakali mang masira ito ni Satan, marami ding unang mamamatay.”

“Then what do we do?”

“Why not start on finding the real culprit. ‘wag nyo na munang problemahin yung barrier, kami na ng hari ang bahala sa kaligtasan ng mga tauhang pinadala namin. Focus on your main task. Hanapin nyo kung meron pang kasabwat si Satan, magkakaron tayo ng masmalaking problema kung hahayaan nating itong magpagala-gala sa Zyteria.” Sabi ni Mr. Ygon.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon