Third Person’s POV:
Pagkatawid nila sa portal ay bumungad naman sa mga knights ang makapal na hamog ng kagubatan at ang nakakasulasol ng nagkalat na dark energy sa paligid. Instantly, they felt danger.
Nang magsara ang portal sa kanilang likuran, doon na nakaramdam ng kaba ang ilan sa kanila. Mainly si Tory at si Ella.
Tahimik ang paligid na aakalain mong isang ordinaryong gubat lang na maraming puno at natural na hamog, pero they felt like they’re in an entirely different world. Kahit na kasama ito ng Continent of Venom, tila naiiba naman ito dahil sa katangian nitong mapanganib. Matataas, matitibay at puno ng restriction magic ang bumabalot sa pader malapit sa border ng tinaguriang Land of Fallens, na syang nagsisilbing panangga rin ng ibang mga bayan ng kontinente laban sa masamang enerhiyang namumugad sa lugar na tinagurian na rin nilang maliit na impyernong nag-eeksist sa kalupaan ng Zyteria.
“Hanapin na natin ‘yong ilog bago pa tayo unang mahanap ng mga mababangis na hayop.” Sabi ni Ivan, na syang bumasag sa katahimikan.
“Mag-ingat na rin tayo. Panibagong lugar ito para satin.” Dugsong pa ni Grei.
Naunang naglakad si Ivan na sinundan ni Tory, sumunod naman si Axelle at kasunod lang nya si Grei na di pa rin nya pinapansin. Nasahulihan naman sina Jess, Ella at Xian.
“Kapag may naramdaman kang kakaiba, magsabi ka lang.” sabi ni Grei sa naglalakad sa kaniyang unahan.
“I know that.” Maiksing sagot ni Axelle.
“I’m serious. Ikaw ang top priority namin ditong protektahan.” Sabi pa ni Grei.
“Oh right… ano nga pala yung exact na tinutukoy ng hari kanina sayo Grei?” singit ni Jess.
“Wala lang ‘yon.” Maiksing sagot ni Grei.
Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad hanggang sa magulat ang kanilang mga mata sa nadatnang tanawin.
Halos maginghawan ang malaking bahagi ng kagubatan. Nagtumbahan ang mga puno at makikita ang ilang bakas na may naganap ditong isang labanan.
“Demon assassins. Nanggaling na sila rito.” Sabi ni Tory.
“Mukhang sariwa pa ang mga bakas na ito. Malamang konti lang ang agwat ng ating paglalakbay sa kanila.” Sabi din ni Grei.
“Kung ganon, kelangan nating bilisan.” Sabi ni Ivan.
Nag-aabang naman sa kanila ay ang isang maliit na bangin na kaylangan nilang daanan para sila’y makapagpatuloy.
“I’ll use my-” *Zap!* “Ouch!” bigla nalang napaupo sa patay na damuhan si Jessica nang biglang lumitaw ang isang mala kuryenteng enerhiya sa kaniyang mga braso na gumulat sa kaniya.
“Jess ayos ka lang?!” madaling tanong ni Tory habang inaalalayan sya para muling makatayo. Nakatingin naman sa kaniya ang iba pa nitong kasamahan, mapapasin na maging sila ay nagtaka din sa biglaang nangyari kay Jess.
“Ayos lang ako…” sabi nito. “Pero pakiramdam kong parang bigla akong nakuryente.” Sabay lingon nya kay Grei. “Hoy, did you do that?”
“No. Bakit naman kita kukuryentihin? Hindi pa ‘ko naglalabas ng kapangyarihan ko.” Depensa ni Grei.
“Kung hindi ikaw, sino?” takang tanong ni Ella.
*Zap!*
Napalingon sila sa direksyon ni Ivan nang makarinig ng pamilyar na tunog ng kuryente. Nakita nilang may maliliit na kuryente ang dumadaloy sa kaliwang kamay nito kasabay ng isang usok na mula sa isang kapapatay na apoy.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Mystery / ThrillerMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...