Chapter 33: The Aftermath

388 35 3
                                    

Third Person’s POV:

Matapos nang nangyaring panggugulo ng mga demons kahapon ay mas pina-igting muli ng continental high Lord ng Continent of Strenght ang kanilang seguridad. Halos bawat lagusan, daan at kung anong lusutan, maliit man o malaki ay may nakatalagang mga kawal ng kanilang lider.

Isa ang Continent of Strength sa may pinaka malaking land mass pumapangatlo ito sa buong Zyteria, kaya’t ang mas malawak na seguridad ay higit na kinakailangan. The High Lord already notified the king about the attack. Pero ang pag-atakeng iyon ng isang grupo ng shadow demons ay di nila masabing nagkataon lang na may mga demons na lumitaw o balak talaga ng ng kanilang kalaban na atakihin sila.


Flashback…

“This demons just came out of nowhere!” sabi ni Jessica habang abala sa kinakalaban nyang isa.

Hindi nila alam kung gano pa karami ang paparating na kalaban kaya minabuti na nitong ipadala ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki na si Young Lord Clinton para kumuha ng dagdag na reinforcements.

Nang pumunta kasi sila ay inaasahan nilang mga mabababang uri lang ng demons ang kanilang makakaharap. Pero nagkamali sila. Hindi man sila ganon kalakas, pero masasabing di ito kayang patumbahin ng isang ordinaryong spirit lang.

Habang nagpapatuloy ang labanan ay seryoso naman si Ivan sa kaniyang mga inaasikasong mga kalaban. Pero di rin nakalagpas sa tingin nya yung mga pamilyar na mukhang nakikipag laban din sa mga demons katulad nila, yung isa nga ay niligtas pa nya kani-kanina. Mae, Ki and Rina…

‘Ano naman kaya ang ginagawa nila dito?’ buong takang tanong niya sa loob ng kaniyang isip. Pero mukhang makakapaghintay ang sagot para sa kaniya, once this mess is over.

“Mae!”

Pakinig nitong sigaw ni Rina mula sa isang banda na nakakuha ng atensyon nina Jessica at Ivan. Nakita nilang mabilis na tinangka pang sugurin nong isang babae yung demon para iligtas ang kaniyang kaibigan, pero nabigo lang sya.

Akma na sanang aaksyon muli si Ivan nang may makauna sa kaniya…

Isang pamilyar na electric ball ang kanilang natanaw na mabilis na lumipad at tinamaan yung demonyong nagkokontrol dun sa mga lubid na nakapulupot kay Mae. Pareho silang dalawa ni Jessica ay mabilis ding napalingon sa pinagmulan nung electric ball na ‘yon, puno ng kyuryosidad at nagbabakasakali… their eyes didn’t fail them as they spotted a familiar gray colored hair at ang pamilyar na estilo nito ng pakikipaglaban, walang duda…

“Grei???” di makapaniwalang saad ni Jessica.

End of Flashback…


Kasalukuyan silang nagkatipon-tipon sa isang private meeting hall ng mga McKenshie. Habang di pa dumatading ang iba pa nilang mga kasamahan at si Lord Miasis, dad ni Jessica, mula sa pinuntahan nitong isang village, ay napagpasyahan nilang sila-sila muna ang mag kwentuhan.

Inimbitahan ni Jessica na saluhan din sila nina Mae, na kakikilala lang nya kahapon at ayon din sa request ni Ivan. Namamahinga pa rin naman sa ngayon si Lord Ramis kasama si Aurus na maya-maya pa din ang dating para sa dadaluhang mahalagang pulong.

Nakaupo sa kani-kanilang napiling pwesto sina Mae, Rina, Ki, Jessica, Ivan, Grei

“So… who wants to talk first?” tanong ni Jessica dahil wala ni isa sa kanila ang umiimik magmula nang makaupo sila sa kani-kanilang pwesto. Tanging konting tinginan lang ang unang nangibabaw sa pahabang mesang nasa gitna nila.

“Pano ka nakatakas?” tanong ni Ivan sa kaharap na si Grei mula sa kabilang banda ng mesa.

“I had to take risks, hindi naging madali dahil nakatunog ang mga demon assassins na nagresulta kung bakit napili ni Jiena na magpaiwan.” Maiksing paliwanag ni Grei sa kaniya.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon