Zara’s POV:
Inabot na ako ng gabi sa paglalakbay sa daan, pero malayo pa rin ang tanaw ko mula sa sinasakyan kong kotse habang naglalakbay ako papunta sa Filadelfia. Isang buong maghapon din ang hinintay ko bago ako napagbigyang umalis sa sarili naming mansion, kahapon. Although, I want to leave as soon as I got back from my ‘sneaking out’ session.
My dad was against me leavin’. Pero kelangan kong gawin ‘to. I manage to convince him that I’ll be careful, at hindi rin ako gagawa ng kung anong ikakapahamak ko sa sarili ko.
Dapat nga sasama pa sya, kaso may tinatapos pa syang mga gawain kaya nagpaalam nalang ulit akong mauuna na muna, kaya pinadalhan nalang nya ako ng mga magbabantay sakin sa buong paglalakbay.
Gagamit sana kami ng portal, that would take me directly to the continent, kaso inaayos pa yon eh. Kaya para medyo mapabilis, ay ginamit nalang namin yung portal na magdadala samin malapit sa border papasok ng Filadelfia.
Ang sadya ko sa Filadelfia ay ang makausap ko si Lord Ivan. Iniisip palang na makakaharap ko syang muli ay hindi na mapigilang maglakbay ng mga ngiti ko sa labi. Hindi ko alam kung bakit nakakagaan sa pakiramdam kapag imahe ng itsura nya yung pumapasok sa isip ko, pero one thing for sure na palagi ring sinasabi ng mga kaibigan ko sakin.
Maybe… just maybe… I am attracted to him.
Hindi lang masasabing mababaw… I’m deeply attracted to him…
Pero sa halip na mag-imagine siguro ako dito, dapat seryosohin ko din yung dahilan kung bakit ko sya kakausapin. I’ve been asked to rely a very important message… from Miss Xyrana…
Flashback…
Madali akong tumakbo sa loob ng naka bukas pang bahagi ng barrier, at dire-diretso hanggang sa makarating ako sa may front entrance ng mansion. Hindi naman naka lock yung pinto kaya mabilis akong nakapasok sa loob, medyo hinihingal pa.
“Sino ka?” tanong ng isang tinig mula sa aking likuran.
Dahan-dahan akong lumingon.
Ilang saglit pa’y bumungad sakin ang mukha ng aking isinadya dito.
“Who are you?-” tanong ko sa kaniya. Magpapaligoy-ligoy pa ba ko? “- I’ve seen your face twice or trice in my dreams, but it doesn’t make sense to me.”
“Dapat nga ako muna ang may karapatang magtanong…” sabi nung babae nang makarating sa ibaba nong hagdanan.
“I am Lady Zara. Anak ako ng namumuno sa kontinenteng ito-”
“-At bakit ka naman naparito Lady Zara? Sa pagkaka-alam ko’y bawal kaming tumanggap ng mga bisita ngayon. Are you with Mr. Daniel?”
“No, I’m here by my own will.”
“Lady Zara?” napalingon ako sa tinig na biglang lumitaw mula saking kanan. May nakita akong isang lalaking medyo matanda ng konti sa kinakausap ko at naglalakad siya papalapit samin. His eyes were on me. “Kinagagalak ko pong makita kayo sa loob ng aking pamamahay ngunit pano naman po kayo nakapasok sa loob ng barrier?” nagtatakang tanong nito pagkahinto malapit samin.
I know him. Nakita kong nakausap nya ang parents ko sa nagdaang ball. Mr. Giddon, I think… Pero hindi may iba akong ipinunta dito.
“Hindi na po mahalaga kung pano ako nakapasok. Ang sadya ko po dito ay sya.” Sabay turo ko don sa babae kanina. “Kaya kong masilip ang hinaharap, at palagi ko syang nakikita sa mga visions ko.”
“Visions?” nagtatakang saad nung babae.
“Ang mabuti pa siguro ay hwag kayo dito mag-usap. Halika.” Payo ni Mr. Giddon.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Misteri / ThrillerMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...