Chapter 46: Left

350 24 2
                                    

Grei’s POV:

Nilipat nila kami sa isang panibagong dome-shaped na kweba sa mga magkakabukod na kulungang sakto lamang samin. Our hands are not tied up and we are yet free to move. Kaso kapag napapalapit kami sa rehas na nakapalibot samin ay nirerepel kami nito gamit ang isang malakas na dark energy.

Merong limang bantay silang iniwan para bantayan kami. May dalawa pang nagbabantay malapit sa lagusan palabas, pero mukhang hindi naman sila malalakas na mga demonyo. We can take them down easily, kung makakalabas lang kami dito.

I tried once again using my powers to get me out from here, pero bigo ulit ako.

“Alam ni Satan na may darating.” Pakinig naming simula ni Lady Zara na kasama rinnamin ngayong nakakulong sa lugar na ito. “Balak nyang simulan ng maaga ang pagbubukas nya ng mga gates.” Dagdag pa nito.

“Kung ganon, tama nga si Mr. Daniel… Pero ano naman kaya ang kelangan nya kay Axelle kung ang kaya lang naman nyang kontrolin ay ang mabubuting kaluluwa?” Tanong ni Tory.

“Isang malaking palaisipan ang mga plano nya.” Sagot naman ni Jess. “Pero ang kelangan talaga nating pagtuunan ng pansin ngayon ay kung pano naman tayo makakalabas dito?” dagdag pa nya.

“Hawak din ni Satan ngayon si Axelle.” sabi pa ni Xian.

“At ang mas nakapagtataka pa… bakit di pa nila tayo ginagalaw?” sabi naman ni Jess mula sa kulungang katabi ko. Napaisip din ako.

Hindi nila kami papatagalin ng ganito maliban nalang kung may kailangan pa sila samin, pero ano naman kaya? We are a threat to his plans, pero bakit hindi pa nila kami pinapahirapan ngayon? Di ba ganon dapat ang maging takbo ng sitwasyon?

…O di kaya’y…

“… Wala silang kelangan mula satin.” Panimula ko. I can feel that all eyes were on me.

“Anong ibig mong sabihin Grei?” tanong ni Ivan.

“Baka binabalak nilang gamitin tayo bilang pain, para mapasunod si Axelle sa gusto nyang gawin nito.” Sabi ko.

“Katulad ng sinabi satin kanina ni Mr. Daniel malaki ang pakinabang ni Satan sa kapangyarihan nya…”-Jess.

“Well. Now what? We can still use our powers, pero hindi lang tayo makalabas sa kukungang ito.” Sabi pa ni Tory.

Napa-isip ako. Hindi namin pwedeng gamitin ang kapangyarihan namin laban sa rehas ng kulungang ito, kaya mukhang ang makalumang paraan ang maglalabas samin dito. “Tory…” pabulong kong tawag sa kaniya. “Can you summon your smallest beast?” tanong ko pa.

“Oo naman. Bakit?”

“Ganito ang plano…”


Meanwhile…

Axelle’s POV:

Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukang makawala dito sa mga kadenang naka gapos sa kamay ko. Wala din akong ibang makapa sa mga bulsa ko sa likod dahil yung pinaka importanteng bulsa ay nandito sa harapan ng suot ko, and I can’t reach it.

Hindi ko pa din alam kung nasan ‘yong mga kasamahan ko, o maging si Mae at pati ‘yong Triumph Sword.

Medyo humahapdi na rin sa balat ko yung mga kadena. Ilang ulit na kasing nakikiskis at nahihila. Pero ano nga bang laban ng balat ko sa bakal?

Habang palingon-lingon saking paligid napunta ang aking mga mata sa madilim na kalangitang kanina pang bumabalot sa lugar na ito. Ewan, pero mukhang nasa isang fantasy movie ako na kung saan ay may magaganap na gera maya-maya lang, pero totoo naman, may magaganap talagang gera kung hindi namin napigilan si Satan sa mga plano nya.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon