Chapter 19: Young Lady of Tiatira

397 24 3
                                        

READERS’ CASTING


Maxine_Meow -Maxi
Ruexblood23 - Rue
damonagel - Zin

Third Person’s POV:

Kinabukasan, halos bukambibig sa buong bayan ay ang patungkol sa engrandeng selebrasyon para sa kaarawan ng kaisa-isang anak na babae ng kanilang continental Lord. This news never failed to reach Axelle’s ears, kahit na nasa mansion lang sya nakatambay, pano ba naman ay napapakinggan nya ang mga ito mula sa mga kasambahay nina Mae.

Pero sa halip na makinig sa maagang tsismisan ay minabuti nyang tumungo sa silid ng kaniyang ina para personal na ihatid ang agahan nito. Mr. Giddon left early para bisitahin ang kaniyang malawak na sakahan ng mga gulay at prutas, maging ang ilang mga namumungang punong-kahoy na pwede nang anihan. Si Mae naman ay umalis ulit kasama ni Rina para bumili ng ilang mga gamit pang-ayos ng mukha, dahilan kasi nitong naubusan na sya ng ilang beauty supplies.

Mae’s act reminded her somehow of Chelsie’s, he step-sister in the mortal world. Napaisip tuloy sya kung ano na kaya ang kalagayan ng mga taong naiwan nya.

“Pasok.” Tugon ng boses ng kaniyang ina musa sa kabilan g banda ng pinto.

As usual, she found her mother sitting on her bed with a book in her hand. Ngumiti ito nang makita syang papasok.

Axelle’s POV:

“Good morning ma… I brought our breakfast.” Sabi ko habang palapit ako sa kaniya. Nilapag ko yung silver tray na dala ko sa isang kwadradong mesa malapit sa higaan nya. Meron din itong kalapit na dalawang bakal na bangko na pwede naming maupuan.

“Oh, akala ko sumabay ka sa kanila mag-agahan?” tanong ni mama.

“Nah… Mae and her dad left early. May mga lakad kasi sila, tsaka tinanghali din ako ng gising.” Sabi ko naman.

“Kung ganon, sige na, kumain na tayo.” Masaya nyang sambit.

It’s been a long time since I had my breakfast with my mom. At sa katunayan lang, I missed those times. Pero ngayon, di talaga ako makapaniwalang magkasama na ulit kaming mag-aagahan. Pero… nothing is permanent.

I wish we could be like this all the time.

“Pst. Hoy anak? Ayos ka lang?” I snapped. “Mukhang ang lalim ata ng iniisip mo ah?”

“Wala man po ‘yon ma. It’s just… random thought?” sagot ko. “Thank you for the food.” sabay nagsimula na ring sumubo nung pagkain.

“Random thought?... sige nga, ano yung random thought na ‘yon hmm?” she is still persistent.

“Wala nga ma. It’s just about some ‘things’ not worth mentioning.” Sabi ko naman sabay sumubo ulit.

“Not worth mentioning?” then she smirked, that knowing smirk na parang may kung anong naglalaro sa isip nya. My mom still looks the same kahit na ilang taon na yung lumipas. It doesn’t seem like she aged at all. Kung tutuusin, hindi kami mapagmumukhaang mag-ina dahil bata-bata ang itsura ni mama. Gosh! How lucky! “Bakit naman?”

“It’s really nothing mom.” Giit ko.

“Sige, at dahil wala tayong mapagkwentuhan habang kumakain. Kwentuhan mo naman ako sa naging love life mo ‘nak!”

*Ahem!* *cough!* *Ahem!* *cough!*

Muntikan na akong mabulunan sa bigla nyang sinabi kung di lang ako naka hagip kaagad ng tubig! Sya naman ay biglang natawa sa ekspresyong pinakita ko. My mom surely acts like a teenager kahit na ang tanda na talaga nya. I don’t know whether to think that she’s cool or annoying?

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon