Third Person’s POV:
Katanghaliang tapat nang makarating si Ivan sa mansion mula nang may asikasuhin syang isang mahalagang bagay sa may Esmirna. Inabot siya ng halos dalawang araw sa kaniyang pag-aasikaso. Kasalukuyang siya kasi ang pansamantalang pumalit at tumatapos sa mga gawaing naiwan ni Grei mula nang ito’y mawala, at sa kabutihang palad ay bumubuti na rin ang kalagayan ni Lord Elgin, kaya naman ay nagagampanan na rin nya ang kaniyang ibang tungkulin, habang katuwang si Ivan.
Pagkapasok nya sa loob ay agad na nakasalubong nya ang isa sa kaniyang pinagkakatiwalaang tauhan.
“Mabuti naman po at nakabalik na po kayo. May dala po akong balita Lord Ivan.” Kaagad na sabi nito sa kaniya pagkalapit.
May kung anong pagkabahala siyang nakita mula sa ekspresyon ng mukha nito kaya di rin maiwasang makaramdam ng pangamba si Ivan. Kung ano man ang balitang ito ay siguradong hindi na makapaghihintay.
Kaagad silang tumungo papunta sa study room ni Ivan para don mag-usap.
“Sir Delfian, anong nangyari sa mansion?” seryosong tanong ni Ivan.
“May dumating na mga kawal mula sa palasyo… kasama nila si Heneral Reyes. Inaresto nila si Axelle at dinala sa palasyo.” Ulat ni Delfian.
“Ano? Bakit di nyo man lang sakin ‘to pinaalam? Kelan pa?” iritadong tanong ni Ivan.
“Kagabi lang po. Masyadong mabilis ang mga naging pangyayari at dahil nga ang mismong heneral ang kasama nung mga kawal ay mabilis silang nakalusot ng tahimik sa mga bantay natin. Mukhang alam nilang may mga nagbabantay sa paligid kaya naisahan nila tayo.”
“Ano pang alam mo?”
“Kasalukuyang nakakulong ngayon sa kaniyang sariling bahay sina Mr. Giddon at yung iba pa. Pinagbawalan muna silang makalabas dahil kasama sila sa iimbestigahan. Si Axelle at si Vhon lang ang dinala nung mga kawal pabalik sa palasyo. Wala naman silang nagalaw mula sa mga tauhan ko, at hindi din nila alam na ikaw ang nagpadala samin.”
Napahilamos si Ivan ng kaniyang kamay sa kaniyang mukha habang nasa malalim na pag-iisip.
“Ipapahanda ko yung sasakyan ko. Pupunta tayo sa palasyo.” Akmang lalabas na sana si Ivan nang may maalala siya. Nilingon nya muli si Sir Dilfian. “Alam mo ba kung pano nila nalaman?”
Umiling naman si Dilfian.
“Wala pong napaulat sakin na ibang mukhang pumasok sa mansion. Pero pinaiimbestigahan ko na rin po ‘yon.”
“Imbestigahan nyo rin kung sino yung mga nakalapit don sa bakuran na nakapalibot sa mansion.”
“Masusunod po. At… si Mr. Daniel nga pala yung naatasang manguna sa pagbabantay sa mansion. Sya yung pinadala nung hari.”
Samantala…
Few hours ago…
Mae’s POV:
Simula kagabi ay hindi na ‘ko mapakali.
Pano ba naman ako titimo? Lahat kami ay halos masurpresa kagabi dahil sa mga pinadalang mga kawal ng hari dito sa bahay dahil natunton na nga nila si Axelle. At ang higit na nakapagtataka pa’y sino naman kaya ang nagpaalam sa hari na andito sya? Halos kilala ko na ang lahat ng mga tauhan ni papa. Mula sa bukid hanggang sa ultimong driver ng aming mga sasakyan. Wala ni isa ang hindi kasundo ng pamilya ko, kaya sino ba naman ang magtatangkang trahidorin kami? Unless, kung galing ang nagsabi sa mga taga labas?
Axelle went to the party after us… sumunod sya samin para balaan kami. Di kaya’y may nakakita at nakakilala sa kaniya? O baka pakana din ito nung Lord Ivan na ‘yon?
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Mystery / ThrillerMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...