Third Person’s POV:
Nang sumunod na araw…
Dahan-dahan at maingat na pumasok ang mga deployed knights sa loob ng land property na sakop ng ZESKA. Kasalukuyan nilang isinasagawa ang kanilang planong pagbawi sa nasabing malaking paaralan.
Ang ilan sa mga nangunguna sa kanilang pagpasok ay ang magpinsan na sina Prof. Valeros at si General Reyes. Samantalang ang hari at ang iba pang mga kasamahan nito ay naka stand by kasama ng naiwang mga tauhan ni Henral Reyes sa may side malapit sa East Wing.
Matapos ang kanilang matagumpay na pagdaan sa malaking underground drainage system ng paaralan na syang kumukonekta sa karamihan ng malalaking rooms sa school na ‘yon, ay nakarating sila sa down floor gym room ng paaralan.
Walang anumang ingay ang kanilang narinig, at tila ba’y pumasok sila sa isang haunted school para maghanap ng mga multo.
“Kelangan nating mahanap ang ligtas na daan papunta sa pinaka mataas na tore dito sa Academy. All these hallways goes straight to the portals. Dun tayo sa main hallway dumaan para masmabilis.” Suggest ni Prof. Valeros na syang isa sa nakakakabisado na sa pasikot-sikot ng paaralang iyon. May kasanayan din sya sa ganitong mga gawain dahil siya ang pinaltan ng kaniyang pinsan sa pagkaposisyon bilang dating heneral ng hari. Lubos ang tiwala ng hari at ng pamilya nito sa angkan nila, kaya di malabong sa kanila muli nanggaling ang heneral.
“Kumaliwa tayo sa hallway na ‘to.” Dagdag pa nito nang makasilip sa kawang nung bukas na pintuan, sabay naunang maglakad palabas ng silid. Sinundan naman siya ng pinsan niya at kasunod nila ang walo pang mga tauhan nito.
Dala ang kanilang mga bagong armas at protektado ng isang batong kulay violet na nasa kanilang suot ay walang ingay nilang tinungo ang daan papunta sa sinasabing portal.
(AN: Yung mga portal-vators po yon hehehe…)
Ngunit sa bawat hallway na kanilang madaraanan o matatanaw, ay tila ba walang sino man ang nasa loob ng Academy maliban sa kanila. Parehong nagsuspetsa ang heneral at si Valeros.
“Where did all the guards go?” tanong ni Valeros sa ere habang nilalakbay nila ang palikong daan papunta sa isa pang malaking hallway.
“Nakakapagtakang wala ni isang bantay tayong nadaraanan.” Dugsong pa ni Reyes na nakasunod sa kaniya.
“Pero di dapat tayo makampante.”
Nagpatuloy sila sa pagtnahak sa palikong hallway papunta don sa sinasabing portal. Habang maingat silang humahakbang ay bigla namang umilaw ng matingkad kesa sa normal ang kanilang mga suot na cross necklace, kasunod nito ang biglaang paglitaw ng mga demons mula sa kisame pababa sa kanilang harapan. Ni walang oras itong inaksaya at sabay-sabay silang inatake ng mga kalaban.
General Reyes was able to slit the throats of the first three demons who came up to him, the other soldiers did the same.
At hindi nagtagal ay nagawa nilang ubusin ang kanilang mga kalaban. Nakatamo lang sila mula sa mga ito ng konting mga gasgas at wala nang iba pa.
Actually, they had expected far worse injuries than bruises.
“’yon lang ba?” sabi nung isang knight.
“Akala ko marami sila dito sa loob.”
“Akala ko nga din.”
“Di kaya may iba pang paparating?”
“Kung ganon na nga ‘yon, ang mabuti pa’y magmadali na tayo.” Sabi ni General Reyes, cutting his men’s conversation.
Tumakbo sila patungo sa pinakadulo nung hallway kung saan ay nag-aantay sa kanila ang portal. Wala ni isang bantay ito kaya’t madali silang nakapasok.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Misterio / SuspensoMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...