Chapter 49: Armageddon

345 14 3
                                    

Axelle’s POV:

Sinalubong ako ng matinding kadiliman.

Ano nang nangyari sakin?

Buhay pa ba ‘ko?

Pakiramdam ko’y naka higa nanaman ako sa isang malambot na damuhan.

Madali kong minulat ang mga mata ko.

‘Hala! Nasan ako?’ laking gulat ko nang imulat ko ng tuluyan ang aking paningin at pinagmasdan ang aking paligid.

Nasa gilid ako ng isang bangin, pero hindi lupa kundi sa malambot na mga damo ako naka higa. Madali akong napaupo sabay kinapa ang aking sarili.

Patay na ba ‘ko?

“Hindi ka pa patay.”

Nilingon ko yung boses na biglang umimik mula sa malapit. Don ko nakita ang isang kalapating naka lapag din sa damuhan.

“Sino ka?” tanong ko dito.

“I am your guide. Di ba sinabi ko sayong magkikita muli tayo.” Tugon nito sakin.

Just then, naalala ko yung huli naming pagkikita, pero hindi ganon kalinaw ang mga detalyeng naaaninag ko base sa memorya ko. It feels like it’s missing some of its pieces. Pero hindi ko lang ma pin-point kung ano ba talaga ang eksaktong nangyari the last time.

“Nasan ako?” tanong ko dito.

Kani-kanina lang at nasa gera ako, tapos ngayon ay nasa isang tahimik at payapang lugar na ako?

“Ikaw ay kasalukuyang nakatungtong sa maaaring maging hinaharap ng mundong ito.” Sagot nito sakin.

Ng mundong ito? Hinaharap ng Zyteria? Nasa hinaharap ako ng Zyteria?

Hindi ako sumagot at tinulak nalang ang aking sarili para maka tayo saking mga paa. Pagkatayo ko’y sinalubong ako ng papasikat na sinag ng araw mula sa silangan. Noon ko napagmasdan ng maigi ang aking paligid.

Kasalukuyan akong nasa Deep Abyss. Pero, bakit? Anong nangyari?

“Magiging matagumpay ba ang labanan?” tanong ko don sa ibon.

“Hindi ako ang may hawak ng sagot dyan sa tanong mong ‘yan. Desisyon mo lang ang makakapagpabago ng hinaharap ng mundong ito, at maging ng iba pa. Binigyan ka ng pagkakataong magdesisyon at mamili kung anong daan ang iyong tatahakin at kung anong aksyon ang ‘yong gagawin. Itong nakikita mo ngayon sa iyong harapan ay hindi pa tiyak na mangyayari sa darating na kasalukuyan. Pero pwede itong magkatotoo sa pamamagitan ng isang hakbang na tanging ikaw lang ang makakapagdesisyon at makakagawa.” Mahabang sagot nito sa sakin.

Napaisip ako… “Pero… hindi naman po gumana ‘yong espada?...”

“Tandaan mong wala sa materyal na sandata ang tunay na lakas, kundi nasa puso ng bawat isang lumalaban at hindi sumusuko.”

“Kung wala sa espada… panong ako pa ang kayang makagawa ng ganito kalaking pagbabago sa hinaharap ng Zyteria?”

Hinintay ko itong sumagot, pero imbis na magsalita muli ay lumipad ito palayo sakin.

‘I thought he was my guide? Tapos iiwan lang nya ako dito?’

Sinundan ko ang direksyon ng paglipad nito hanggang sa tumama ang aking mga mata sa isang pigurang naka tayo mula sa malapit. Medyo naka side view ito sakin kaya di ko maaninag ng lubusan ang kaniyang mukha. Pero bakit parang pakiramdam ko’y pamilyar sya sakin?

Naglakad ako papalapit sa kaniya at nang makalapit na ako’y kinuha ko ang atensyon nya gamit ang pasimpleng pagtighim malapit sa kaniyang likuran.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon