Third Person’s POV:
Nakaupo sa balkonahe ng kaniyang sariling opisina si Grei habang binabasa ang ilang mga papeles na may kinalaman sa mga demons na nairereport ng mga awtoridad nya. Tila habang patagal ng patagal ay dumarami din ang mga pag-atake at pangugulo ng mga demons, di lang sa kontinente nya kundi pati na rin sa ibang mga kontinente. Maaari ngang humihina na rin ag ibang mga Elexus na syang primaryang sumusuporta sa depensa ng bawat kontinente. Losing the mother Elexus is already a great loss to them.
“Yo Blake!” singit ng isang bagong dating. “You called?” tanong ni Vhon sabay naupo sa bakanteng upuan katapat nya.
“Akala ko bukas ka pa makakarating?” tanong sa kaniya ni Grei sabay baba ng mga papeles na kaniyang binabasa.
“Syempre dumiskarte ako. Anyway, bakit mo nga pala ako pinatawag?”
“Gusto kong gawing full time yung trabaho mo.”
“Ok. Pero pano yung iba kong trabahong maiiwan?”
“’Wag kang mag-alala. Ia-assign ko nalang ‘yon sa iba so that you can focus on your task.”
“Ah… Sige. Pero, mind if I ask… Di ba masmakabubuti kung ‘di nalang tayo makialam? What if somebody finds out?”
“’wag kang mag-alala. Kontrolado ko ang sitwasyon. And if things went complicated, meron naman akong ibang plano.”
“Alam mo matalino ka… Bagay kang scammer…. Hehehe…”
“Loko ka ah.”
“Bro! Kalma lang! pinapagaan ko lang ang mood mo ngayon. Mukhang stress na stress ka kasi sa mga nababasa mo kanina eh…”
“Demon attacks have increased, at walang nakaka-alam kung pano sila nakakalusot sa barriers. Even the king doesn’t know why. Pero may hinala akong dahil ‘yon sa pagkawala nung Mother Elexus. The academy may hold the answer to this problem, pero hanggang ngayon ay di pa rin ito nababawi sa kamay ng mga demonyo.”
“Wow… nakakastress nga yan.” Sabi ni Vhon sabay tumayo. “Ok, ipapagpatuloy ko na yung bagong trabaho ko. Iwan na muna kita para matapos mo na ‘yang ginagawa mo. Bye!”
Akmang aalis na sana sya nang tawagin sya ni Grei.
“May nakalimutan ka pa bang ibilin?”
Umiling si Grei. “Mag-ingat ka, at i-report mo kaagad sakin kung sakaling may kahina-hinala kang madiskubre at salamat din.”
Ngumiti si Vhon sabay nagsaludo bago tuluyang umalis.
Binalik ni Grei ang kaniyang paningin sa mga papel na nakalatag sa kaniyang harapan. Isa-isa niya itong ini-scan ng may maalala sya.
Flashback…
Grei’s POV:
Magkasunod kaming tumungo ni Ivan sa opisina ni Mr. Ygon sa palasyo. I’m curious as to why he had called us.
Pagkarating sa nasabing silid ay kaagad kaming pinagbuksan ng dalawang gwardyang nagbabatay sa may pinto. Pumasok kami sa loob at nakitang nakaupo sa kaniyang upuan si Mr. Ygon na mukhang hinihintay kami.
Bahagya kaming yumuko sa kaniyang harapan bilang pagpapakita ng paggalang bago ako nagsalita.
“Pwede na po ba naming malaman yung rason kung bakit nyo po kami pinatawag?” panimula ko.
Tumayo siya mula sa kinauupuan nya sabay naglakad papunta sa isang bookshelf nan aka dikit sa pader. He pulled out a particular book sabay may bumukas na isang compartment sa dingding. Mula don ay may kinuha syang isang bagay. “Ito ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag. Maupo muna kayo.” Sabi nya.

BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Mystery / ThrillerMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...