Chapter 36: Planning

372 25 8
                                    

AN:

WARNING: Marami pong pasabog dito hehehe…

Another loonngg chapter, enjoy!

Third Person’s POV:

Halos di rin nakatulog ng maayos kagabi si Axelle kahit na napalipat na sya sa maskomportableng silid, somewhere in the palace. Madaling-araw pa lang ay gising na gising na sya.

Tahimik syang nakatitig ngayon sa kisame ng kaniyang pinaglipatang kwarto habang iniisip ang tungkol sa mga nangyari kagabi, ilang oras lang ang nakakalipas. Parang ang bilis ata ng takbo ng oras at di nya ito gaanong namalayan. Masyadong maraming impormasyon at bagong kaalamang biglang sumiksik sa buhay nya.

Napahilamos sya ng kaniyang mukha sabay lumingon papunta sa isang pahabang mesa malapit sa isang bookshelf na nakakabit sa dingding, to the right of her room, opposite to her side at mula sa liwanag ng nagliliwanag na kalangitan sa labas dahil sa papasikat na araw ay naaninag nya ang isang espesyal na espadang naka patong ng pahiga sa isang bakal na patungan.

Upon its sight, naalala nya yung pinag-usapan nila ng hari kagabi kasama si Madam Griese.

It was totally remarkable at di talaga inaasahang sa isang katulad nya mapupunta ang espadang iyon. Maybe that’s the reason why she was given a different type of hospitality, pero sinabi rin sa kaniya ng hari na magpapatuloy pa ding iproseso ang kaniyang kaso, now with a much lighter punishment. Sinusubukan na rin nitong makontak ang pinuno ng korte para sa panibagong pagdinig tungkol dito. But Axelle is quite sure that the king’s decision will win the trial. Hindi man tuluyang nakalaya mula sa parusa, nagpapasalamat pa rin sya na hindi na malala ang kahihinatnan nya.

Napahawak sya sa suot nyang kwintas habang inaalala pa ang ibang mga sinabi sa kaniya.

Flashback…

“Iyan ang Triumph Sword.” Panimula ng hari sa kaniya habang nakatingin sa nakalatag na espadang pinagigitnaan nila. “That sword can kill any demon, pero tanging ISA lang. Ayon sa naging bilin sakin, ang makakagamit lang ng espadang ‘yan ay ang napiling spirit na syang mula sa angkan nina Archagel Jophiel at pwede ring maituturing kadugo ni Archangel Michael.”

“Pero, hindi naman po ako siguradong nagmula ako sa mga sinasabi nyo.” Sagot ni Axelle.

“Kaya nga maging ako ay nagulat nalang din.” Sagot ng hari.

“Baka may kinalaman dito ang past origin mo.” Sabi ni Madam Griese na naka upo ng komportable sa isang upuang malapit sa hari. “Do you know your family’s history?” tanong pa nito.

“Ang history ng pamilya ko’y napakakumplikado. Maging ako’y wala pa masyadong alam tungkol sa kanila. My family was never complete, ever since my dad disappeared.”

“Pero sa tingin ko’y hindi na mahalagang pagtuunan natin ngayon ng pansin ang istorya ng pamilya ng babaeng ito. The sword chooses her, the heavenly realm chooses her, ang sa tingin kong dapat nating gawin ay magpokus sa mahalagang gawaing nakaatas sa kaniya.” Sabi ng hari.

“I have a duty?” tanong ni Axelle.

”That sword can only be held and used by its chosen owner, which is you. Ang sino mang makahahawak ng espadang iyan ang syang makakapigil sa digmaan. Pero limitado lamang ang ‘yong oras. Pero bago hipan ang pang-apat na tumpeta, dapat ay natapos na ng espada ang kaniyang tungkulin… Medyo nangangamba lang ako, dahil gahol na tayo sa oras.”

“Kung tama ang pagkakabilang ko, nahipan na ang ikatlong trumpeta kama-kailan lang.” singit pa ni Madam Griese.

“Teka-teka! Ako? Ako ang napiling pumigil sa nalalapit na gera?” nabigla at di makapaniwalang tanong ni Axelle sa hari habang nakaturo sa kaniyang sarili.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon