Chapter 28: She's Back

463 24 4
                                    

Axelle’s POV:

I’m in jail again. Ganito pala ang pakiramdam ng isang criminal na paulit-ulit na pumapasok sa kulungan. Ewan ko, siguro sa buong buhay ko, ito lang ang taon na kung saan maraming beses ako nakapasok sa kung ano-anong kulungan tsaka nakulong.

“Pst, Uy. Ayos ka lang?” tanong sakin ni Vhon na naka kulong din sa seldang kasunod nitong sakin. Kita din kasi namin ang isa’t isa kasi nakaupo ako sa may gilid ng selda, malapit sa rehas na pintuan, at ganon din sya. He must’ve seen my distressed look.

“Ano sa tingin mo?”

“Just asking. I’m bored.”

“Nagawa mo pang maging bored eh nakakulong ka na nga din. Why did you tell me to run back there?”

“Ha?”

“Ang sabi ko, bakit mo ko gustong tulungang makatakas nong mga panahong biglang dumating yung mga kawal ng hari para arestuhin ako?” nagmamaang-maangan pa sya ha. Well, he said he was bored, kaya mag-kukwentuhan nalang muna kami para mabawasan naman ‘tong stress na ‘to.

“Like everyone else, naniniwala din kasi akong di ka karapatdapat na parusahan.”

“Ang babaw naman. Parang ilang beses ko na ‘yang naririnig.” And not just from him.

“Eh anong gusto mong sabihin ko?”

“Hm… magandang tanong nga ‘yan. Bakit di natin ituloy yung pinag-uusapan natin nong gabi bago ako maaresto.”

“Huh? Ano ‘yon?”

“Naalala kong may tinanong ako sayo tapos may babanggitin ka na sanang pangalan pero di natuloy. Mind continuing it now?”

“Wala akong maalalang ganon.” He remembers it, pero iniiwasan nya.

“Alam mo ngayon pa lang iniisip ko nang mandaraya ka. Aalam kong may alam ka at naaalala mo rin yung pinag-usapan natin non, pero dinadahilan mo lang. Kung di ka iimik, tuloy pa rin yung balak kong si Ivan mismo ang tanungin.”

Nakita kong napahugot siya ng isang malalim na hininga sabay tumingala sa kisame habang nakasandal sya sa pader.

“Makulit ka din pala noh?”

“Get to the point and answer my question. WHO IS IT?” Nagkaron ng konting katahimikan sa pagitan naming dalawa. My gaze still remained on him. Hindi ko alam kung nag-iisip ba sya o naghihintay lang makatulog eh… may balak pa ba syang umamin? “Sasagot ka ba o hindi? Gusto mo bang may oras?” tanong ko sa kaniya.

“I cannot tell you the name, pero sinasabi ko sayong di ako ‘yon. Kung sino man ang tumulong sayo nong mga panahong ‘yon ay ang syang spirit na…”

“…na???”

“-na syang tiyak mong maaasahan.”

Akala ko kikilabutan na ‘ko, pero parang ganon na rin. Argh! Sino ba kasi yung tinutukoy nya? Bakit di nya sakin masabi ng diretso?

Hm… bigyan ko kaya sya ng mga pagpipilian? Kung sa aling pangalan may pinaka obvious na reaction, sya ang sagot. “Si Arden ba?...” tanong ko, no reaction. “Si Denver?” no reaction. “Isa sa kakilala ko mula sa academy?” no reaction. “Si Tim?” no reaction, teka pano sya nasama sa listahan? “Si… Ivan???” I waited and waited and waited pero no reaction.

Huh? Eh sino? Sino-sino pa ba yung mga nakasama kong mga kalalakihan tapos naging ka-close ko din??? Di kaya si…

“Si Blake b-”

“May bisita kayong dalawa.”

Napatingin kami pareho sa biglang nagsalita. Isa itong jail guard. Pagkasabi nya non ay kaagad din itong umalis. Kasunod naman ng kaniyang pag-alis ay ang syang pagdating ni… Ivan?

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon