Chapter 34: Dungeon Disaster

492 30 12
                                    

Third Person’s POV:

“We’ll be back by tomorrow.” Panimula ni Ivan. “Ngunit kung di ko man sya masasamahan ulit sa pagbalik ay ipapahatid ko nalang sya.” Sabi nito.

Kasalukuyan kasi silang gumagayak para makaalis papuntang Filadelfia na kung saan ay may mahalaga syang impormasyong dapat ibalita sa kaniyang ama. Hindi dito kasama ang kanilang napag-usapan bago maganap ang aktwal na pulong kahapon. Makakasama ni Ivan si Mae sa kaniyang pag-alis.

Kahit na nahirapan din silang kumbinsihin kahapon si Lord McKenshie tungkol sa sitwasyon nina Grei at nina Mae ay nagpapasalamat pa rin sila na napapayag nila itong tulungan silang itago muna pansamantala ang kanilang identidad sa publiko sa pamamagitan ng pagkupkop sa kanila pansamantala ng mga McKenshie, sa katunayan si Jessica ang naka isip ng ideyang ‘yon.

“Paki kumusta nalang si Axelle ha…” bilin ni Rina sa kaniyang kaibigan. Tumango si Mae bago ito sumakay sa sasakyan na dinala ni Ivan. At matapos mapaandar ang makina ay kaagad din silang umalis. Pagkalagpas sa malaking gate ay may sumunod naman sa kanilang dalawa ang mga kotse, iyon ay sinasakyan ng mga tinaguriang bodyguards ni Ivan. His father insisted that he should have one dahil na rin napansin nilang mukhang mga maimpluwensya at makakapangyarihang angkan ang tina-target ni Satan ngayon.

Habang palayo ng palayo ang kanilang sinasakyan ay nakatanaw naman mula sa bintana ng ikaapat na palapag ng mansion si Grei habang naka pamulsa ang kaniyang mga kamay.

Tumatakbo pa rin sa isip nya kung ano yung mga sinabi sa kaniya ni Ivan nong gabi.

Grei’s POV:

“’wag ka nang magtanong kung kelan, ginawa mo ‘yon kaya dapat alam mo… Minsan mo na syang hinayaang magdusa at masaktan, ayoko lang maulit muli ‘yon”

Siguro nga tama sya…

I was too harsh on her.

Siguro nga tama din sya sa halos lahat ng bagay na sinabi nya sakin kagabi. Naging masama nga ako nong mga panahong iyon, sa pagiging makasarili ko’y di ko sya nagawang protektahan ng maayos.

Inaamin kong nagalit ako kay Axelle nong nalaman kong alam pala nya ang buong katotohanan patungkol sa nakaraang dalawang taon at maging nong nalaman kong nagtratrabaho sya sa ilalim ni Satan.

Pero kalaunan ay napagtanto kong hindi ko kayang magalit o magtanim ng sama ng loob sa kaniya, kahit ano pa man ang maging sitwasyon… di ko kaya. Ayoko ding nakikita syang nasasaktan… pero…

(Napasuntok sa pader.)

…pero anong ginawa ko?

I just drove her away more. Dahil sa mga ginawa ko marahil ay galit din sya sakin. Dahil sa mga ginawa ko ay nagdurusa sya ngayon. Masyado na syang maraming pagdurusang pinagdaraanan, at lahat ng ‘yon ay dahil saking kagagawan?!

Damn! I am an idiot! A fool!

Sa lahat ng sumablay kong desisyon, ito na ata ang pinaka pinagsisisihan ko…

Pinipilit ko syang ipagtabuyan palayo sakin, pero hindi ko kaya. Pinilit ko din syang kalimutan pero wala akong ibang maalala kundi yung mga tagpong pinagsamahan naming dalawa. She’s always in my head wherever I go.

At dahil sa mga nagawa ko… paulit-ulit akong sinisita ng kunsyensya ko at nang buong sistema ko. Pano pa ba ako muling makakabangon? Pano ko muli makukuha ang tiwala nya?

Gusto pa kaya nya akong makaharap?

“Grei???” pakinig kong tinig ni Jjess mula sa loob ng silid kong tinutuluyan. “Ah, pasyensya na pero naka-kawang kasi yung pinto kaya pumasok ako, p-pero kumatok naman ako bago pumasok kaso lang walang sumagot eh kaya pumasok nalang ako.” Pakinig kong pang sabi nya.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon