Axelle’s POV:
Nakatulala na naman ako sa kisame ng kwarto ko. Thinking about what had happened recently. Bukod sa mga problemang demonyo, my mission, dumagdag pa sa isipin ko yung mga sinabi sakin ni Gray Head kagabi, na hindi ko talaga magawang alisin sa isip ko. Wala nanaman tuloy akong disenteng tulog kagabi.
Flashback…
"You don't need to change it. Dahil handa akong magsimula muli, right from the begining, bilang isang bagong ako. Hindi bilang isang Gray Head, kundi bilang isang Blake. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo, but I want to make things right, I can't change what I've done, but I can change myself to do better…”
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko… galit, inis, awa or something else. Hindi pa tuluyang naghilom yung takot na binigay sakin nong outburst nya, muntikan pa ‘kong mapatapon sa isang lugar na pwedeng maihalintulad sa impyerno, tapos ngayon, heto at nandito syang pinakikiusapan akong makinig sa kaniya, kahit na itong sya ang walang nilaan na panahon para pakinggan ako.
Pero sa gitna ng lahat ng ‘yon… Hindi ko maiwasang ibunton ang aking inis sa mala-mamon kong puso. I may be tough outside, pero sa totoo lang… I’m like a fragile glass inside. At yung glass na ‘yon ay ilang beses nang napinsala ng pagkabigo. Ayoko nang umasa ulit ng buong puso, why?... it would only break me in the end.
I’m tired of always being torn to pieces. Like a glass vase, shattered and broken, tapos isa-isa kong lilimutin ang mga matatalas na pirasong ‘yon para subukang buuhin muli ang sarili ko. Hoping to restore everything back to the way it is before, pero kahit na anong gawin ko, alam kong hinding-hindi ‘yon posible. The past is past… you can never bring back its original appearance.
With this thought in mind. Hindi ko maiwasang mapayukom ng mga kamao ko. How dare he… sa tingin nya ba ganon lang kadaling tanggapin ‘yon?
“…I want to approach you as a new person, a better person. Kahit na ipagtabuyan mo man ako, hindi ako aalis. Marindi ka man, magalit o kamuhian ako… I can’t blame you, pero kahit anong mangyari… hindi kita isusuko." Pakinig kong sabi nya sakin. His words, I can easily tell that he’s sincere… pero can I trust my guts right now? Can I trust him? Or should I?
“You already gave up on me long ago.” Madiin kong saad sa kaniya. “Take me down now kung ayaw mong magsisigaw ako dito.” Banta ko sa kaniya.
Later, he teleported us back down. I felt him loosen his grip and his arms around me, kinuha ko na ang pagkakataong ito para makawala. I didn’t look back and I immediately continued walking. Hindi nya naman ako pingilan, pero mabuti na rin sigurong ganon.
Tss, ngayong wala na si Jiena ako naman ang bubulabugin nya. I had enough. Maghanap na sya ng ibang malalaro ‘wag langa ko. Maghanap na sya ng ibang hihingan nya ng pagmamakaawa, ‘wag lang ako.
End of Flashback
I will not fall for that crap again. Not him. If he truly cared, if he truly… then he should’ve made contact with me long ago.
Argh! Ano ba ‘tong pinag-iiisip ko?!
Erase! Erase! Erase!
Mabilis akong bumangon sa higaan ko dahil isang panibagong umaga nanaman ang sasalubingin ko sa araw na ‘to. Immediately, nilinis ko kaagad ang sarili ko para maging presentable naman ako kapag lumabas ako ng silid na ‘to.
Ngayon kasi nakatakdang dumating ang mga myembro ng Spirit Knights dito sa palasyo, para kapulungin ng hari at heneral tungkol don sa plano. Pwede naman akong dumalo, at pwede ring hindi. I already know the plan, and besides, pinayuhan din ako ni Madam Griese na mag-training ng aking swordmanship. Kaya nagsimula kami ng ilang rounds kahapon bago ako mag-review na parang may exam. Itutuloy namin ang weapon training ko ngayong umaga, most probably kung walang importanteng lakad o ipagawa ang hari samin, magiging isang buong araw ang pagsasanay.
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Mystery / ThrillerMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...