Third Person’s POV:
Tahimik na naka-upo sa isang tabi si Lord Ramis habang naka kadena ang kaniyang dalawang kamay at paa sa pader ng bagong silid na pinaglipatan sa kaniya nang biglang bumukas ang pinto at dahan-dahang lumitaw sa kaniyang paningin si Satan. May nakaguhit na ngiting tagumpay sa mga labi nito habang utay-utay na naglalakad papalapit sa kaniya.
“Sa wakas at nagpakita ka rin. Akala ko wala ka nang mukhang ihaharap.” Sabi ni Lord Ramis habang pinapaulanan sya ng mga masasamang tingin.
“Masyado ka namang mainipin, Lord Ramis. Hindi ka ba interesado sa balitang dala ko?”
“Tsk. Wala akong pakialam.”
“Hmm… kung ganon, sige… sinayang ko lang pala ang oras ko para bisitahin ka.” Sabay tinalikuran din sya kaagad ni Satan. “Gusto ko sanang sabihing ang pinaka mamahal mong apu-apuhan ay bilang na ang mga araw.” Pahabol nito na bahagya pang lumingon.
“Si Axelle?...” buong pagtatakang sambit ni Lord Ramis.
“Tss. Sino pa nga ba?”
Kaagad na tumayo si Lord Ramis para sana sugudin si Satan, pero pinipigilan sya ng mga may mahikang kadena.
“Wala kang kasing sama!”
“Awww… salamat.” Nakangisi pang sagot ni Satan sabay humarap ito muli sa dakong gawi nya. “Sa susunod kasi, kung may itatago kayo, galing-galingan nyo. Sayang lang ang paglisan mo ng Zyteria dahil lang sa propesiyang ngayon ay pinatay ko na.”
Nagawa pang ngumiti ni Lord Ramis. “Sigurado ka ba sa propesiya mo? Matagal ko nang basa ang galaw ng isang demonyo. Kaya naman sinigurado kong hindi-hindi kami ang magkakaron ng aberya, Satan.”
“Matapang kang magsalita ngayon… Pero hindi mo alam na hindi rin kami papatalo sa inyo, mga alagad ng Diyos.” Sa paraang pagbigkas nya sa huling mga salita ay tila ba nandidiri pa sya. “Tingnan nalang natin kung anong masasabi mo kapaka inisa-isa ko na ang mga taong pinaka iingatan mo…”Tinalikuran nito si Lord Ramis at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng silid. “Balak kong magsimula sa tunay mong apo… si Blake Raze Grei.”
Doors closing…
He can hear Satan’s footsteps getting farther away from him. Hindi naman nya maiwasang mangamba sa sinabi nito. Matagal na yang tinago ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan para lang maprotektahan nya ang pamilya nya, at sagayon din ay matulungan ang kaniyang kaibigan. But it seems like Satan can read in between the lines.
SAMANTALA…
Magkakasabay na nagtatanghalian sa kanilang hapag ang buong pamilya ni Grei. Him, his siblings at ang mga magulang nya. Maging si Ivan na nagawa ring humabol para sa munting salu-salo nila.
Hindi naman mailarawan kung anong saya ang nadarama ni Mrs. Rose, dahil kusa mismong sumabay sa kanilang kumain si Blake. Hindi tulad noon na lagi nyang dinadahilang may gagawin sya kaya di sya makasabay. Almost all the time he’s eating alone, after everyone does.
Out of nowhere, his step father breaks the silence. “Kamusta na ang academy?”
“The professors are still sorting everything out, katulong din nila ang hari.” Sagot ni Ivan pagkatapos sumubo.
“Hm, How about your mission? Nabalitaan kong may hindi magandang nangyari.”
“Satan surprised us. Hindi namin inaasahang bigla-bigla syang susulpot sa eksena. It totally got out of hand.” Paliwanag ulit ni Ivan.
“Raze, mabuti nalang ay hindi ka napano.” Napatingin sa direksyon ng kaniyang ama si Raze na noon ay abala lang na kumakain ng pagkaing nakalagay sa kaniyang plato. “You fought one of Satan’s ally right?”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Mistério / SuspenseMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...