Chapter 25: Warrant

369 26 5
                                    

AN: Nasa kalahati na po tayo people!!! Any thoughts/ideas about the upcoming ending yet? Hmm…



Third Person’s POV:

Lumipas pa ang dalawang araw, nagpatuloy ang paghahanap nina Ivan sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid pati na rin si Jiena. Pero hanggang sa ngayon ay di pa rin nila ito mahanap. Nakapagtataka ding sa looban ng nakalipas na dalawang araw ay wala ni isang demons ang napaulat na umaatake o nanggugulo sa buong Zyteria. Ngunit maslalo lang nabahala dahil dito ang hari. Tiyak na may masmalaking delubyong darating sa kanila.

Kaya bilang paghahanda sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa hinaharap pinapalakas ng mga continental Lords ang kanilang depensa laban sa mga demons. Barrier controllers ang pinakahinahanap nila sa ngayon at yung mga spirits na willing na sumali sa king’s army. Maging ang hari na katuwang ang kaniyang heneral ay parehong sinasanay ang kanilang mga sundalo para sa isang labanang di malabong mangyari.

“Mom… Mukhang malalim ang iniisip mo ah…” sabi ni Axelle habang palapit sa kaniyang ina na non ay nasa library at nagbabasa ng mga libro bilang pampalipas ng oras.

“Hindi man. Ikaw? Akala ko’y nasababa ka kasama si Mae?” tanong naman nito sa kaniya.

“Kakatapos lang naming ilagay sa kusina yung mga napamiling pagkain nina Madam Luisitta at sumama naman si Mae kay Rina papunta sa bukid para magdala ng miryenda.” Paliwanag naman ni Axelle sabay naupo sa katapat na upuan. “You’re reading history books ma?” tanong nito habang pinapagmasdan ang mga pabalat nung librong naka latag sa mesa.

Tumango naman si Xyrana. “Wala na ‘kong ibang maisip basahin eh…” sabi nito sabay napatingin sa may malaking bintana na malapit sa kaniya.

Kumuha din naman ng isang libro si Axelle tsaka binuklat iyon.

“Kaano-ano mo yung si Lord Ivan anak?”

“Po???”

“Kung titingnan para hindi lang ordinaryong kakilala mo sya.”

“Ah, pano nyo naman po nasabi ma? He’s just somebody I know.”

“Somebody you know? Kung basta mo lang syang kakilala, ba’t sya nagpadala ng kaniyang mga tauhan dito sa mansion para tulungan si Mr. Giddon sa seguridad? O baka naman ginagawa lang nya ‘to dahil may iba syang balak, katulad nang pagbibigay-alam nya sa mga awtoridad na nandito ka pagdating ng panahon.”

“Um, he… he’s not that kind of person ma. Sa tingin ko po’y hindi po sya magsasabi ng kahit ano tungkol sakin sa mga awtoridad.”

“Kung ganon, why should we trust him?”

“Ah… kasi, he’s also a friend of mine. Matagal ko nap o syang kilala, at gayon din po sya sakin.”

“Pano kayo nagkakilala ng matagal kung di ka pa naman ata humihigit ng isang taon dito sa Zyteria?”

“He’s a… he’s a Spirit Knight. Sa kanilang tropa, sya yung captain. At sa di inaasahang pagkakataon nung pinadala sila sa earth ay nagtrabaho yung kapatid nya bilang butler ko at hayon, don ko sila nakilala at don ko din po natuklasan na kaya ko palang magmanipula ng mga souls.”

“What happened during those times?”

“Um… pinigilan po nila yung tangkang pananakop ni Satan sa earth. Sa huli, nagtagumpay naman po sila, pero nang bumalik nga si Satan sa spirit realm, ay ito namang Zyteria yung ginugulo nya.”

“Oh… ganon pala ang nangyari. How about that other one, si Vhon. Have you known him before?”

“Ah, sa totoo lang ma, ngayon ko lang sya nakilala. But I van seemed to trust him kaya sa kaniya pinaubaya nito yung pamamalakad sa seguridad na pinadala nya. At hindi naman sya mukhang masamang spirit eh… I’m sure we can trust him.”

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon