Chapter 2: Mae

655 31 13
                                    

AN: Another clue guys! Enjoy!  \(> v <)/



Mae’s POV:

Kagagaling ko lang mula sa silid ko matapos maglinis ng katawan. Haayy… I felt sticky after all that cleaning. Habang pababa ako ng hagdanan nakasalubong ko si Rina, one of our house maids also my best friend may dala syang mga tela.

“Huh? Rina, ano yan?” tanong ko sa kaniya.

“Ah, mga kortina. Pinapaalitan kasi ni Sir yung kortina don sa dulong kwarto, masyado daw madilim eh…”

“Ah ganon ba. Tulungan na kita.”

“Naku ‘wag na. Bagong ligo ka pa naman.”

“I insist.” Sabi ko at kumuha ng ilang piraso mula sa dala nya. “Tara.”

Ssabay kaming naglakad papunta sa pinaka dulong kwarto dito sa may hallway sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi naman kami ganon karaming nakatira dito sa mansion, kaya madalas na mabingi ka nalang din sa katahimikan.

Pinagbuksan kami ng isang lalaking nagbabantay sa may pinto ng silid. His name is Ki, at isa rin sya sa ka-close ko dito sa mansion.

“Magandang tanghali Ki.” Bati namin sa kaniya.

“Parang kanina lang nakita kitang katulong nina Aling Isah sa paglilinis don sa may isang kwarto ah? Hindi ka pa ba napagod?”

“Hindi naman ganon kahirap yung ginawa ko kanina. Tsaka baka manaba ako lalo kapagka wala akong ginagawa dito sa bahay noh!”

“Ok sinabi mo eh…”

Pumasok kami sa loob at nagsimula na kami kaagad ni Rina sa pagtatanggal ng lumang kortina. Tama nga si dad, masyadong madilim yung kulay nitong isang kortinang ito.

Habang nag-aayos, hindi maiwasang dumako ng mata ko sa isang malaking kamang sa may bandang gitna ng silid. Ang palibot ng kama ay natatabunan ng isang manipis na kurtinang puti.

Nang matanggal ang mga lumang kortina mula sa bintana ay tila umaliwalas ang silid, masnagkaron ito ng konting buhay kahit papano.

Nauna akong matapos sa pagkakabit ng kortina at hinayaan ko muna itong nakahawi sa magkabilang bahagi para naman makapasok ang liwanag. Binuksan ko rin ang bintana at para kahit papano ay may sariwang hangin ang pumasok.

“Di ba sabi ng dad mo ‘wag mong bubuksan yung bintana?” paalala sakin ni Rina. Hindi pa rin sya tapos sa ginagawa nya.

“Para kayang ang boring-boring naman dito sa loob kung walang sariwang hangin. Tsaka saglit lang naman, sasarhan ko rin bago umalis.” Sabi ko naman.

“Sige bahala ka.”

Nagpatuloy sya sa ginagawa nya at ako naman ay naisipang silipin ang taong naka higa at mahimbing na natutulog sa kama. Hinawi ko yung kortinang manipis at bumungad sakin ang isang napakagandang babae. We’re not the same age at alam kong hindi sya isang teenager, but after all these years… parang hindi man lang sya tumanda ng ilang taon sa itsura nya. Maputi ang balat nya, baka dahil sa hindi naman sya maarawan, her raven black hair looks so soft at yung mukha nya… she looks so peaceful sleeping there…

Naalala ko tuloy yung kwentong nabasa ko dati, ano nga ba ang pamagat non? Sleeping beauty ata. She looks so calm, pero kahit na payapa syang tingnan, may alam ako kung bakit sya nagkaganyan.

My eyes landed on the necklace that she’s wearing.





Flashback…

“Mae, may dadalawin akong kaibigan. Gusto mo bang sumama?”

Tanong sakin ni Dad. Abala ako non sa pamimitas ng bulaklak para may mailagay ako sa kwarto ko. I was only 6 years old at that time.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon