Axelle’s POV:
Habang naka tingin kami sa malawak na ilog ay utay-utay na ring sumisilip yung haring araw mula sa kabilang banda ng kalupaang ito. Ilang oras ba kaming naghabulan sa gubat? Bakit ambilis naman atang mag-umaga. Pero kung tatanawin sa kabilang banda, ay may paparating ding makakapal na ulap, di moa lam kung rain clouds ba o dadaan lang.
“So… any idea kung pano tayo tatawid? Hindi pa rin natin pwedeng magamit ang kapangyarihan natin.” Tanong ni Jessica matapos subukang magpalabas nanaman ng kaniyang kapangyarihan sa kaniyang mga daliri, pero nabigo sya.
“Malayo-layo din ang kabilang pangpang…” puna pa ni Xian habang naglalakad palapit sa gilid ng ilog. “You guys should see this…” sabi pa nya.
Kasunod nya kaming dumungaw sa kaniyang tinitingnan, sa tubig. At mula saming kinatatayuan ay may naaaninag kaming ilang mga naga-glow na spots na sumasama sa agos.
“What are those?” takang tanong ni Tory.
“Ewan, pero ang dapat nating isipin ngayon kung pano tayo makakatawid papunta sa kabila.” Sabi pa ni Jess.
Nanatiling nakatutok ang aking atensyon sa mga umiindap-indap na parang alitaptap sa ilalim ng tubig. I don’t feel threatened. It felt harmless…
“Why don’t we build a raft using some of that floating tree branch right there.” Pakinig naming saad ni Grei.
Paglingon ko ay nakita ko na syang naglalakad papunta don sa inagos na mga malalaking sanga ng puno, kasunod naman nya si Ivan.
Tumayo naman ako at sumunod na rin kami sa kanila. Tumulong na din ako kina Jessica na manguha ng pwede naming magamit malapit sa pangpang.
“Gagana kaya ‘to?” pakinig kong tanong ni Xian.
“Nasubukan na namin ‘to dati. It’ll work, basta ang kelangan lang ay masmalaki ang magawa natin.” Sagot ko naman habang hinihila yung isang kahoy. Non ko lang napagtanto kung ano ‘yong nasabi ko, but it’s already too late to take it back.
“Ninyo??? Sinong kasama mo?” tanong ni Ella na syang tumulong sakin. Napansin kong nakatingin halos sila sakin at hinihintay ang sagot ko, maliban kina Gray Head at Ivan na syang abala sa kanilang pangongolekta, pero siguradong nakikinig din sila sa usapan namin, kaya naman…
“May panali na ba tayong gagamitin?” iniba ko ang topic.
“Susubukan kong maghalungkat sa bulsa ko.” Sabi ni Tory.
May bulsa din ang suot kong coat, kaya naman ay sinubukan kong gamitin yung special pocket na nakalagay dito. Pano naman kaya nila nagawang itahi sa ganitong kasuotan ang ganitong bulsa? O di kaya’y pano kaya nila ito nagawa?
“I found one.” Sabi ni Tory sabay abot sakin nong maliit na lubid na nahanap nya. Mga 8 metero din ata ang haba nito kung tatantsahin, at ilang saglit pa’y nakakuha din ako ng kaparehang lubid sa nakuha nya, sa pamamagitan lang ng ilang beses na pagsisid ng kamay ko sa bulsa.
“Baka kayo meron din dyan?” tanong pa nito kina Ella.
Nang maiahon nila ang kani-kanilang dalang kahoy ay naghanap na rin sila sa kani-kanilang mga bulsa. Kalaunan ay nakakuha pa kami ng tatlong magkakaparehas na lubid. Tinipon ito ni Jessica sabay inabot sakin.
“Hindi mo ba sasabihin samin kung sino yung nakasama mo?” pambubusisi pang muli nito sakin.
“Hind-”
“Axelle!” napalingon kami sa tumawag, at nakita naming papalapit na samin si Gray Head. ‘nong kelangan nito? “Mukhang sapat na yung mga kahoy, pano nga ulit gawin ‘yong balsa?” tanong nito na akala mo’y walang kaalam-alam, eh kahit siguro bata kayang gumawa ng balsa. Nang-aasar ba sya? Way to go Gray Head! *sarcasm*
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Mistério / SuspenseMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...