Axelle’s POV:
Tahimik kaming nagbabyahe nang umalingawngaw ang isang tila tunog ng trumpeta sa kalangitan. Kahit na ang natutulog na si Nich ay nagising din.
*Trumpet sound…*
“Ano yun?” tanong ni Rina.
“Trumpeta.” Maiksing sagot ni Nich habang naka dungaw sa labas ng bintana.
Kanina pa din akong nakamasid sa labas kaya napansin ko ang biglaang pagbabago ng panahon. Dumilim ang kalangitan at ilang saglit pa’y pumatak na ang mala abong nyebe mula sa mga ulap.
“It’s snowing.” Puna ni Ki. “Pero hindi pa naman panahon ng taglamig ah?”
“Stange?...” sabi naman ni Mae.
Nich rolled the car window down at nilabas ang kaniyang kamay. Pero bigla nalang din nya itong binawi.
“Hindi sya nyebe.” Sabi nya. “Mukha lang syang nyebe pero nakakapaso ‘to ng balat.”
Hindi kombinsido, nilabas din ni Ki ang kaniyang kamay sa may bintana. Pero nang mapatakan ito nung putting bagay na ‘yon ay madali din nya itong binawi. “Hindi nga sya nyebe.” Pagkumpirma nya.
Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko ang paligid, hanggang sa isang lumilipad na putting ibon ang aking nakita. Diretso itong lumilipad na medyo may kalapitan sa sinasakyan namin. Isa itong putting kalapati… Hindi ko alam kung bakit ako sinusundan ng mga ibong ganito dito sa mundong ito. Hindi ko rin alam kung ito ba yung kalapating dati nang sumusunod sakin.
“Kelangan nating bilisan nang patakbo. Baka maabutan tayo ng masmasamang panahon sa daan.” Sabi ni Ki.
“For once, I agree with you.” Sabi rin ni Nich. “Hindi natin alam kung anong kayang gawin ng kakaibang panahong ito, mabuti na ‘yong nakarating tayo sa destinasyon natin ng masmaaga.”
With that said naramdaman naming binilisan ni Mae ang takbo ng aming sasakyan. Wala naman kaming masyadong nakakasabay na ibang sasakyan. The road looks like a country road. Sa magkabilang side ay naliligiran ang main road ng mga puno at halaman.
Kanina pang nananahimik si Rina sa kaniyang upuan nang napagdesisyunan nitong magsalita. “Hindi kaya yung tumpeta ang sanhi ng ganitong panahon?”
Pumasok din sa isip ko ‘yan, malamang sa iba rin naming mga kasamahan.
Noong may napakinggan kaming mahabang tunog ng trumpeta ay bigla ring nagdilim ang kalangitan. Yung tipong parang may malakas na ulang darating. Pero ang nakakapagtaka, imbis na pag-ulan ng tubig o nyebe, isang kakaibang panahon ang aming nasaksihan.
“Have you ever heard of… The Seven Trumpets?” tanong ni Nich samin.
Di kaya ‘yon ‘yung mga trumpetang nabanggit sa Banal na Kasulatan? O baka ‘yon na nga ‘yon. Wala man akong gaanong alam sa kasulatang iyon but I’ve read pieces of its parts. Nagbabasa din naman ako ng bible nong nasa isang mundo pa ako, either through internet or yung personal na libro ni mama na binigay sakin para mabasa ko.
And I can remember that on the last parts of the book may nabasa akong patungkol sa Pitong Trumpeta. It marks the end of the world, the judgment day, the end of all evil and His upcoming. Kung nagkataong ‘yon nga ‘yon, edi nagsisimula na pala ang-
“-Then it’s starting?” tanong ni Mae.
Mukhang naligaw ako sa sarili kong iniisip kani-kanina lang ah…
“Kung tama nga ang pagkakatanda ko. The Seven Trumpets mark the start of the upcoming new era.” Sagot naman ni Nich. “Kani-kanina lang ay may malinaw tayong napakinggang tunog ng trumpeta mula sa kalangitan… Hindi malabong narinig din ito sa iba’t ibang parte ng Zyteria.”
BINABASA MO ANG
Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]
Misterio / SuspensoMaligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal para sa kaniyang mga magigiting na tagapagtanggol na syang isa sa may pinakamahalagang tungkuling ginag...