Chapter 31: Dream's Clue

385 23 0
                                    

Zara’s POV:

Naglalakad ako pababa papunta sa may music room dito sa mansion. Ilang oras na din akong nagbabasa ng libro sa sarili kong kwarto, and I decided to relax myself with some music.

Mula sa malalaking bintana ay tanaw ko mula dito sa loo bang mas pinahigpit pa na seguridad. Guards have tripled, at mula sa mga nakaraang araw ay hindi na rin ako muna pinayagang makalabas ng mansion. I’m getting bored, pero buti nalang ay allowed namang bumisita yung mga kaibigan ko.

Days had passed since the attack, at sa kasalukuyan ay pinapaayos na muli ni dad yung nasirang ballroom, and also nagpapatuloy pa din yung malawakang paghahanap at malalimang imbestigasyon tungkol don sa mga demonyong dumukot kina Lord Raze at dun sa isa pang babaeng si Lady Jiena.

I just hope they’re out of harm’s way.

Narating ko yung tahimik na music room.

Madalang lang kasi ito gamitin, at kalimitan, ako lang talaga ang gumagamit nito, while the others were busy doing their chores.

Umupo ako sa tabi ng paborito kong instrument, ang harp.

My mother taught me how to play this instrument when I was young. Ito rin yung naging pamana nya sakin bago sya mamatay sa isang karamdaman.

Si Lady Tresca na syang tinatawag kong ‘mama’ ngayon ay ang second wife ni dad, so which makes her, my stepmother. Mabait sya, pero para sakin, di nito mahihigitan ang tunay kong ina.

*Plays the harp…*

My mom died because of an illness caused by poisoning. Pero hindi lang sya ang naapektuhan nito, there are others whom were also infected. At ang salarin… ang mga kalaban naming demonyo.

My mom and my dad attended a party back then. Ang party na ‘yon ay tungkol sa anibersaryo ng mag-asawang sina High Lord Lius at ni High Lady June, ang magulang ng kasalukuyang High Lady ngayon ng Venomous Continent na si High Lady Alcantra.

Habang dinaraos ang kasiyahan ay hindi nila namalayang may naghatid ng lasong inumin sa grand mansion na naka tayo sa Pergamo City. It is still a mystery up until now how did the demons managed to get past the security, katulad nang nangyaring insidente noong nakaraang araw.

It’s a big coincidence that, that incident happened again.

Huminga ako ng malalim at nagdesisyong ibahin yung tinutugtog ko.

My mom along with another man, na sya namang High Lord dati ng Continent of Beauty na si High Lord Alfonso Grei ang syang may hawak ng matataas na posisyon ang nabiktima, kasama ng lima pang mga spirits na mula naman sa novel class pero di ganon katas yung posisyon.

My mom accidentally drank the poisonous liquor, while yung kay Lord Alfonso naman ay may nagbigay sa kaniyang kaduda-dudang lalaki na, hindi naman daw imbitado sa ginawang kasiyahan na nalaman nila nong magsagawa ng imbestigasyon. Up until now, the identity of that man was still unknown, pero siya ang tinuturing dahilan kung bakit at pano nakapasok yung mga kalaban sa event, as well as kung pano nadala sa loob yung lason.

I stopped playing the harp at napunta ako sa isang malalim na pag-iisip. If such coincidence happened…

Naalala kong may dumating saking balita nong nakaraang araw, na nahananap ng mga awtoridad ang posibleng spy ng mga demonyo na sya ring pinaniniwalaan nilang may parte sa nangyaring kaguluhan at sa pandurukot nung mga demons kina Lord Raze.

They were being confined at a mansion na syang malapit dito.

I wasn’t allowed to go out, pero pakiramdam ko’y tinatawag ako ng kyuryosidad ko para makasilip ng kahit konti sa lugar na iyon.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon