Chapter 16: Missing or Killed?

449 36 5
                                    

READERS’ CASTING


Meowsemarie_Gwace - Lady Stellar
mAndreaSamsoncalma - Miss Andrea
marylouiseclavel - Lady Krishna
atengmaganda0_0 - Miss Gly

Third Person’s POV:

Magtatanghali na nang magsimulang magdatingan ang mga inimbitahang dumalo sa isang mahalagang pulong sa pangunguna ni Grei, bilang pansamantalang pumapalit sa pwesto ng kaniyang ama na si Lord Elgin habang ito’y nagpapagaling pa.

At dahil maaga ang ibang nakarating sa venue ay napag desisyunan ng ilan na magkwentuhan… or gossip, rather…

May ilang mga babaeng magkakakilala ang nagkakasalo-salo sa isang pabilog na lamesa sa may balkonahe ng ikalawang palapag ng gusali ang nagkukwentuhan. Halos lahat sila ay mga anak ng mga namumuno sa ilang mga bayang nasasakupan ng pamilya ni Grei na isinama lang ng kanilang mga magulang ang ilan naman ay pilit na sumama para lang masilayan ang mukha ni Grei o para malaman nga na totoo yung mga balibalita.

“Totoo ba yung narinig kong personal daw na pinuntahan nung anak ni Lady Rose ang pamamahay ng mga Hunter para ikansela yung kasal?” tanong nung isang dilag na may hawak ng isang asul na pamaypay, sya si Miss Gly. At katabi nya sa kaniyang upuan ang kaniyang kapatid na si Miss Andrea.

“Ganyan din ang napakinggan ko mula sa mga magulang ko.” Singit din ni Lady Krishna, na syang anak ng mayor na ang bayang pinamumunuan ay malapit sa mismong kinatatayuan ng mansion ng mga Grei. Sinang ayunan naman sya ni Lady Stellar habang humihigop ito ng hinayong mga tsaa sa kanila ng tagapagsilbi sa gusaling iyon.

“Ayon sa pagkakaalam ko… Nag-away daw sila kaya kinansela nung anak ni Lord Elgin yung kasal nya.” Sabi pa ni Lady Stellar.

“So now that means the Continental Lord’s son is still… single?” pabirong saad ni Miss Andrea.

“Naku, dumali ka nanaman dyan!” natatawang saway naman sa kaniya ng kapatid nyang si Gly. “Ang dami-dami mo na kayang manliligaw bakit di ka pa magpaubaya?”

“Pst, hey. I also heard that the continental Lord’s sons are both handsome.” Singit din ni Lady Krishna sabay mabilis na binuka ang kaniyang dalang pamaypay at pinaypayan ang sarili.

“Dalawa naman pala ang pagpipilian eh…” sabi pa ni Andrea.

“Ladies! Ladies!” isang tinig ng boses ng lalaki ang kanilang narinig na papalapit sa mesa nila. “Mukhang may ongoing multiple choice kayong quiz ah… Mind to share?”

“Nako! Heto nanaman ang dakilang si Vhon!” bungad ni Lady Stellar sabay irap.

Kilala nila si Vhon bilang isang babaerong spirit, hindi lang pala nila kundi ng halos buong kontinente, hindi lang halata sa kalimitan nitong kalmadong aura, pero tapatan mo ng magandang babae at siguradong may ibubuga ‘yan. He’s a traveler, adventurer pa nga, kaya nakakarating sya sa iba’t ibang dako ng Zyteria.

Pero nabawasan ng konti ang kaniyang pagka hilig sa travels nang magsimula syang magtrabaho sa mga Grei. He started working after the death of Blake’s father dahil nagkulang sila noon ng mga tauhan para pangalagaan ang stables at ang mga kabayo. He started as a stable boy hanggang sa makilala nya si Blake at mula non, nagbago ang kaniyang buhay.

“Sus, tanggi pa… Gustong-gusto nyo lang akong makita eh di nyo pa masabi ng direkta.” birong sambit nito.

“Hindi ikaw ang aming sinadya dito kundi yung dalawang magkapatid noh! Kaya tche!” mataray na saad naman ni Miss Andrea sa kaniya.

Spirit Knights: Armageddon (Book 3) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon