Simula

82 3 0
                                    

Simula

"Talo ka!" malakas na tumawa si Erin sa'kin at hinampas ang braso ko.

Umingos ako, "Yabang! Tyamba ka lang, e!"

Mag-i-isang oras na kaming naglalaro ng videogame sa kwarto ko at kahit inaantok ako ay pinagbigyan ko siya. Ayoko namang mainip siya dahil kahit bwiset siya, bisita pa rin siya.

Walang malisya ang pagtambay namin sa kwarto ko, kahit pa kayna mama. Noong una, ayaw nila at ang gusto ay sa sala lang kami kung gusto naming maglaro, o kung hindi naman ay pinabubukas ang pintuan ng kwarto ko. Pero nang makita siguro nilang platonic talaga ang pagkakaibigan namin, hinayaan na lang nila kami.

Teka, platonic nga ba? Minsan oo, minsan hindi. Naks, parang kanta lang ng silent sanctuary.

Matagal na kaming magkaibigan ni Erin, simula grade six at hindi ko naman inaasahan na aabot hanggang ngayon na college na kami. May iba akong barkada, syempre, mga ka-block ko sa engineering. Pero si Erin, ako lang talaga ang pinagkakatiwalaan niyang lalaki maliban sa daddy niya. Ewan ko ba, akala mo naman na-gago na ng lalaki, e puro mga babae naman ang nakarelasyon.

Gulat pa ako nang malaman ko iyon. May girlfriend pala ang gago! Kay gandang babae, e. Hindi naman ako bulag, minsan nga nakakatanga tuwing pinagmamasdan ko siya kahit may butil ng kanin sa gilid ng bibig, e parang nasa tv commercial pa rin ang dating. Hindi ko naman ito sinasabi sa kanya at baka lumaki pa ang ulo lalo.

Highschool kami noong unang beses siyang nagdala ng babae sa shed na lagi naming tambayan tuwing break time o 'di kaya'y walang prof na papasukan. Ang akala ko pa naman, may irereto sa akin, iyon pala... para sa kanya iyon.

"Hope!" tawag niya sa'kin, malaki ang ngiti.

Kumunot ang noo ko at tinitigan nang maigi ang babaeng kasama niya. Naglakad sila palapit sa pwesto ko.

Maganda naman ang babae, grade eight yata ito, pero mas maganda pa rin ang abnoy kong kaibigan.

"Si..." bahagya siyang natawa. "Sophie, iyong sinabi ko sa'yo? Uhm... kami na."

"Anong klaseng trip 'to?" tinawanan ko siya.

Pinagtitripan pa yata ako, e. Ganoon pa man ay tumalim ang tingin nito sa'kin.

"Seryoso ako! Jowa ko 'to!"

Gulat pa rin ako pero doon ako unti-unting natauhan. Umiling si Erin sa'kin at binalingan ang katabing babae, nagngitian ang mga walanghiya.

"Ah... jowa mo..." tumango-tango ako.

"Oo!" aniya. "Sinabi ko lang para 'di na magselos si Sophie sa'yo. Ang akala e, may kung-ano sa'tin."

Peste. Ang akala ko, nahipan lang ng hangin si Erin kaya nagkagano'n. Inisip ko pa, baka kasalanan ko kung bakit naging gano'n ang tipo niya. Paano, may pagka-chicboy din kasi ako. Baka na-impluwensyahan. Hindi naman sa against ako sa ibang gender o ano, sadyang iba lang sa pakiramdam na babae rin pala ang gusto ng kaibigan ko.

Naisip ko tuloy, pwede pala iyon? I mean, hindi naman boyish ang kaibigan ko... sa pagkaka-alala ko ay naglalagay din naman ito ng make-up paminsan-minsan. Simple lang siya, mahaba ang buhok... basta maganda. Pero ano ba 'to, maganda rin ang hanap.

"Balita ko... kursunada ka ni Benison," mahina kong sabi nang nagkasabay kaming mag-lunch.

Nalukot ang mukha niya. "Iyong grade ten? Yuck!"

"May itsura naman iyong tao, ah? Maka-yuck ka diyan... Saka tatlong taon lang din naman ang agwat..."

Humalukipkip siya. "Ulol ka ba? 'Di ba jowa ko si Annalyn?"

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon