13

41 2 0
                                    

13, Breaks

"Heidi," tawag ko saktong pagkalabas namin ng cafe.

"Hmm?" aniya at pinatunog ang sasakyan.

"Mag-usap muna tayo saglit."

Her forehead creased upon glancing at me. "For? May hindi ka nasabi kanina? Is this serious?"

Tumango ako.

"Alright."

Pumasok ako sa shotgun seat ng itim niyang sasakyan at sumunod naman siya.

Hinintay ko ang pagsarado niya ng pinto bago umpisahan ang mga salita.

"I don't really know if this is the right time to tell you this but-"

"You're breaking up-"

"No." pinal kong sabat.

Seryoso niya akong tinitigan.

"I just feel like we're not okay."

"You're impossible..." mapakla siyang tumawa. "How can you say that? We just ate together and... nag-away ba tayo?"

"No, because I didn't tell you my problem."

"And what exactly is it? Is this about me not texting you the previous weeks? Iyon na naman ba ang issue mo?"

"Hindi, Heidi. This is about me, seeing you with someone else." agaran ang pagsinghap niya.

"Are you serious?" tinawanan niya ako.

"Yes."

"So what, Lime? Sino bang kasama ko? Are we making that a big deal? Ang immature naman, Lime..."

"Maybe." I nodded. "I am immature. But for me, it's really a big deal. You lied to me. Tinanong ko kung nasaan ka ba dahil nga nakita kita sa mall at may nakaakbay sayong lalaki. You replied to me that you're at the dorm."

Nanlalaki ang mga mata niya at tila galit na ngayon.

"My gosh, Lime! Kaklasi ko lang 'yun!"

"You lied to me. That's my issue."

"Then, sorry! You're... My gosh," sinapo nito ang noo at galit na itinabig ang buhok sa likod niya. "Kakakita lang natin then eto na?"

"Hindi ko mapalampas na sabihin sa'yo, e. Ang tagal na kasi pero paulit-ulit pa rin sa isip ko. I tried to shrug it off but I just can't."

"Yeah, whatever." umirap siya. "You're making a big deal out of nowhere when I should be the one who's supposed to be mad at you. You think it's fine with me to see my girlfriend doing some crazy relationship shit video online?"

"Ano?" nagulat ako.

"Get out. I don't wanna be stuck on traffic. Mag-Tiktok ka na lang-"

Suminghap ako. "Ano? E, ikaw pala 'tong binibig-deal ang mga hindi dapat, e! It was only for my subject! You're turning the tables. I can't believe you!"

"You started this first! Ano, ikaw lang ang pwedeng maging malapit sa mga lalaki?" she snapped.

"Never kitang binawalan sa ganyan." I gritted my teeth. "Ang hindi ko lang gusto ay iyong nakuha mo pang magsinungaling na para bang may tinatago ka."

"My gosh, Lime!"

"'Tsaka hindi ka dapat nagagalit doon sa simpleng video na iyon. Para namang hindi mo alam na magkaibigan lang kami ni Hope. Ngayon ka pa ba mag-iisip nang masama?"

"I don't know! Bahala ka. Just... just go." she sighed deeply and moved her jaw.

Sumampay sa manubela ang magkabilang kamay niya. Bumuntong hininga ako bago tahimik na lumabas ng sasakyan niya.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon