8

34 2 0
                                    

8, Silent

Hindi ko na pinatagal pa. Kinabukasan ay wala akong ibang hiniling kung hindi ang matapos ang oras sa klase at nang makapag-usap kami ulit ni Hope.

I can't believe he finally agreed! Hah! Utu-uto.

Palihim akong natawa. He actually believed that I already asked a guy for that big favor. Gayon pa man ay masaya ako. At least, solved na ang problema ko– may ipakikilala na ako sa pamilya ko. Iyon nga lang, nagawa ko na iyon, e. I already introduced Hope to them way, way back nang nagsimula ang pagiging malapit namin. Ngayon nga lang, I'll introduce him as my boyfriend, or not technically a boyfriend but seriously as someone I'm dating, or whatever.

Maraming klase na kasi ng form ng intimacy ngayon, e. Pwedeng flirting lang, M.U. ganoon, fubu. Basta. Talagang marami.

Pero alin man sa mga iyon ay wala akong balak pasukin. Lalo na kung kaming dalawa ni Hope. It's cringe-y. I can't even imagine it!

Palabas na ako ng room namin nang matawag ang pangalan ko. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses habang nakatayo sa bukana ng pintuan. I remained holding the glass door.

A group of boys laughed when I saw them. Tuluyan na akong lumabas.

"Bawal lumabas, crush! Sa classroom may batas!" sigaw ng isa.

Napailing ako. Pinigilan ko ang ngiti. They're unbelievable. Hindi sila natinag kahit maraming taong makakarinig.

They continued laughing while singing that viral song. Sunod kong naramdaman ang kurot sa tagiliran ko.

Sumalubong sa akin ang putok na putok na blush on ni Dyorda.

"Siiiis! Fafa 'yon, ah! Huwag mo patulan iyon, ah! Jojowain ko 'yon!"

I almost rolled my eyes.

"Hindi ko naman type, Dyorda. Totropahin lang siya."

"Sabagay! Talagang tataas standards mo. Ikaw ba naman ang halos araw-araw nakikita si Philippe?!" pinaypayan nito ang sarili. "Tara na nga, Ethel, lunch na tayo! Gutom na ako! Hindi na ako aasa pang makakasabay kami ng lunch kay Philippe, Lime Erindayle! Mauuna pa yatang mawala ang virginity ko kaysa mangyari iyon!"

Napanganga ako sa bulgar niyang sinabi. Some students who were near to us laughed at his laments.

"Ano ba, Dyorda? Bunganga mo." si Chelsea na hinaklit ang braso ng kaibigan.

"Totoo naman! One on one sila lagi sa lunch, sis! Bawal i-share sa ka-block ang magandang tanawin?"

He continued stating a lot of things but I chose to just shrug it off. Dyorda was not really mad at me. He's just really like that. Sumunod sa kanya ang iilang kaklase namin. Pinalobo ko ang pisngi bago pasinghap na bumaba na rin sa building.

Since it's lunch time, marami na namang tao at syempre, gutom na. Kagaya ko. Ilang umaga ko ng hindi na-e-enjoy ang almusal dahil sa tindi ng atmosphere sa bahay. Kung pwede lang nga ay huwag na akong sumabay sa pagkain kaso lang ay baka lalo silang magalit sa akin.

Sa gitna ng paglalakad ko ay naramdaman ko pangangailangan sa banyo. I needed to pee so I went to a powder room first. Dahil naroon na ako ay medyo nagtagal na rin ako para maitali ang buhok at mag-ayos nang kaunti. Ngayon, seryoso na talaga ang pagka-inis ko rito sa buhok ko. Sisiguraduhin kong ipababawas ko ito sa weekend.

I tied my hair in a bun, leaving a group of hair strands on the sides of my face. Doing this makes my face look smaller. The shape of my face a mixture of heart and square, and whenever I put my hair up, it's highlighted more. Maingat kong dinukot ang liptint ko sa pouch pagkaraan at pinahiran ng kaunti ang labi.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon