17, Calm and peaceful
Calm down, Erin. If he seems comfortable and not bothered by what happened, you should do your best to act the same way.
Relax. Humugot ako ng isang malalim na paghinga. Nangyari na iyon at wala na akong magagawa pa. The best thing we both can do is forget that it really happened.
At kakayanin ko naman siguro iyon. Sisiguraduhin ko na lang na sa susunod ay magba-bra na ako tuwing lalabas ng kwarto. Mahaba naman kasi ang buhok ko kaya ipinantatabon ko ito sa harap ko.
For some reason, Hope was silent about what happened. I guess it's not really a big deal to him.
Sumabay siya ng tanghalian sa amin. Nakuha pa niya akong salinan ng ulam at kanin sa plato ko. I admit it's very awkward but I just let him do what he wants.
"Kumusta naman sa negosyo? Malamang ay doble ang trabaho ngayon, ano?" si papa habang kumakain kami.
"Opo, tito. Pero ayos lang. Ganoon naman po talaga tuwing magpapasko. Mas maraming supplies po ang kailangan." Hope explained politely.
"Uuwi na ngayon si Luis? Ngayon yata ang pinakamatagal niyang stay sa Bulacan, ah..."
"Oo nga po, e. Next week ho yata ay uuwi na siya. Masyado lang talagang naging abala sa negosyo doon, tito."
"Buti at hindi ka abala ngayon sa business niyo? I thought you're helping Carmen every day at your factory. Day off?" ani mama.
Hope smiled a bit. "Opo, pero ginusto ko lang po talagang pumunta rito ngayon. Gusto ko pong makasama si Erin, tita."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya pero hindi ko na iyon inalintana. Nagpatuloy ang usapan nila at tahimik lang ako sa tabi ni Hope. Malakas pa ang ulan sa labas kaya nasisiguro kong hindi pa siya uuwi. Ayaw ko rin naman dahil masyadong malakas at medyo delikadong magmaneho sa daan.
Tumulong ako sa pagligpit ng pinagkainan namin pagkatapos habang pumanhik naman si mama para makaligo. Si papa, sa sala naman pumunta para manood ng pelikula. Naiwan kaming dalawa ni Hope sa kusina.
Pinagsasama-sama ko ang mga plato at kutsura sa mesa samantalang nakaupo lang si Hope at tinatapik ang palad doon.
Tumikhim siya kaya napatingin ako sa kanya.
"Gusto mo bang pumunta sa'min?" biglang tanong niya.
He looks serious but I have to make sure if he really is. I swallowed hard before asking him back.
"Bakit?"
Humikab siya at bahagyang kinamot ang kanyang patilya. "Kailangan ba may rason?"
"After mong makita ang ano ko tingin mo okay lang ako?" hindi ko na natiis na sabihin.
He paused for a second.
"Aksidente naman iyon, e."
"Kahit na. Bakit ba kasi..." mabigat ang loob kong tumalikod, dala ang mga plato. "Parang tanga, e. Isip mo ba okay lang iyon sa'kin kaya parang wala lang din 'to sa'yo? Babae ako, Hope. Ikaw, lalaki ka tapos manyak ka pa."
Narinig ko ang pag-atras ng upuan niya at ang mga hakbang nito palapit sa likod ko. I can feel my cheeks heating up again while facing the sink.
Binuksan ko ang gripo at nagsimula ng maghugas ng plato. Hindi ko nga siguro kayang alisin ang nangyari sa isip ko. Hindi madali. Matatagalan pa bago mawaglit iyon sa utak ko. Pero ang kalimutan? Malabo siguro.
"Sorry na..." marahan niyang sabi. "Bakit ba kasi wala kang bra..."
I immediately stopped and moved my head to look at him unbelievably. He was leaning on the counter top, bahagyang naka-ekis ang mga paa.

BINABASA MO ANG
Unleashed in February (Behind The Month #1)
RomanceLime Erindayle Arevalo, a woman who knows in herself that she's only up for romantic relationship with women like her, never really trusted men except her father and her only best friend, Jose Philippe Andrada. She believes men are more unpredictabl...