23

31 1 0
                                    

23, Have it

"Parang mga bata..." rinig kong kumento ni Jared.

"Tss. Game na, Dell..." ani Jelly.

Tumawa si Randell pero nang mapatingin sa gawi namin ay natigil siya.

"Wait! No more two shots for consequences. Umiinom na rin naman tayo, e!"

"So puro dare na lang?" si Celina na nangingiwi ang ngiti.

Tumango si Randell at sunud-sunod ang pagsang-ayon ng iba. Now I'm pressured!

Sa pagkakaupo namin sa buhangin sa pabilog na paraan ay nasa kaliwang bahagi ako ni Hope, ang katabi ko naman ay si Demi, tapos magkakasunod na sina Reese, Olga, Jared, Randell, Arvin, Froi, Celina, Jelly at si Jorenz na nasa kanan naman ni Hope.

Nagsimula akong mag-isip ng mga salita. Gusto kong magkamali ang mga kasama ko pero kung ako, ayaw ko nga! Si Hope pa naman ang pwedeng magbigay ng dare sa'kin, o si Demi. Kay Demi, feeling ko safe naman pero kung si Hope ang magsasabi ng gagawin ko, baka kahiyahiya 'yon!

"Isip na! Una ako!" tuwang-tuwa si Randell. "Pagtapos ko, si Arvin na tapos sunud-sunod na! Mabilis lang dapat. Okay... kaibigan!"

"Inuman." si Arvin naman.

Paikot na ang pagbigay ng isang salita.

"Kasalan..." Froi smirked playfully.

Kahit kabado na ay natawa na ako. The game's exciting and a bit nerve wracking. Baka maubusan ako ng salita o mabigkas ko ang nasabi na!

"Pagmamahalan."

"Sayawan."

Tinapik-tapik ko si Hope sa binti dahil malapit na kami.

"Kainan." ani Jorenz.

Hope's eyes darted on me first before clasping my hand on his. Natigil ako sa pagtapik sa kandungan niya. It's his turn now.

"Five... Four..."

"Tss. Halikan."

Naghiyawan sila doon.

"Paaralan!" medyo kabado ko ng bigkas.

Tinawanan nila ako.

"Kagandahan."

"Sinapian."

"Pinsan."

Nakita ko ang pagngisi ni Randell at binigyan ng makahulugang tingin ang kapatid niya.

"Nagustuhan." aniya.

Tapos ay lumipat sa'kin ang tingin niya. Nawala rin iyon dahil okupado na kami sa maraming salitang naibigay pa. We laughed about the words given until it was Hope's turn again.

"Balingkinitan."

"Kawayan?" hindi pa ako sigurado sa pagkakasabi.

"Kaibigan."

They teased and shouted "boo" at Demi who made a mistake for stating a word that's already given.

"Huh? Bakit? 'Di pa 'yon nasasabi, ah?"

"Dems nasabi na. Una pa ngang binanggit iyon ni Randell, e!" tinawanan siya ni Jelly.

Napatingin sila sa'kin at doon ko lang nalaman na ako ang magbibigay ng dare sa kanya. I smiled uneasily and stared at Demi. Wala akong maisip na ipagagawa ko. I felt Hope moved and then he whispered on my right side.

"Pahulihin mo ng isda."

I elbowed him slightly and smiled at Demi. Everyone's waiting for my dare to her.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon